CHAPTER 7 WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE Pagkarating ko sa office ay agad akong pumunta sa lobby kung saan ang area ko para magtrabaho. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may trabaho na ako bukod sa pagiging waitress sa club na tinatrabahuan ko. Yung nga lang malaking katanungan pa sa akin kung paano ako nakapasok eh wala namang interview nagaganap sa akin. Magpasalamat na ba ako sa amo ko? Siya lang naman ang dahilan kung bakit na late ako. Yung akala ko na maghahanap na naman ako ng ibang trabaho pero hindi na nagawa dahil may himalang nangyari. Nagkaroon ako ng trabaho sa madaling paraan, pero hindi naman ako na giguilty masyado kasi pinaalam ko naman sa head officer regarding sa issue ko pero wala namang komento kundi pasalamat ka na lang, yon ang sabi sa akin. Bina