CHAPTER 5: WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE

1677 Words
CHAPTER 5 WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE Kinakabahan man ay pinilit ko talaga ang sarili ko na maging mahinahon. Hindi ko na kasalanan kung bakit ako ang tinawagan nila at hindi man lang dino-double check ang bio data ko at basta-basta na lang tumatawag. Sabihin ko na lang kaya na hindi ako nag-apply kahapon at huli na para makahabol pa? Pero paano ang kapatid ko? Isipin mo pa rin ang pagiging mabuting tao Chevi. "You can sit. Miss Costamina, right?" "G. good morning sir, y-yes sir, ako nga po." kinakabahan ko na sabi. Ito na yata ang sinabi nila na manager na nasa edad 30 o 40 plus na yata. "You're nervous, calm down. Hindi naman nakakatakot ang mga tanong ko–" tumigil siya sa pagsasalita na may pumasok sa loob. Hindi ako lumingon man lang dahil sa tingin ko hindi na pwede at baka aplikante rin kagaya ko ang pumasok at baka mawala pa ako sa pinag-uusapan namin ng manager. Ngunit, tumayo siya kaya tumayo rin ako, "no.. no.. you can sit down miss Costamina. I have to go, si boss na ang magpapatuloy sa pag-interview sa'yo," dahil sa sinabi niya saka ko pa lang tinabingi ang ulo ko para makita ang tinutukoy ng manager habang papalabas na siya ng pinto. Ngunit agad naman akong nagulat na mamukhaan ang lalaking nasa harapan ko na pala at dahil sobrang lapit niya sa akin kaya napaatras ako at namalayan ko na lang na nabunggo na ang pwetan ko sa may lamesa. Wala na akong kawala. Lumapit pa lalo siya sa akin habang nakatitig sa ayos ko. "Wag kang lumapit sa akin! Sinasabi ko sa'yo. Sisigaw ako. Kahit dito bastos ka pa rin at gusto mo akong halikan ulit! Ano?" singhal ko. Mabuti na lang at naituwid ko pa ang sinasabi ko. "Make coffee for two and bring it to the 30th floor, right away!" huh? Pero… May kinuha siya sa ibabaw ng lamesa, bandang likuran ko habang kinukulong niya ako sa katawan niya. Bigla yata akong nanghihina dahil sa perfume niya na ginamit ng lalaking ito. Mas lalo akong kumapit sa strap ng sling bag ko. "Right now, miss Costamina," nakakaakit na bulong niya sa may tenga ko at agad siyang naglakad palabas ng pinto. Natauhan ako at dahil may naalala, kaya agad akong tumayo ng maayos pero wala na siya ng binalik ko ang tingin sa pinto. Yun ang boss ko? Yun mismo? Yung bastos na nanghalik sa akin? Agad akong tumakbo palabas at hinanap ang elevator, agad akong pumasok at pinindot ang numero na sinabi niya. Mabuti na lang at nakisama itong heels ko na ito at hindi pa nasira. Langya yon ha, amo ko siya? Really? Impossible. Nakapamewang ako habang nakatingin sa numero, paakyat. Ang taas naman nitong building na ito, feeling ko papuntang langit na ako nito eh, mabuti na lang at sanay naman ako sa elevator dahil minsan pumupunta kami sa mall ng kapatid ko at madalas sa elevator kami para madaling makapunta sa ibang floor kapag punuan na ang escalator, kaya nasanay na rin kami ni Chareleene hindi naman kami nahihilo. Pagkarating sa floor na tinutukoy niya ay nagulat pa ako na sobrang lawak na ang makikita mo at wala man lang ibang opisina na naroon kundi ang nag-iisang opisina sa may dulo pero bago ka makapasok doon ay may dalawang sofa sa labas at maliit na glass table, sa ibabaw nito ay may flower vase na nakalagay at artificial na black rose, maybe kapag may appointment ay dito na muna maghihintay sa labas dahil may ibang kausap pa sa loob. At may painting rin sa mga walls, pero ang nakakamangha lang ay dark painting ang mga ito at wala ka man lang makikitang ibang kulay kundi gray or black lang talaga. Ang hilig yata talaga ng ganyang kulay ang may-ari ng building na ito. Allergy ba siya sa ibang kulay? Makichismiss nga. "Dito ba ang opisina niya?" tanong ko sa sarili ko, nasa tapat na ako ng pinto. Kumatok muna ako ng tatlong beses, "come in," bigla pa akong nagulat dahil may nagsalita sa intercom. Boses na yata niya ang pinakamalalim kung narinig. Anong ibig sabihin yan Chevi? Pati boses naakit ka na? Dapat galit ka girl! Tumikhim muna ako at nagbuga ng malalim na hininga. Kaya ko 'to. Pinihit ko ang doorknob at agad nagtama ang mga mata naming dalawa dahil nakatingin siya sa akin at makikita kaagad ang table niya pagpasok mo pa lang sa loob. Pumasok ako, sinarado ang pinto at diretso na agad ang tingin sa kanya habang naglalakad at baka mawala na naman ito sa paningin ko. Nasa chivel chair ito nakaupo at perming nakatingin lang din sa akin habang humalukipkip. Tinaasan niya ako ng kilay pagkarating ko sa may table niya kaya ganun din ang ginawa ko. "Where's the coffee?" tanong niya, magkasalubong na ang dalawang kilay. Umirap ako dahil may naalala na naman habang hindi ko maiwasan na makatitig sa mapula niyang labi. Kalma Chevi. "Wala pang coffee kasi may itatanong lang muna ako," panimula ko. Hindi ko alam kung bakit hindi magalang ang approach ko sa kanya kahit nalaman ko na amo ko na siya. Amo ko ba talaga ito? O manager lang din. "And what is it?" He looks irritated. Magtatanong lang eh. "Boss ba talaga kita? Kasi parang hindi. Walang boss na basta-basta na lang nanghahalik kaya bakit mo ako hinalikan kahapon? Tapos …hindi ka pa nagsosorry sa akin!" turo ko sa kanya. May narinig akong nagtatawanan sa may likod ko. Bigla yata akong natauhan at nanlaki ang mga mata ko na nakatitig lamang sa lalaking nasa harapan ko, bigla akong na estatwa. Hindi ako makalingon sa direction nila dahil sa nahihiya, bigla yatang nanghihina ang tuhod ko at parang may kuryente na pumasok sa katawan ko dahil hindi lang pala kami ang tao sa opisina niya. s**t! Nakakahiya talaga! Parang gusto ko na lang ibaon ang sarili ko sa lamesa. Napapikit na lang ako sa inis hindi sa lalaking kaharap ko kundi sa sarili ko. Bakit hindi niya sinabi o sumenyas man lang na may kasama siya dito? "Aalis muna kami, fucker. Ayusin mo yang problema mo, isa ba siya sa favor of the month mo?" imbis na sagutin niya ang nagtanong ay wala siyang reaction o sagot man lang sa kanila. Dinilat ko ang mga mata ko at tinaasan ko siya ng kilay, "b-bakit hindi mo sinabi na may kasama ka pala? Nakakahiya!" ani ko at nilagay ang dalawang palad sa mukha ko. "Nakakahiya talaga, sobrang nakakahiya..langya lang talaga…you… bakit may pa ngisi-ngisi ka pa dyan? Nakakatawa yon? Nakakatawa?" naiinis ako sa sarili at sa boss na ito and the same time namangha sa lalaking kaharap ko dahil sa ngayon ko lang itong nakitang tumawa, marunong naman pala ito, akala ko super duper suplado niya. "Hindi ko na kasalanan yan kung bakit mas inuuna mo pa akong kausapin kesa tumingin muna sa paligid mo." hindi kasalanan, tadyakan kita dyan eh. "Kasi ikaw ang sadya ko kaya bakit pa ako lilingon sa iba kung nandito na sa harapan ko ang gusto kong makausap?" napatigtig siya sa akin at ganun din ang ginawa ko dahil pakiramdam ko na mali yata ang sinabi ko o pagkasabi ko. Pareho kaming tumikhim at nag-iwas saglit ng tingin. "Ahmm..I mean..ano…" "I know.. kaya kita kinuha bilang secretary ko dahil for sure sa akin ka lang nakaf–" "Yeess…" tili ko dahil sa sobrang saya. "Talaga ba boss? Ako ang napili mo na secretary mo? Wala ng bawian yan. Kahit hindi ako nakapag-apply kahapon?" Ani ko. There inamin ko na rin pero wala ng bawian pa, ang saya ko lang. Sa sobrang saya kaya nilapitan ko siya at agad yumakap sa kanya pero huli na para matauhan ako sa ginawa ko. Agad akong pumiglas sa pagkakayakap sa kanya at babalik na sana kung saan ako kanina nakatayo ay kinuha niya ang kanang pulupulsuhan ko at nadala ako pabalik sa kanya. Nasubsob ang mukha ko sa may dibdib niya at ang bigat ng katawan ko ay nasa kanya na rin habang nakaupo pa rin siya. "Ayyy palakang kabayo! A-a-anong ginagawa mo?" nauutal ko na tanong. He leaned closer to me, lalo na sa may tenga ko. "I can't take my eyes off of you. What did you do to me, sweety?" bulong niya sa tenga ko. Mas lalo niya akong idinikit sa malapad niyang dibdib at ang ulo ko naman ay nasa kanyang leeg. Halos mahalikan ko siya roon. Uminit ang mukha ko dahil sa sinabi at kinikilos niya, parang hindi tama. Ano na lang ang sasabihin ng mga staff na makakita sa ayos naming ito, baka sabihin nila, kaya ako natanggap dahil nakipag close agad ako sa amo ko. Tapos malalaman pa nila na hindi naman talaga ako nag-apply kaya dinadaan na agad sa landi. No way! Magsasalita na sana ako pero may biglang kumatok sa pintuan kaya agad akong humiwalay sa kanya at tumayo, mabuti na lang at hinayaan niya ako. Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa kung saan ako nakatayo kanina hindi ko na siya tinapunan ng tingin na parang walang nangyari. Naririnig ko ang kabog ng dibdib ko, hindi ako sigurado kung dahil ba sa ginawa niya sa akin o dahil kamuntikan na akong ma headline na hinaharot ko na agad ang boss ng company na ito. Kababago ko pa lang. Haizt. Pumasok ang lalaki na manager nung kanina na nag-interview kaya gumilid muna ako, hindi naman sinabi ni bossing na umupo ako sa may sofa. Medyo nangangawit na kaya ako lalo at hindi pa ako nakarecover sa ginawa niya kanina. "Boss Dark, ito na pala ang mga files na tinutukoy mo sa akin," saad ng manager. "Thank you." Aalis na sana ang manager pero pinatigil niya ito at binalingan ako. "Let Mr Willer assist you regarding your position in this company," he said. Agad naman akong nabunutan ng tinik na sa wakas ay makakaalis na ako sa harapan ng lalaking ito na kung saan siya ang dahilan kung bakit bumibilis na naman ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD