CHAPTER 4:
WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE
Dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi man lang ako nakapag-almusal. Nagugutom na ako, hindi pa nga ako nakakarating sa paroroonan.
Akala ko nagbibiro lang yung caller pero totoo nga ang mga nakalagay sa bio data ko na binabasa niya, lahat ng details tungkol sa akin ay talagang ako nga ang may-ari na sinasabi ng caller, tinanong ko pa kung paano napunta ang bio data ko sa kanila pero ang sabi sa akin na nasa ibabaw na raw ito ng lamesa na kung saan nakalagay ang ibang bio data ng mga nag-apply kahapon.
Hinanap ko sa bag ko ang bio data ko kanina pero wala talaga akong nahanap, tanging scratch paper at bio data na hindi ko pa na fill-upon ang nasa bag ko.
Hindi ko alam kung paano ito nakarating sa kanila, eh wala namang mga paa ang bio data ko na 'yon at kusang nag-apply mag-isa na wala ako o talagang ma swerte lang ako ngayong araw lalo na at minamalas ako kahapon at ngayon ay swerte naman ang pumalit. Thank you Lord. Nilakad mo ng mag-isa ang bio data ko. Iba ka rin pong manggulat.
Sarap namang maramdaman ang tagumpay na kahit ganito lang muna ang kaya natin ay ang mahalaga ay umuusad.
Akala ko buong mag-hapon na naman akong maglalakad sa tirik na tirik ng init ng araw kapag naisip ko na naman na maghanap ng matatrabaho.
Maswerte man ako pero malaki pa rin ang inis ko sa lalaking nanghalik sa akin kahapon. Haizt…
Paano na lang kung magkita ulit ang landas namin? Magsusumbong na ba ako o kailangan ko siyang kausapin para humingi ng sorry sa ginawa niya sa akin kahapon. Bastos na yon, kumukulo na agad ang dugo ko kapag naisip ko pa lang ang pagngisi niya, bumabagabag iyon sa utak ko. Lalo na ang halik niya. s**t lang, kahit anong toothbrush ko na yata ay hindi pa rin mawawala ang malambot niyang labi sa labi ko.
"Aww!" gagi talaga, paano ba naman kasi kinagat ko ang loob ng labi ko.
"Isa pa! Isa pa! Lalarga na!" sigaw ni manong na nagtatawag ng pasahero.
"Hello kuya!" bati ko sa kanya.
"Oh! ano ineng, may dalawa pang bakante, sasakay ka na ba?" tanong niya at umiling agad ako.
"Hindi pa manong, kakababa ko lang po ng sasakyan ng jeep kaya mamaya pa ako sasakay pauwi ng bahay. Nilapitan kita para magpasalamat dahil kung hindi dahil sayo hindi po ako matanggap sa trabaho. Salamat po."
Nag-iisip muna siya bago niya ako sagutin at ng may naaalala siya kaya ngumiti ito sa akin, "Ganun ba? Masaya ako para sa'yo, ineng!"
"Samat po ng marami," ani ko at kumaway na sa kanya lalo't busy na rin siya sa ibang pasahero.
Sumama ako sa dagat ng mga tao na kung saan-saan na direction ang punta nila habang binabagtas ang kabilang tawiran.
Ng makarating sa…"The Dark Company?" Weird naman ng pangalan ng company na ito. Yung kilala ko naman na bar ay tinatawag na The Dark Club na kung saan puro nga mga dark design ang makikita mo halos. Dito naman, hindi naman lahat black pero sobrang dark ng atmosphere sa loob nung pumasok ako kahapon.
Nasa lobby na ako kaya nagtungo agad ako sa reception at ang maldita na babae ang naroon na receptionist at wala yung babae kahapon na mabait. Gusto kong umirap ulit sa kawalan dahil malayo pa nga ako pero ang talim na talaga makatitig ang babaeng ito. Namumukhaan niya ba ako kahapon kaya ito siya parang gusto akong kainin ng buhay.
Bahala na basta ako, chin up and smile, "Good morning miss, may final interview daw po yung nag-apply kahapon na nakuha at tinawagan sa phone. Saan po ako na floor pupunta para sa final interview?" Tanong ko. Sana lang hindi mamukhaan na hindi ako nag-audition.
Talaga lang Chev…
"Wait lang po, hahanapin ko. Ikaw ba si…"
"Chevika Costamina, miss," sabi ko sabay ngiti pero hindi na ako tinapunan na ng tingin ng babaeng ito. Tsk.
"Lahat ng natanggap kahapon ay tanggap na, ganun kabilis dito pero may interview kayo para makita ang potential niyo kung saang department kayo pwede," aniya.
Kinabahan naman ako dahil ang alam ko lang ay ang pagiging secretary, yung taga timpla ka lang ng kape at maging buntot ng amo mo para isulat ang mga schedule niya at tagatanggap ng calls at iba pa, pero paano kung ilagay ako sa ibang department?
Ok lang kung tagalinis ng mga opisina, wala namang problema sa akin yan, basta trabaho ay papasukin ko at hindi ako magrereklamo, hindi na nga ako nahiya sa pagiging waitress sa bar kahit iba ang iniisip ng ibang tao sa akin, hindi ko sinasabi na mga kapitbahay namin ito pero ganun na nga kaya wala na akong pakialam kung ano man ang pinag chishismiss nila tungkol sa akin, basta alam ko sa sarili ko kung ano ang pinasukan ko na trabaho ay wala na akong paki sa kanila.
At ngayon na nandito ako sa pangalawang trabaho ko ay ayos lang kung ano pa yan, tagalinis ng opisina o secretary ay tatanggapin ko lalo at hindi naman talaga ako mismo ang nag-apply sa sarili ko kundi.. wait.. paano nga ba iyon napunta sa kanila?
Ang bio data ko?
Paano kung mamukhaan nila ako na hindi naman pala ako natuloy sa pag-apply ko ng trabaho at wala talaga ako sa nakapila, baka mamaya n'yan imbis opisina ang bagsak ko sa kulungan na. Hala… wee.
Habang naglalakad patungo sa elevator at ang color gold na naman na elevator ang natipuhan ko na pasukin ngunit agad namang pumasok sa isip ko na baka mabilanggo ako nito, kaya agad akong tumalikod pabalik sa direction ko para umuwi na lang, pero bago pa ako nakahakbang ay may namukhaan ako na lalaki na papunta sa gawi ko, siya nga yon! Oh s**t…don't say hahalikan na naman niya ako?
Dahil medyo malapit na siya ay agad ulit akong tumalikod at napatakbo ako para buksan ang elevator na kulay gold, mabuti naman at agad siyang bumukas. Sinilip ko ang lalaki at nakakunot itong nakatingin sa akin kaya agad kong pinindot ang close button.
Sinilip ko siya ulit at suminyas pa ang gago at?
"Wait!" bahala ka diyan.
Pero hindi ako nakinig at panay pindot ko sa close button para bilisan niyang mag sarado at salamat hindi naman ako nabigo, binilatan ko na lang siya dahil bago niya pa hawakan ang hamba ng elevator para makapasok siya ay agad na itong nagsarado.
"Huuu!!! kamuntikan na yon ha. Manghahalik ka na naman? No way. Ipakukulong na talaga kita, bastos ka."
Pagkarating ko sa 20th floor, ayon sa tinuro ni Kyla na receptionist sa may lobby ay agad akong lumabas. Nakakatakot naman itong pasilyo na ito na puro gray ang kulay o di kaya may halong black. Mabuti pa yata ang elevator, natatanging gold.
Naglalakad na ako para hanapin ang nakapaskil na new applicant daw, wait… bakit bigla na lang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa batok? Palinga-linga ako sa paligid at baka makakita ako ng tao na nagtatrabaho o maingay na nagkukwentuhan sa 20th floor na ito pero wala talaga.
Pinigilan ko ang sarili ko na matakot, trabaho ang hinahanap ko kaya dapat lang na maging matatag ako.
"Palaka kang kabayo ka!" bulalas ko, paano naman kasi bigla na lang nagbukas ang pinto kung saan ko na dapat lampasan.
"Sorry po!" hingi niya ng tawad. Na ginhawaan ako na may narinig na may nag-uusap sa loob ng room na kung nasaan siya lumabas, dahil hinayaan pa ito ni kuya na nakabukas ang pinto.
"Kuya! Saan ba dito ang room daw kung saan ang final na interview naming nakapasa sa inaaplayan kahapon na trabaho?" tanong ko.
Gusto kong kutusin ang pisngi ko dahil imbis na uuwi na lang ako dahil sa naiisip ko kanina pero tingnan mo ang kapal pa ng mukha ko para magtanong kay kuya kung saang lupalop yang new applicant room na yan.
"Ahh isa ka ba sa nakuha? Congratulations then… pagliko mo dyan sa left side, sa pang tatlong kwarto, andiyan ang mga nakuha kahapon. May maaga ngang pumunta kanina kaya humabol kana at sayang naman ang opportunity," ani ni kuya na nasa 40 plus na yata ang edad dahil sa itsura nito at kulay puti na buhok.
Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya. Bahala na, kung malalaman na hindi pala ako nag-apply kahapon eh di uuwi na luhaan, oo iiyak siguro ako ng malala dahil kung bakit pa ako nagsayang ng pamasahe papunta dito sa company na ito knowing na pambili na namin yon ng tinapay ng kapatid ko.
Hay naku, Chevika… minsan hindi ka talaga nag-iisip.
"Ako rin, hindi natanggap sa pagiging secretary, sa ibang department ako nilagay ng boss."
"Same tayo, gusto ko pa naman na maging secretary dahil ang gwapo ng boss natin sobra, kaso ang manager lang ang nag-interview sa atin sa loob hindi ang boss mismo ng company na ito kaya nakakainis, hindi ko siya nakita man lang,'' reklamo naman ng isa. Apat sila na babae na nasa labas ng pinto at nakaupo sa nag-iisang mahabang upuan na plastic doon.
Napansin nila ako, bigla akong yumuko at baka mamukhaan ako at sabihin na 'ito ang umuwi lang kahapon at hindi nakapila para mag-interview, bakit siya nandito? See? Iniisip ko pa lang ang senaryo ay kinakabahan na ako pero wala namang nangyari at bahala na talaga. Kailangan ko lang talaga ng trabaho.
Ganun din ang nangyari sa isang babae na lumabas at parehong malungkot ang mukha dahil hindi raw sila nakuha bilang secretary. Like duh! At least nakuha sila at may trabaho na, dapat na nila yang pasalamatan dahil hindi lahat na aplikante ay ma swerte na nakukuha sa company.
Kung nag-apply lang sila para makasama ang boss na gwapo daw eh di sana hindi na lang sila nag-apply. Tsk.
Ako na lang daw ang pinaka last na sasalang sa interview kaya nagbuga muna ako ng hangin para kumalma ang puso ko at inayos ang damit ko na white long sleeve blouse pair with black skirt at naglakad na sa pinto na kaharap lang namin.
"For sure, tagalinis ng cr ang magiging trabaho niya," narinig ko na sabi nila at ako ang pinaparinggan dahil sa akin sila nakatingin habang tumatawa.
Eh ano naman ngayon?! Tsk. Umirap ako sa kawalan.
Baka magulat na lang kayo na asawa ko na pala ang pinapantasyahan niyo.
Haizt…