Chapter 3 WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE

1587 Words
CHAPTER 3: WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE "Oh! Anong nangyari diyan sa maganda mong mukha at nakasimangot ka r'yan? Oh, tingnan mo at ngumiti na naman ngayon, ang bilis mo naman magbago ng mood Inday," tanong ng kaibigan sa akin pagpasok ko sa club ng gabi. "May ginamit ka kasi na magic word kaya ayan, ngumiti ulit ako." "Ay gagi! Eh! Sa totoo naman na maganda ka, loka-loka. Oh! Ano na? Ano na? Kumusta ang lakad mo kanina at akala ko ba na hindi ka papasok ngayon dahil pagod kana sa lakad mo. Nakahanap ka ba ng trabaho?" tanong ulit niya. Napalakas yata ang buntong-hininga ko at napatingin sa gawi ko ang mga kasamahan namin sa bar. Nag peace sign na lang ako at ngumiti. Binaling ko ulit ang atensyon sa kaibigan. Bad mood na naman ang mukha ko na may naalala. "Yun na nga kung bakit ako pumasok na lang ngayon. Sayang ang kita at tip. Wala akong mahanap na trabaho kanina for today's news besh! Ay nakakainis!" inis ko na sabi dahil totoo naman. May oras pala ang interview kanina at late na akong dumating, wala ng bukas, bukas, bukas kundi last na 'yon. Swerte naman kung sino ang matanggap sa mga pumipila kanina. Hays! Kundi lang dahil sa bastos na lalaki na yon ay malamang makakatanggap ako ng congratulations Chevika Costamina tanggap ka na! Ayy! Nasapo ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip, sa daming nag-apply, matatanggap ba kaya ang mukhang ito? For sure, oo? Uhmm pero para ring hindi grrr… pero at least nag try akong mag-audition man lang sana, para naman malaman ko kung tanggap ba ako o hindi. Nakakainis talaga ang bastos na yon. Oo! Siya ang sinisisi ko sa lahat. Hindi pa nga nagsosorry 'yon eh. Gustuhin ko mang magreklamo kaso nababahala naman ako at baka marami pang kailangan o magbabayad pa ako sa mga barangay para idiin ang kaso na hinalikan ako nung bastos na yon. Ano ang ebidensya ko? Hinalikan lang, presinto na agad? Paano kung ako tuloy ang madidiin sa kaso at hay… ang batas nga naman minsan hindi patas. Tulad na lang sa nangyari sa mga magulang ko na namatay man lang sila na hanggang ngayon hindi pa rin umuusad ang kaso at malaki na ang pera na nagastos ko, ayos lang naman sana yon pero kung ipagpapatuloy ko pa ay kawawa naman ang kapatid ko lalo at may maintenance pa ito na gamot. Kaya double kayod ako eh, dahil walang kamag-anak na kukupkop sa aming dalawa lalo at walang-wala na kami ngayon ng kapatid ko na dati buhay prinsesa lang. Tapos may sakit pa siya. "Don't worry, try lang ng try until your last try. Malay mo may tatanggap din sa'yo. Maganda, brainy at masipag tayo besh kaya try ulit sa ibang kompanya, kahit libutin mo pa ang buong Maynila sa kaka-apply ng trabaho, meron at meron ka talagang mahahanap niyan," pampalubag-loob ng kaibigan ko. Paano na lang kung wala itong babaeng ito sa buhay ko? Walang ibang nagpapalakas ng loob ko kundi ang mga kaibigan ko dito sa bar lalo na si Helen. Isa siya sa nakakaintindi sa kalagayan ko kaya kung may problema man ay siya agad ang matatakbuhan ko. "Kaya nga eh, lalo at next month pupunta kami ulit sa doctor ng kapatid ko at para magpacheck-up, sana lang wala ng ibang idadagdag na gamot. Sana lang mabuti na ang kalagayan ng kapatid ko, lagi akong natatakot kapag tungkol na sa kanya," ani ko sa kaibigan. "Hayaan mo at magtanong-tanong na rin ako sa mga kakilala ko na naghahanap ng trabaho. Ano ba ang gusto mo? Stay-in o stay-out?" "Stay-out lang besh, kahit ilang oras lang sa bagong trabaho then dito sa club panggabi." "Kakayanin mo pa yan? Araw at gabi ka nagtatrabaho? Baka mamaya, ano na lang mangyari sayo n'yan besh kung pinabayaan mo ang sarili mo? Imbes na makatipid ka madagdagan pa ang gastos mo dahil sa isa ka naman sa nagkakasakit," pag-alala ng kaibigan ko. Nginitian ko siya, "hindi naman, kung may nahanap ka sana then mag-ooff ako tuwing linggo para doon ako babawi sa pagtulog sa araw na yan, okay?" "Grabe! Ikaw na talaga! Hindi ka talaga niyan makakapag asawa sa mga pinaggagawa mo na yan," singit niya pa sa usapang ganyan kaya natawa ako. "Bahala na kung walang jowa o magkagusto sa akin, ang mahalaga besh ay ang kapatid ko," wika ko pero inirapan lang ako ng kaibigan ko. "Sayang! Hindi ka malalahian yan, wala ka man lang kahit first kiss," bigla akong natulos dahil sa huling sinabi ng kaibigan. Buti na lang hindi ko sinabi na hindi na virgin itong lips ko dahil may humalik na, s**t halik ba talaga ang tawag no'n eh ninakawan niya lang naman ako ng halik. Grrr. Bastos… "Basta, kapatid muna. Later na ang landi besh. Tara na at tinatawag na tayo," anyaya ko sa kaibigan ko pagkatapos naming mag-ayos ng pang club na uniform. Nagseserve lang kami ng alak at yon lang ang ginagawa namin ni Helen, ang iba naman ang nagmimix ng alak o tinatawag na bartender at mag-eentertain ng mga bisita kung gusto ng mas malaking extra money na maiuwi. Pagod man dahil sa lakad ko kanina na walang kwenta ay ipinagpatuloy ko ang obligasyon ko sa bar. Serve dito serve doon, maliit na sahod ang matatanggap pagkatapos, ang importante kumikita sa marangal na gawain. Uusad din ako, tiwala lang. Iniiwasan ko ang sarili ko na tumingala sa second floor dahil sa may naalala ako. Ayoko ko ng pumunta dyan at baka makakarinig na naman ako ng iyak ng multo. Pinagpatuloy ko ang trabaho lalo at medyo marami ang pumupunta sa bar ngayon. Medyo nahihilo na ako sa light na ginagamit at sound system pero dahil kailangan ko ng pera kaya kakayanin. Bitbit ang tray na may lamang iba't-ibang klase na alak, nasa wine glass at ang iba ay nasa can lang ay nagtungo ako sa table kung saan ko ito iseserve. Ng makarating ako sa may madilim na portion na table ay doon ko naisipang dumaan dahil walang masyadong tao. Ngunit mali yata ako ng dinaanan na may naapakan ako na bagay kaya ang dala ko na inumin na nasa tray ay nalaglag at dahil sa gulat ay napaupo ako, hindi sa sahig kundi sa isang matigas na bagay. Shit… Kandungan ito ng… "Sorry.. sorry po–" agad akong tumayo at humingi ng tawad na hindi man lang tiningnan ang mukha na kung sino man ang na upuan ko at dali-dali kong kinuha ang mga nahulog na baso, para mapalitan ulit. Hay naku, minamalas nga naman at kailangan ko tong palitan dahil sa nasayang na alak, s**t mahal pa ito kaysa cellphone ko. "May nabuhay ba na ahas?" narinig kong nagtawanan ang mga nasa table kung nasaan ang naupuan ko kanina. "Gago!" kinilabutan ako dahil sa lalim ng boses ng lalaki. Mamaya pa ay may naamoy akong familiar na pabango. Lilingon na sana ako sa banda nila na may biglang humablot sa braso ko. "Oh! Anong nangyari sayo diyan? Kanina pa naghihintay ng order yung banda na yon oh," turo ni Helen. "Nalaglag ko besh! Paano na yan? Baka pababayaran sa akin ang mga sinayang ko na wine." ani ko sa kasama ko. Sayang naman yung pera na matatanggap ko mamaya na pang kape at gatas na yon ng kapatid ko kinabukasan tapos pangbayad ko lang pala sa wine na ito na di hamak na mataas ang presyo. Eh di sana! Hindi na lang pala ako pumunta pa dito at kung ito man lang ang mangyayari, buhay nga naman kung minamalas sa araw na ito, pati gabi minamalas din. Kasalanan talaga itong lahat ng lalaking iyon. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako minamalas ngayon, masabunot ko talaga ang bastos na yon. May kamalasan yatang dala ang kumag na yon kaya dapat ko siyang iwasan. Nawala na ang amoy ng pabango na nakalayo na ako sa table kanina. s**t lang nakakahiya talaga ang ginawa ko. Hanggang pag-uwi ng bahay ay dala-dala ko pa rin ang kamalasan sa araw na ito. Kinuha ko na ang kapatid ko sa kabilang bahay, kina manang Dora, online class ang kapatid ko nag-aaral, kaya malaking pasasalamat ko kay manang Dora na isang online teacher din at nakalibre kami ng wifi kahit papano at magstastay na ang kapatid ko sa kanila para kunin ko na lang pag-uwi ko galing sa bar, minsan nakakatulog na siya dito sa kanilang bahay kaya kinabukasan ko na lang inuuwi. May isang anak si manang at the same lang ang edad nila at magkabati naman sila pareho kaya kampante na ako, dinadaan na lang nila sa sign language ang usapan nila o di kaya isusulat. Hays…sana bumalik na sa dati ang kapatid ko na nakakapagsalita na. Hinalikan ko sa noo ang kapatid ko at binuksan na ang maliit na apartment namin. Alas dyes pa lang ng gabi at nasa bahay na ako, si Helen na raw ang bahala na ipaalam sa akin kung magkano ang ibabayad ko sa ginawa ko na pagtapon ng inumin kahit hindi ko naman sinasadya. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip at ngayon naman na maaga pa ay may nag didisturbo itong cellphone ko dahil sa tawag. Naka off na nga yong alarm ko dahil mamaya pa ako babangon. Tsk. "Hello!" bati ko sa paos na boses dahil sa kakagising lang. "Congratulations Ms. Costamina! Tanggap kana sa trabaho—." "Okay..." sagot ko agad na inaantok pa. Pero… Bigla kong idinilat ang mga mata ko dahil sa narinig. "Ahh! What?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD