Chapter 2: WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE

1514 Words
Chapter 2: WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE Tumaas ang kanang kilay niya at unti-unting lumapit kung nasaan ako naroon. Pinindot ko ang open para bumukas ang elevator pero hindi gumagana. He smirked, tinanggal niya paunti-unti ang kanyang sunglass at mas lalong lumapit sa akin habang ako naman ay nasa bibig ko pa rin ang paa ng manok na halos puro na lang buto ang laman at lalong umaabante kahit wala na akong maaabantihan. Nagulat ako dahil sa iba ang kulay ng kanyang mata, pero bakit ako kinakabahan sa itsura niya na hindi na ma drawing kaya mas nakakatakot. "Did I give it to you?" mas lalo akong nangingilabot dahil sa malamig niya na boses, niyuko niya ang kanyang kalahating katawan para magpantay ang aming mga mata. "P..po?" nauutal ko na tanong. Bigla yata akong nabingi ng marinig ko ang barito nitong boses at sinabayan pa ng pagkamangha ko sa kanyang mga mata na kulay...amber or light brown? The heck nasa ibang bansa na ba ako? "Should I say it again? I bought that chicken and I'm sure that's mine. For me, lady! Mine." wika niya, patay… dollar pala ang salita ng lalaking ito. Pero... nagsasalita ako ng Tagalog, ibig sabihin lang na naiintindihan niya ako. "Huh? Pero inabot niyo na po sa akin kanina ito." Turo ko sa buto ng manok na nasa kamay ko na. Nilagay ko sa supot at kumuha ulit ng isa. Ramdam ko talaga ang gutom ngayon, kaya hindi ko na palampasin pa ito, lalo at mag-apply ako mamaya. At least busog na ako. "Really? I don't remember, I thought you were my assistant who was only allowed to enter here, that's why I did that but doesn't mean, you are going to eat what's mine, so now, who are you? Why are you here? Don't you know the rules in this company?" daming katanungan ah. Tinanggal ko na muna ang pritong manok sa bibig ko para mag-explain naman sa side ko. "Totoo nga, kaya ko nga kinain diba dahil sayang naman kapag itatapon mo lang sa basura, at isa pa gutom na ako kaya agad akong kumain bago sumalang sa pag-interview kung meron. Gets mo ba 'yon? Nag thank you rin naman ako sayo bago mo binigay sa akin at fyi lang po wala akong alam na rules dito sa building na ito dahil kakapasok ko pa lang, may mali bang nakapasok ako dito sa kulay ginto na elevator na'to?" tanong ko sa kanya. Sana maintindihan niya. Nginitian ko siya at agad kong binalik ang manok sa bibig, dahil yata sa gutom kaya wala na talagang hiya na nilantakan ulit ang masarap na pagkain kahit kaharap ko pa siya. Sarap na sarap akong kumain sa harapan niya habang titig na titig naman siya sa mga labi ko at napalunok, nakita kong gumagalaw ang adams apple niya, nagutom yata ito, hindi na ako nakatiis at habang kagat ko ang isang manok sa bunganga ay kinuha ko na lang ang isa pa na tanging nasa supot na naroon dahil naawa na ako sa kanya kaya ibibigay ko na lang ang maliit na piraso, binigay ko ang supot. "Gusto mo?" Alok ko. Napalunok ulit siya, see gutom nga, nilagay ko ulit sa bibig ko ang manok pagkatapos ko siyang kausapin at inabot sa kanya ang supot na may lamang manok. "Yeah, I want it too–" wika niya at imbis ang kukunin niya ay ang nasa kamay ko na nakalahad sa kanya ay walang siyang ibang ginawa kundi ang kunin ang ulam na nasa bibig ko at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha at walang pasabi na hinalikan niya ako sa mga labi habang nasa ere ang hawak naming manok na dalawa. Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa ginawa niya. Kaya agad dumapo ang kanang palad ko at sinampal siya sa pisngi ng magkahiwalay na ang mga labi namin. "Bastos!" sabi ko at agad lumabas ng elevator pagkapindot ko nang open button. May nakasalubong ako na empleyado at nagtataka na andun ako. "Excuse me po. Saan po ang restroom dito?" Tanong ko sa babae na naghihintay na bumukas ang kabilang elevator pa top floor. Isumbong ko mamaya sa department o di kaya sa amo nila ang ginawa ng lalaking iyon sa akin, may cctv naman kung kinakailangan, bastos yon ha, gwapo nga pero wala namang modo. Magsi cr lang muna ako dahil ayokong mag-amoy manok mamaya. "Diyan ka galing na elevator?" Imbis yun ang tanong ng babae sa akin, hindi itinuro kung nasaan ang banyo, ang layo ng sagot niya sa tanong ko. Agad siyang pumasok sa elevator at iniwan lang ako doon sa labas na walang sagot galing sa kanya. "Grabe–" Tumunog ang isang elevator at yun ang kulay gold at agad lumabas ang lalaki na walang iba kundi si bastos. Hindi ako nakatiis at pumunta sa direction niya. "Ikaw?" sigaw ko sabay turo sa kanya. Bigla siyang napahinto sa paglalakad at tiningnan ako at ng makarating na ako sa harapan niya ay agad kong hinawakan ang necktie niya. Wala na akong paki kung mag-amoy manok ang damit ng lalaking ito. Walang modo. Matangkad siya pero wala akong pakialam kung hanggang kili-kili niya lang ako, papatulan ko pa rin siya. "Yes?" pa yes yes pa.Tumingala ako. "Mag-sorry ka!" agad ko na sabi. Bigla yata akong nawalan ng gana na mag-apply hangga't hindi siya nagsosorry sa akin. Virgin pa kanina ang mga labi ko eh. Tapos ngayon? Ngumisi lang ang loko, nilapit na naman niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako ng bahagya pero hindi ko pa rin binibitawan ang kanyang necktie. "Do you want me to say sorry to you?" tinanong pa ulit. "Aha! Bilis… habang may oras pa ako na pumunta kung saan mag-iinterview ang mga aplikante," saad ko. Mas lalong lumapad ang ngiti niya, nakakaaliw ba itong mukha ko at ganyan siya, baliw! Nasa hallway kami ng 9th floor. Wala man lang katao-tao. Mali tuloy ang napindot ko kanina at wala sa isip ko ang floor kung saan ako pupunta dapat. "Ano na?" "What if…I don't want to do that? Besides, I want something else from you rather than saying sorry," bulong niya sa tenga ko sa huling sinabi. "Ano!?" kunot-noo kong tanong. Anong gusto nya? Na ako ang hihingi ng sorry sa kanya, eh siya nga itong may kasalanan sa aming dalawa. Baliw. "Sira ka ba? Anong gusto mo na ako ang hihingi ng sorry sa pangbabastos mo sa akin? Ano ka sineswerte? Well, kung ayaw mo pa ring mag-sorry sa akin then wala akong ibang choice kundi ang dalhin kita sa kung saan ang department mo at isumbong sa manager o di kaya sa may-ari ng kompanya na ito para masisante ka. Aba! Baka ganyan ang ginagawa mo sa mga kasamahan mo dito na babae, ano? Hindi ibig sabihin na gwapo ka, matangos ang ilong mo, kulay amber yang mata mo basta-basta ka na lang manghahalik. Ganyan ba ang ginagawa mo sa mga kasamahan mo lalo na sa mga single na katulad ko?" sunod-sunod ko na sabi at tanong sa kanya, hindi na pinapansin kung amoy manok na itong hininga ko. s**t lang, nakakahiya pa rin. Biglang nagdilim ang mukha niya habang matalim itong nakatingin sa akin parang gusto pa yata akong saktan ng estrangherong ito. Try mo lang at mapisa ko talaga yang itlog mo. "Then..take me there!" walang alinlangan niya na sabi, hindi siya natatakot na masisante? "Ano? Sorry lang hindi mo pa magawa, madali lang naman yun ah, ilabas mo lang sa bibig mo ang katagang sorry…bakit? Okay lang sa'yo na mawalan ka ng trabaho? Kasi madali lang naman sakin ang magpatawad kapag nagsosorry lang basta galing sa puso." "Yes!" aba, samantalang ako kanina pa kinakausap si God na tulungan niya ako makahanap ng trabaho at ngayon, itong lalaking ito? Pambihira. "s**t?" bulalas ko na may maalala. Ayoko namang ubusin ang oras sa bastos na ito at sayang naman na uuwi ako na hindi man lang malaman kung nakapasa ako sa interview o hindi. Binitawan ko ang necktie niya at kinuha ko sa bag ang cellphone ko at itinutok sa kanyang mukha ang camera. "What are you doing?" aniya habang inaayos ang necktie. "Can't you see, kinukuhanan ka ng larawan!" "For what?" "Pang screen profile lang," walang pag-aalinlangan kong sagot at agad akong lumayo sa kanya pagkatapos kong sabihin 'yon, binalingan ko siya, "Hindi pala..para ituro kita sa may-ari ng kumpanyang ito na may katrabaho sila na kagaya mo nanghahalik na lang bigla at ikaw ang rason kung bakit ako late sa ina applyan kong trabaho, lalaki ka!" ani ko at agad bumaba at sa hagdan na ako dumaan. Masakit sa paa dahil nakatakong ako na parang gusto ko na lang talaga na magpagulong-gulong upang makarating agad sa 5th floor. Kung hindi lang sa lalaki na yon marahil alam ko na sana ang sagot kung pasado ba ako sa interview o hindi. Maaga akong makauwi sa bahay. Tsk. Hanggang ngayon naramdaman ko pa rin ang malambot na labi niya sa labi ko. Shit… Bigla yatang bumilis ang takbo ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD