CHAPTER 8: WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE Matalim ang tingin ko sa lalaking katabi ko ngayon na nagmamaneho ng kanyang mustang na sasakyan patungong airport. Papunta kami ng Cebu para sa isang auction at ako ang gagawin niyang ka date na gaganapin doon at late niya ng sinabi as in ngayon lang talaga na nasa sasakyan na kami at papunta na kami doon mismo sa Cebu, though sa Sunday pa naman gaganapin pero naiinis lang talaga dahil kung bakit ngayon pa niya sinabi. Pambihira kung advance niyang binulong sa akin eh di sana nakasaglit man lang ako sa binibilhan ko na ukay-ukay para naman makapagpili naman ako doon ng maganda at murang damit para sa date date na yan. Pambihira talaga ang boss na 'to. Nakakagigil. Pasulyap-sulyap pa siyang nakatitig sa akin na parang nag-eenjoy pa sa nakikita