CHAPTER 1: WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE

1544 Words
CHAPTER 1 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE "Ang init!" reklamo ko habang nagpapahinga sa ilalim ng waiting shed ng mga bus at jeep dito sa kahabaan ng Makati. Gusto ko sanang pumunta at magpahinga sa malaking mall na nakita ko kanina pero nanghihinayang ako sa oras. Naniwala talaga ako na time is gold, kaya kailangan kong magmadali bawat segundo pero ngayon… pahinga muna kahit 15 minutes kasi ramdam ko na talaga ang pagod at gutom. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom dahil kumuha lang ako ng dalawang pirasong pandesal at isinawsaw ko sa kape kaninang almusal. Pero… nagugutom talaga ako ngayon. Kanina pa ako palakad-lakad sa kakahanap ng magandang trabaho dito sa Makati pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Saan ba talaga ang tamang daan papunta sa tamang kompanya? May nakita na ako kanina at pinuntahan ko para mag-apply kaso limang kompanya agad ang tumanggi sa akin, meron sanang isa pero ang mura naman ng sasahoran ko kaya tinanggihan ko agad. May isa na lang talaga ako na kompanya na gusto kong subukan kahit alam ko na hindi naman talaga ako matatanggap pero who knows, di ba? Try lang talaga at baka sa huling try ay huling try ko na nga talaga ito. "Ineng sasakay ka ba? Saan ka ba pupunta? Para mahanap ko ang tamang sakayan mo?" ani ni manong na siya ang sumisigaw o naghahakot ng mga pasahero na sasakay. Umiling ako, "hindi pa po ako sasakay kuya, mamaya pa po. Naghahanap po kasi ako ng trabaho kaya dapat bago ako umuwi ay may nahanap na ako," sumbong ko sa kanya na ani mo matutulungan niya ako sa problema ko. Pawis na itong aking damit na sinuot, feeling ko amoy araw na ako kahit matagal naman akong naligo kanina, tapos binabad ko pa sa fabric conditioner ang mga damit na sinusuot ko. "Ganun ba! Try mo kaya sa building na yan!" Turo ni manong sa building na kaharap ko lang. "Totoo? Sure ka ba kuya na naghahanap sila ng trabaho?" "Oo nga, irerecommend ba kita diyan kung nagjojoke lang ako. Basta kung may sahod kana ay balatohan mo nalang ako," napangisi naman ako sa sinabi ni Kuya. Wala pa nga akong sahod dahil hindi pa natanggap, nanghihingi na. "Nung isang araw, may nakapasaskil na naghahanap sila ng restrs.. rester… resetset.." "Sige manong kaya mo yan!" pang momotivate ko. "Ay basta… puntahan mo na lang kaya.. tatlo… tatlo.. tatlo pang kulang at lalarga na ang jeep!" Malakas na boses ni manong para tumawag ng mga pasahero. Agad kong binalikan ang tingin ang building na kung saan ako nakaupo sa mahabang steel na upuan sa waiting shed. Nasa twenty-four or thirty floors na ba yang building na yan? Ang laki naman. Dahil nakapagpahinga na ako at nawala na yung gutom ko ay agad akong tumayo. Baka lang di ba, na tama ang sinabi ni manong sa akin at kung totoo nga ang sinabi niya ay magbubunyi ako. "Bahala na.." sabi ko sa sarili ko. Naglakad agad ako sa tawiran at sumabay sa mga tao na pupunta sa kabilang side. Busy ang mga tao sa kakalakad at iba ang gustong marating at ganun din ako. Nasa harap na ako ng building na tinutukoy ni kuya at malalim akong bumuntong hininga dahil bigla yata akong kinakabahan, well… kinabahan naman ako kanina pero ito… ito na talaga ang pag-asa ko. Ang building na'to. Ang huling subok ko. Kung hindi man ako matanggap dito ay lilipat na naman ako ng ibang lugar. Pwede sa BGC o ibang area dito sa Makati, nag-leave muna ako sa trabaho ko para sa paghahanap ng trabaho ngayong araw. Kung wala talaga siguro akong mahanap dito na trabaho ngayong araw na ito ay baka dediretso na lang yata ako sa club para naman may pera ako kinabukasan. Sana...kaya pa ng mga paa ko mamaya. "Manong! Good afternoon po." Tawag attention ko kay kuya guard na naroon sa may entrance at meron din sa exit, dalawa-dalawa ang nagbabantay. "Yes po!" aniya. Ngumiti ako ng malapad at baka mamaya hindi niya aaminin na totoo ang nakapaskil na papel sa malapit sa kanilang entrance na Wanted kung ano ang hinahanap nila. "May nabasa kasi ako, ayan po na naghahanap po kayo ng receptionist, secretary, tama po ba?" tanong ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Nangunot tuloy ang noo ko. Agad ko naman tiningnan ang sarili ko at baka may hindi nakaayos na damit o hindi kaaya-aya na dumi. Kulay white long sleeve polo ang suot ko at pinaresan ko ito ng black skirt na abot hanggang tuhod at sandal na medyo may takong na kulay black na binili ko pa nung isang taon sa ukay-ukay. Matibay pa naman kaya ito na lang ang ginamit ko. "Oo, pasok ka lang sa loob at magtanong sa receptionist para ituro kung saan kayo mag-aapply na room," saad ni manong na mas nagpalapad ng ngiti ko. Baka lang di ba.. Lord God manifesting and sign naman diyan na isa ako sa mapipili. "Inday! Ayaw mo ba?" "Ay naku, manong, gustong-gusto kaya, maraming salamat. Ang gwapo niyo naman po sa suot niyo," pambobola ko. "Alam kong niloloko mo lang ako Inday, sige na at baka hindi na lang kita papasukin," mas lalong nagmamadali ako na lumayo kay manong para makapasok na sa loob ng building at baka papalayasin pa ako ng maaga. "Thank you manong!" sigaw ko. May napabaling sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Feeling ko ang swerte ko ngayong araw, sana lang pati sa pag-apply ay swertehin din ako. "Hello Miss, saan po dito ang nag-aaply ng receptionist or secretary?" nakatingin sa akin ang dalawang receptionist na babae doon at yung isa lang ang ngumiti, at ang isa naman ay nakataas lang ang kilay. Ang sungit naman, pantayin ko yang kilay mo ngayon na. Binaling ko sa kasamahan niya ang attention ko at hindi na pinansin ang nagsusungit sa akin. Dahil magiliw ang mukha niya ay sa tingin ko na mabait siya. "Akyat po kayo sa fifth floor miss and then sa right side, diretso ka lang, may makikita ka naman doon na mga katulad mo na nag-aaply." sabi ng babae. Ang lapad ng ngiti ko dahil sa maraming dahilan, ang bait nga naman ng tadhana sa akin. Pagkatapos kung magpasalamat sa mabait na si Clara, ayon sa name tag niya ay sinunod ko na ang sabi niya na pumunta sa 5th floor. Dahil medyo malapad ang building na ito na may iba't-ibang elevator, napansin ko na may elevator na may kulay ginto? Doon ako pumunta para naman kahit papano ay maranasan ko na makapasok sa gintong elevator. Dahil alam ko naman kung paano gamitin ito kaya agad kung pinindot ang button na nandoon. "Yes! Oh Wow! Ang ganda naman dito! Parang gusto kong matulog o gawing bahay ito, pwede kaya itong pakpakin at ibenta?" kausap ko sa sarili ko. "Where are you? I told you to come to my office before three in the afternoon, but what time is it now?" bigla yatang lumukso ang puso ko dahil sa pagpasok ng lalaki sa elevator at galit pa. Nakatalikod kasi ako sa pinto dahil nakafocus ang mga mata ko sa elevator na kulay gold nga siya. Ang kintab kasi, akala mo naman na totoong gold pero yun pala pintura lang ito na ordinary. Tama ba? May bitbit ang mama na naka cap at may sunglass na itim na sa tingin ko ay pagkain ang dala niya dahil sa amoy nito, habang may katawagan siya, hindi ko maiwasan na tumitig sa bitbit niya. Nagugutom tuloy ako dahil sa amoy pa lang. "Chicken!" agad na lumabas sa bibig ko ang salita na yan dahil sa bigla niyang inabot sa akin ang supot na agad ko namang tinanggap, wala siyang lingon-lingon sa gawi ko kaya. "Salamat," ngiting-aso na sagot ko. Pagkaabot niya sa akin ng pagkain ay agad naman siyang lumuhod at inayos ang kanyang sintas ng sapatos. Bigla yatang nagsasayawan ang mga dugo ko sa katawan dahil sa may grasya na naman akong natanggap. Ang bait nga naman ng tadhana sa akin. Dahil sa sobrang gutom ay agad akong kumuha ng isang paa ng manok dahil nasa styrofoam naman nakalagay at talagang nilantakan ko na ito. Yan…panay bili ng marami at hindi naman pala kayang ubusin. Mabuti na lang at binigay sa akin kaysa itapon lang. Siguro sobra ito ng kanyang mga ka officemate at dahil may extra kaya ibinigay na lang sa ak—" "What are you doing with my chicken, woman?" Nasa huling kagat na ako ng manok, dahil sa parang kulog ang boses ng lalaki ay kaya agad akong inangat ang ulo ko dahil matangkad ito sa akin habang nasa bibig ko pa rin ang paa ng manok at yakap ko naman ang pinaglagyan nito na supot habang ang kaliwang kamay ko naman ay bitbit ko ang mga documents para mamaya at sling bag na medyo malaki. Matangkad na lalaki ang bumungad sa akin at matangos ang ilong, nakadepina ang kanyang panga pero dahil galit siya sa akin. Sa akin? Dahil sa kilay niyang makapal ay nakasalubong na ito sa ngayon. "Inabot mo na po ito sa akin kaya nilantakan ko na po, sayang naman kung itapon mo! Gutom ako eh," sagot ko habang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD