JOYCE POV "At ano naman yun," mabilis kong tanong sa kanya. "Tutal mukhang hindi na rin tayo magkikitang dalawa, dapat ko lang sigurong ipaalam sayo na set up lang ang lahat ng ito. Na wala naman talaga akong naka relasyon na 6 years. In short gawa gawa ko lang lahat ng 'yan kasi matagal na kitang crush at nang malaman ko kay Kyla na wala na kayo ng boyfriend mo, nakiusap ako sa kanya na baka pwede tayong iset up dalawa-" "Teka lang, ang ibig mong sabihin, nag sabwatan kayong dalawa at pinag kaisanah niyo ako?" "Hindi lang kaming dalawa ni Kyla kung di lahat ng tropa mo. Sorry, wag mo sana silang sisihin kasi ako lang naman ang may kasalanan ng lahat ng ito." Lumapit ako kay Aldrin at sa gigil ko ay hindi ko mapigilan na sampalin ang kanyang pag mumukha. May mga taong lumingon sa