JOYCE POV Naka ngisi lamang si Aldrin sa akin na para bang wala siyang kasalanan sa akin kagabi. "Hoy Mokong," pagtataray ko sa kanya, "Bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mo nang magpakita sa akin pagkatapos mong aminin sa akin kagabi na nakipag sabwatan ka sa mga kaibigan ko para makipag date sa akin?" Nanatili siyang nakangisi sa akin na para bang nang aasar pa siya. "Teka? May sinabi ba akong ganun? Ibaon na natin ang nakaraan sa limot. Mag simula tayo ulit ng panibagong kabanata ng buhay natin," sambit niya pagkatapos ay binigay niya ang bulaklak, "Bati na tayong dalawa please," nagsusumamo niyang saad. "Really?" kinuha ko ang bulaklak na binigay niya at itinapon ko ito sa basurahan. Pagkatapos, ako naman ang ngumisi sa kanya, "Oh ayan, tinulungan na kitang itapon ang bulaklak ha