9

1012 Words
JOYCE POV "Eh kasi sa halip na ipamigay mo, pwede naman nating ibenta bukas para kahit papaano eh may pera ka." "Nako hindi na. Nakakahiya naman kay Nathan kung ibebenta ko ang mga bagay na binigay niya kaya mas maigi pang ipamigay ko na lang." "Gaano ba karami ang mga stuffed toys na binigay niya sayo?" "limang kahon lahat ng binigay niyang stuffed toys sa akin," sagot ko sa kanya. "Ay ang dami naman pala," halatang nagulat siya dahil sa kanyang reaksyon. "Malamang. 11 years kaming dalawa, kada birthday ko at anniversary namin, talagang may ibinibigay siyang stuffed toys sa akin kasi yun lang ang gusto kong iregalo niya. Eh kung peke nga ang mga bulaklak na ibinigay niya sa akin, siguro nasa sampong kahon din yung lahat." "Nako! Major turned off kapag peke ang binigay na regalo. Basted yan agad. Kaynino mo namam balak ipamigay?" "Eh di sa mga kapitbahay namin. Sa pagkaka alam ko nga, may birthday party ang kapitbahay namin kaya plano kong ibigay lahat kasi bata ang may birthday." "Hays... wag na wag mong ipapa alam may Nathan na gagawin mo yan na! Sure ako na mao offend siya." "Wag kang mag alala jan. Feeling ko naman ay hindi siya dadalaw sa birthday party ng kapitbahay namin kasi hindi namam sila magkakilala." Nag order na kami ng isang tower ng alak at dalawang tray ng pulutan. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na malakas uminom. Hindi ko alam kung nakikipag sabayan ba ako kay Aldrin o sadyang broken lang din ako ngayon. "Siya nga pala Kyla, kamusta na nga pala kayo ni Carlo?" tanong ko. "Heto okay naman kaming dalawa. Going strong at so far, wala naman kaming naging problema." "Buti pa kayo. Ang tatag ng relasyon ninyong dalawa." "Bakit ka kasi bumitaw. Sabagay, choice mo namam yan. Sure naman ako na makaka recover din kayong dalawa ni Nathan." Lumalim na ang gabi at halos malunod na kaming tatlo sa labis na kalasingan. Pero ng 11 pm na ng gabi, bigla na lamang tumugtog ang malakas na music sa loob at unti unting dumagsa ang mga tao sa stage ng bar. "Tara sayaw tayo," biglang lag aaya ni Aldrin sa akin. "Go sis! Sayaw na kayong dalawa ni Aldrin para masaya." "Ang kill joy mo naman! Tara na, syempre dapat sumama ka rin Kyla!" "Pass na ako jan. Para lang yan sa mga single. Nangako ako sa asawa ko na sasamahan lang kita rito kaya hindi na ako sasayaw. Wag kang mag alala, pag balik ninyong dalawa, nandito pa rin naman ako. Hindi naman ako aalis. Kaya niyo na yang dalawa. Hindi kumpleto ang gabing ito kung wala kayong sayaw." Naramdaman kong bigla ang malamig na kamay ni Aldrin na humawak sa braso ko. "Tara na... ako ang bahala sayo Joyce. Marunong naman akong sumayaw." Napatitig ako sa mga mata ni Aldrin at aminado ako na mahirap hindi_an ang isang gwapong tulad niya kaya napasama na ako. Pag dating namin sa gitna, todo todo na kaagad ang sayaw ni Aldrin na para bang ngayon lamang ito muling naka sayaw. Pero in fairness naman sa kanya dahil magaling naman talaga siyang sumayaw na lalong nagpa gwapo sa kanya. Samantalang ako naman, sakto sakto lang ang galawan kask hindi naman talaga ako isang dancer. Napatingin sa akin si Aldrin bigla. "Tara, ihataw mo pa ang sayaw," pag hihiyakayat niya sa akin. "Hataw na talaga 'to," sambit ko. Dapat isayaw mo lang kasi broken ka. Ako kasi matagal tagal nang hindi naka sayaw kaya tinotodo ko na ngayon." "Ah ganun ba? Ang galing mo kasi sumayaw. Siguro isa kang dancer dati?" "Oo, dancer ako dati pero dahil sa gilrfriend ko, itinigil ko ang pag sasayaw." "Ha? At bakit naman?" pag tataka ko. "Eh kasi masyado siyang selosa at halos lahat ng babae na nakaka sayaw ko, pinag iinitan niya ng ulo." "Baka ganun ka lang niya kamahal." "Hindi... masyado lang siyang mababaw na tao. Ikaw ba, selosa ka ba sa dati mong boyfriend?" "Oo! Lalo na kapag iba ang tinginan nila ng babae niyang kausap o maganda, talagang pinag seselusan ko. Alam mo, normal lang sa babae ang mag selos. Para sa akin, yung hindi normal ay yung babae na walang pakialam sa jowabells niya. Yung dedma lang kapag nakita ka niya na may kasamang iba." "Di ba pwedeng malawak lang ang pang unawa ng tao?" "Eh basta... sobrang nakaka turn off sa akin kapag ganun ang jowa ko." Bago pa man kami magtalong dalawa, gusto ko nang bumalik. Nang lumingok ako, nagulat ako dahil sa hindi ko nakita si Kyla sa pwesto namin. "Teka saan nag punta ang bruha na yun?" Lumingon na din si Aldrin, "Baka nag cr lang siya." Lumapit na ako sa pwesto namin at kaagad kong napansin na wala na ang mga gamit ni Kyla. Kaagad kumulo ang dugo ko sa inis. Nangako pa naman siya na hindk siya aalis tapos ngayon, nag laho na lamang siya na parang bula. Nawalan na ako ng ganang uminom pa dahil sa naiinis talaga ako. Besides, magiging weird naman kung kaming dalawa na lamang ni Aldrin ang mag iinuman. Kinuha ko ang cellphone ko sa table at bumungad sa akin an chat ng bruha. "Sorry na agad... may emergency lang talaga ako kaya hindi na ako nakapag paalam pa ng maayos. Anyway, nanjan naman si Aldrin, pramis mapag kakatiwalaan naman siyang lalaki. Babawi talaga ako sayo next time." Kinuha ko na rin ang mga gamit ko. "Teka, sayang naman yung tower na inorder natin. Isa pa lang ang nagagalaw." Napatingin ako kay Aldrin, "Sorry pero wala na akong ganang ituloy pa ang inuman kasi may emergency lang din ako. Pero pwede ka naman magpa iwan dito kung sugapa ka sa alak," pag susungit ko pa sa kanya. Paalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita ulit. "Grabe, ang sungit mo naman pala... sayang naman kasi nagugustuhan na kita." Lumingon ako ng naka kunot noo sa kanya. "Teka nga! Naririnig mo ba ang sarili mo ha? Kaya lang tayo nagkasama kasi parehas tayong broken." "May kailangan kang malaman Joyce..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD