JOY POV
Lumalalim na ang gabi, napatingin ako sa orasang dala ko. 7 pm na pero wala pa rin ang fiance kong si Nathan.
11 years na kaming dalawa at mahigit isang taon na rin noongsg propose siya sa akin sa harap ng mga magulang st kapatid ko.
Hinigop ko yung kape ko at malamig na ito, kasing lamig ng relasyon naming dalawa. At ngayong gabi, haharap sa kanya ang pagod na Joyce.
Halos 30 minutes na akong nag hihintay kay Nathan subalit kahit anino niya ay hindi dumating.
Tatayo na sana ako pero sa wakas, dumating na rin si Nathan. Basa ang kanyang polo shirt. Mayroon siyang dalang bulaklak sa kamay niya at nakangiti siyang lumalit sa akin.
"Sorry Joyce, na late ako kasi traffic. Alam mo naman, holiday ngayon at maraming tao ang nasa galaan."
Hinalikan niya ako sa noo at binigay niya sa akin ang red roses. Tinanggap ko ito at naupo ulit kaming dalawa. Nilagay ko sa gilid ang roses para walang sumagabal sa aming dalawa dahil gusto kong makita ang reaksyon ng mukha niya habang sinasabi ko ang masamang balita ko.
"Siya nga pala Joyce, oorder muna ako ng pagkain natin."
Tatayo na sana si Nathan pero muli akong nagsalita.
"Wag na Nathan," seryosong sabi ko. "Hindi na rin naman tayo magtatagal dito kasi hindi ito isang date."
Nawala ang ngiti sa mukha ng fiance ko at gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Teka... anong ibig mong sabihin Joyce?"
Tinanggal ko ang engagement ring na binigay niya sa akin at ibinalik ko ito sa kanya.
"Sorry Nathan... pagod na akong mag hintay. Pagod na akong umintindi at pagod na ako sa relasyon natin na walang kasiguraduhan."
Tumulo kaagad ang luha sa pisngi ko pero kailangan kong lakasan ang loob ko.
"Break na tayong dalawa Nathan, kung hindi mo na ako balak pakasalan dahil sa pamilya mo, mas maigi pa na mag hiwalay na lang tayong dalawa."
Umiyak na rin si Nathan at isinauli niya sa akin ang engagement ring.
"Please naman Joyce. Di ba sinabi ko na naman sayo na kailangan ko lang mapag tapos ang kapatid kong isa sa college tapos pwede na tayong magpakasal. Kaunting unawa lang at panahon ang hinihingi ko..."
Kitang kita ko na nasasaktan si Nathan pero buo na ang desisyon ko.
"Sorry Nathan pero kahit ano pa ang sabihin mo, ayaw ko na talaga. Trust me, hindi lang ikaw ang nasasaktan sa sitwasyon nating dalawa. Pero ilang linggo ko itong pinag isipan. Pinilit kong unawain ang sitwasyon mo pero hanggang dito na lang ang kaya ko."
"Ganoon na lang ba kadali sayo na itapon ang 11 years? Sa dami nang pag subok na pinag daanan nating dalawa, ngayon ka pa talaga bibitaw? Akala ko ba strong tayo?"
"Tao lang din ako Nathan. Napapagod sa mga nangyayari. Minahal naman kita sa loob ng 11 years, marami tayong mga trials na nalagpasan at marami din tayong mga masasayang alaala, hindi ko naman yun tinatapon pero hanggang doon na lang ang kwento ng love story natin. Sa umpisa, mahihirapan talaga tayong mag move on pero time heals broken hearts. Baka talagang hindi tayo ang itinadhana para sa isa't isa."
Tumayo ako at kinuha ang bulaklak na binigay niya sa akin.
"Salamat sa flowers, pramis hindi ko ito itatapon."