6

1034 Words
JOYCE POV Nag kukulong ako sa aking kwarto, sobra akong nagi guilty sa ginawa kong pag papahiya kanina pero mahirap nang lokohin ang sarili ko. Napatingin akong bigla sa trash can ko at naalala ko na itatapon ko na pala ang mga pictures naming dalawa. At ang mga stuffed toys at ibang gamit na binigay niya sa akin, balak ko nang ipamigay lahat. Sa gitna ng aking pag iisip, isang malakas na katok sa pintuan ang narinig ko. "Anak mag usap nga tayong dalawa! Kanina ka pa nag jan nag mumukmok," sigaw ni mama. Bumangon ako kahit na tinatamad ako. Mabigat kong iniyapak ang mga paa ko papunta sa pintuan at pinag buksan ko ng pinto ang mama ko. "Bakit ma? Gusto kong mag pahinga ngayon." "Anak, bakit mo naman ipinahiya si Nathan? Ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa ha?" "Ma..." napahinga ako ng malalim bago ako nagpatuloy, "Wala na kaming dalawa ni Nathan at ako ang nag wakas ng 11 years na relasyon naming dalawa." "Oh my gosh!" napahawak pa si Mama sa kanyang dibdib sa gulat, "Ano ang nangyari sa inyong dalawa? Di ba't nag propose naman siya sayo?" "Ma naman, hindi na po ako bumabata. Nagkaka edad na rin po ako, 27 na ako at gusto ko nang mag asawa. Pero si Nathan, iba ang priority niya. Isang taon na kaming engage pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang planong pakasalan ako kaya ibinalik ko ang singsing niya kasi pagod na pagod na ako kakaintindi." "Eh di sana pinag usapan ninyo ng maayos ito kesa naman sa nakipag break ka kaagad. Mas maiintindihan ko sana kung nambabae yung tao pero hindi naman. At tsaka wag kayong mag madaling ikasal kasi hindi biro ang kasal anak, mas maigi na rin siguro kung ganito lang kayong dalawa. Wag kang mape pressure kasi meron nga jan na 30 or 40 bago nag asawa. Balikan mo na si Nathan bago ka mag sisi jan." "Ma, maraming salamat sayo kasi boto ka kay Nathan para sa akin. Sobra kong na a appreciate ang sinabi ninyo pero pagod na talaga ako sa kahihintay sa kanya. At kung sakali mang ikasal kaming dalawa, natitiyak ko na magiging parehas lang din ang sitwasyon namin kaya mabuti pa na tuldukan ko na ang relasyon namin hangga't maaga pa." "Sigurado ka na ba talaga rito Joyce? Kasi 11 years na kayong dalawa ni Nathan, sure naman ako na marami pa kayong mas matitinding pag subok na nalagpasan kesa rito." "Pero pagod na ako Ma, hindi ko na talaga kayang magtiis." "Pagod ka na o baka naman na fall out ka sa boyfriend mo?" "Ma naman, mahal na mahal ko po si Nathan at malinaw sa kanya ang rason kung bakit ko gustong makipag hiwalay sa kanya." Napatingin siya sa likuran ko at bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya. "Aminado ako na mahihirapan akong mag move on sa 11 years na relasyon naming dalawa ni Nathan kaya inalis ko na lahat ng mga pictures naming dalawa at plano ko ring ipamigay lahat ng mga bagay na binigay niya sa akin." "Sayang naman pero kung ayaw mo na talaga kay Nathan, siguro ay hindi na kita pipilitin pa. Sobra lang akong nasasaktan para sa kanya at hindi lang ikaw ang mahihirapan na mag move on sa relationship ninyo kung di kami rin ng buo mong pamilya. Halos anak na rin kasi ang turing ko sa batang 'yun at hindi na siya ibang tao sa amin. Pero naka suporta lang kami sayo, mahirap man sa umpisa pero matatanggap mo rin ito." "Thank you ma, gusto ko lang sana ulit magpaalam sa inyo. Aalis sana ulit kaming mag to tropa mamaya, pupunta kami ng mall at baka gabi na ako umuwi." "Sige! Pero ang kondisyon nating dalawa, dapat magte text ka sa akin at siguraduhin mong wala kayong lalaking kainuman." Nginitian ko siya, "Syempre naman, mga kasal na ang mga tropa ko at nirerespeto ko pa rin ang moving process naming dalawa ni Nathan. Ang pangit naman kung maghahanap ako kaagad ng lalaki, gusto ko lang ulit maging masaya kasi kahit saan ako tumingin sa bahay na ito, hindi ko maiwasang maalala si Nathan." "Normal lang ang nararamdaman mo at sure ako na ganun din ang nararamdaman niya ngayon sa sitwasyon ninyong dalawa. Sige na at aalis din kami ng papa mo para makapag simba. Mag ingat kayong magba barkada." Hinantay ko munang maka alis sila mama at nang marinig kong nag bukas ang gate namin, dali dali kong inilabas ang trash bin kung saan ko inilagay ang lahat ng pina develop kong pictures naming dalawa ni Nathan. Over acting man ito sa iba, pero para sa akin, kailangan ko itong gawin bilang part of moving on. Nag siga ako sa bakuran namin at nang lumiyab na ang apoy, doon ko isa isang pinag lalagay ang pictures naming dalawa. Habang pinag mamasdan ko ang pictures namin na nasusunog, hindi ko maiwasan na mapa iyak lalo na't lahat ng pictures naming dalawa ni Nathan, halos nakangiti kaming parehas. Hanggang sa kahuli hulihang picture naming dalawa, nanatili akong umiiyak. At itong huling picture ay kinuhaan pa noong una naming halikan sa una naming date. Napangiti ako pero may halo nang sakit ang nararamdaman ko. Nang maging abo na lahat ng sinunog kong pictures naming dalawa ni Nathan, pinatay ko na ang apoy. Bumalik ako sa loob para mag handa sa walwalan namin ng mga tropa ko ngayong araw. Habang nagsho shower ako, napasandal ako sa pader, sumagi bigla sa isip ko kung ano ang ginagawa ni Nathan pagkatapos kong i reject ang pangalawa niyang proposal. Susuko na ba siya sa akin o susuyuin niya akong muli para bumalik sa kanya? Nag inom ba siya kasama ang mga tropa niya o may plano siyang umiwas na sa akin? Bago pa ako tuluyang lunurin ng mga tanong sa isipan ko, lumabas na ako sa cr, nag bihis at nag punta sa mall upang makipag kita sa tatlo kong mga kaibigan na magiging malaki ang tulong para makapag move on ako. Subalit laking gulat ko na lamang dahil may binitbit na lalaki si Kyla. Gwapo ito, maputi, matangkad at higit sa lahat, mapupukaw ang mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD