7

1025 Words
JOYCE POV "Joyce, siya nga pala si Aldrin tropa ko," pagpapakilala ni Kyla, "Parehas kayong broken, kaka break lang din niya kahapon sa 6 years girlfriend niya nag loko." Gusto kong mainis kay Kyla dahil nag dala talaga siyan ng lalaki na maaakit ako. Lahat ng weakness ko sa isang lalaki ay na kay Aldrin na. Pero kailangan kong itago ang kilig ko ngayon dahil dapat irespeto ko pa rin ang relasyon namin ni Nathan. "Good day Joyce," nakangiting sabi niya, ang ganda ng mga ngipin niya dahil pantay pantay itong lahat. Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin upang makipag hand shake. Itinago ko ang mga kamay ko sa likod. "Nice to meet you," tipid ngiting sabi ko pa sa kanya. Binawi niya ang kamay niya sabay ngiting awkward. Hindi ko siya gustong mapahiya pero kailangan kong pangatawanan na hindi muna ako nakikipag landian. Mamaya, kakausapin ko itong si Kyla na parang nananadya pa sa nangyari. Ilang sandali ang lumipas, dumating na rin sila Kat at Cherry. Pero imbes na sa akin mapunta ang atensyon nila, kay Aldrin sila napatingin. "Hello ang gwapo mo naman! Anong name mo?" tanong ni Cherry na mabilis mag blush lalo na kapag nakaka kita siya ng pogi. Iniabot ni Aldrin ang kamay niya kay Cherry. "Aldrin nga pala, sinama ako ni Kyla rito kasi gusto niya raw akong tulungan na mag move on." "Wag ka! Gwapo yang kaibigan ko pero iniwan pa rin ng jowa niya at ipinag palit sa iba. Sayang ang six years nilang relationship." Unlike me, nakipag hand shake si Cherry sa kanya. ""Oh I see! What a coincidence, mayroon din akong friend na broken hearted. Gwapo ang jowa pero hiniwalayan." Nagtinginan silang apat sa akin pero ako, nag side eye lang at medyo na awkward kay Aldrin. "Ang lakas maka kathniel ng love story nila at akala ko sila na ang last na mag be break up ngayong taon pero humabol ka pa pala." Tiningnan ko ng masama si Kyla, kahit kailan talaga napaka kati ng kanyang dila at wala siyang preno. Nag pakilala rin si Kat kay Aldrin at nakipag hand shake. The way silang mag tinginang tatlo, para bang may something. Nang hindi na ako makapag timpi pa, napatanong na ako. "Teka lang... wag ninyo sabihin sa akin na planado ninyo itong lahat?" tanong ko habang nakatitig sa kanilang tatlo. "Ha? Anong plano?" pagtataka ni Aldrin. "Plano nila na i set up tayong dalawa para sa isang date kasi broken tayong parehas." "Hindi ito set up!" Sagot ni Kyla. "Sadyang nagkataon lang din na magka chat kaming dalawa niyan ni Aldrin at naaawa ako sa kanya kasi niloko siya ng girlfriend niya." "Tama ang sinabi ni Kyla. Hindi pa ako okay ngayon at wala pa akong planong mag syota. Gusto ko lang uminom kaya inaya niya ako." Nakampante na ako sa sagot ni Aldrin. Siguro naman ay hindi niya maiisipan na mag sinungaling. "Oh ano okay ka na sis? May respeto naman kami sa relasyon ninyo ni Nathan." "Tama si Cherry. Wala naman kayong gagawing masama ni Aldrin at tsaka kasama mo naman kaming tatlo nila Kyla kaya wala kang dapat na ika ilang. Hindi ka naman namin tutuksuhin sa kanya." Gumala na kaming dalawa sa loob ng mall pero tila yata ay mayroong sariling mundo ang tatlo kong mga kaibigan dahil sa buhay mag asawa ang iniintindi nilang tatlo. At dahil sa hindi ako maka relate sa kanilang usapan, wala na akong ibang nagawa pa kung di ang kausapin si Aldrin, tutal parehas naman kaming single. "Taga saan ka pala Aldrin?" tanong ko. "Taga Quezon City lang din ako. Samantalang yung ex girlfriend ko naman ay taga Makati." "Ah so long distance pala ang relationship ninyong dalawa?" "Ha? Malapit lang naman ang Makati sa Quezon. Hindi ka pa ba nakapunta sa Makati?" "Nakapunta na pero dahil sa trapik, nagiging 3 hours yung dapat na isang oras lang na biyahe kaya nasabi kong long distance ang relationship ninyo." "Ahhh... hehehe! Sabagay, oo nga, madalas talaga kaming hindi magkita dahil sa trapik. Ikaw, taga saan ka?" "Quezon City rin at halos magka barangay lang kaming dalawa ng boyfriend ko." "Nako ang hirap ng ganyan. Paano kung bigla kayong magkasalubong sa daan? Eh di hindi na kayo magpapansinan?" "Ganun siguro talaga ang mangyayari. Wala eh, mahirap umasa sa wala. Kung trip naman ng ex boyfriend ko, pwede naman siyang lumipat sa ibang lugar kung ayaw niyang makita ang pagmumukha ko." "Talaga? Mayaman ba ang boyfriend mo? I mean, ex boyfriend pala, sorry." "Hindi," mariin kong sabi, "Bread winner siya ng pamilya nila at isang taon na kaming engage. Kaya nga lang, nakakapagod mag hintay sa wala. At napagtanto ko na mahirap magkaroon ng syotang bread winner kasi kahit mag asawa na kayong dalawa, pamilya pa rin niya ang priority niya so kailangan ko nang maghanap ng iba." "Sigurado ako na hinahabol habol ka pa rin niya." "Sinabi mo pa! Kanina nga lang, nagpunta siya sa bahay at sinama niya ang kapatid niya para haranahin ako. Lumuhod siya at biglang nag propose kaya nga lang, tapos na kaming dalawa kaya kailangan ko siyang tanggihan. Pinag susunog ko pa nga ang mga pictures naming dalawa at bukas na bukas, ipapamigay ko na ang lahat ng stuffed toys na binigay niya sa akin." At dahil sa sinabi ko, lumingon sa akin ang tatlong kaibigan ko na hindi ako pinapansin kanina. "Hoy, bakit mo naman ginawa yun kay Nathan?" galit na tanong ni Kat. "Oo nga! Sinuyo ka na nga ng tao tapos pinahiya mo pa," dagdag pa ni Cherry. "Nako! Kawawa naman si Nathan, dapat siya na lang ang sinama namin dito!" sambit ni Kyla. "Eh anong magagawa ko kung ayaw ko na sa kanya? Nagi guilty rin naman ako sa sinabi ko sa kanya, sana kasi nakipag usap na lang siya ng masinsinan sa akin para hindi na siya mapahiya ng ganun. Pati tuloy si Junior nadamay pa sa nangyari." Tinaasan ako ng kilay ni Kyla, "Ikaw ha? Papangatawanan mo yang ginawa mong yan kasi kapag nagsawa nang maghabol ang boyfriend mo at nakahanap na siya ng iba, baka ikaw pa ang maghabol sa bandang huli."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD