5

1038 Words
NATHAN POV Kumunot ang noo kong bigla, "Anong chicks ang pinag sasabi mo jan? Hindi ko chicks yan! Loyal ako sa girlfriend ko. Sinubukan niyang makipag landian sa akin kanina pero walang epek ang pagpapa cute niya sa akin. Kaya bukas na bukas, kakaladkarin kita at susuyuin natin ulit si Joyce sa ayaw at sa gusto mo." Tumayo siya at napakamot sa ulo, "Ano ba 'yan? Pati ba naman ako idadamay mo pa jan!" "Oh bakit ka nagrereklamo eh ako ang nagbabayad ng tuition fee mo? Saglit lang tayo doon, pag nag balikan kami ni Joyce, ibibigay ko ang tuition fee mo." Nakikita ko pa rin ang pagrereklamo sa kanyang mukha. Kinabukasan, 8 am ng umaga, hinila ko si Junior papunta sa bahay ni Joyce, may dala akong tatlong rosas at isang toblerone. Nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay niya, kinabahan ako pero napatingin muna ako kay Junior. "Ayusin mo ang pag harana mo ha? Kailangan nating mapalabas si Joyce!" "Kuya naman? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa natin? 2023 na, ikaw na lang yata ang gumagawa ng ganitong bagay. Sigurado akong pagtatawanan lang tayo ng mga tao rito." "Ano ka ba? Ganito talaga ang mga batang 90's. At tsaka sa ganitong paraan ko napa sagot si Joyce noon. Kaya galingan mo ang pag harana mo para matuwa naman siya. Patugtugin natin ang Wlang iba ng Ezra band, gustong gusto niya ang kanta na 'yun." Sinimulan na ni Junior ang mag harana at kumanta ako. Hindi naman sa pag mamayabang pero may kagandahan din naman ang boses ko. "Ilang beses ng nag-away, hanggang sa magkasakitan, di na alam ang pinagmulan. Pati maliliit na bagay. Na napag-uusapan. Bigla na lang pinag-aawayan, ngunit kahit na ganito. Madalas na 'di tayo magkasundo. Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko. Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano. Ikaw pa rin ang gusto ko. Kahit na sinasampal mo ako't. Sinisipa't nasusugatan mo. Ikaw pa rin... walang iba. Ang gusto kong makasama." Dumami ang tao sa paligid at nag silabasan ang lahat ng mga tao at nag kumpulan sila sa paligid. Pero mas masaya kapag ganito, kapag maraming mga viewers kaya mas malaki ang chance na magbalikan kaming dalawa ni Joyce. Ilang minuto ang nakalipas, lumabas na si Joyce at nginitian ko siya. Nag patuloy lamang ako sa pagkanta hanggang sa matapos ito. Nag palakpakan ang mga tao sa gilid pero nakatuon lamang ang atensyon ko kay Joyce na parang naiilang kaya lumapit ako sa kanya at ibinigay ko ang tatlong rosas at toblerone sa kanya. Binigyan niya ako ng matipid na ngiti, "Salamat Nathan. Nag abala ka pa talaga." Lumuhod ako sa harapan ni Joyce ulit at sa pangalawang pagkakataon, lumuhod ako sa harapan niya upang mag propose. "For the second time, papayag ka bang muling maging fiance ko?" "Ayyyieee," sigawan ng mga tao sa paligid namin na palakas ng palakas. Imbis na kiligin, mas lalong naging seryoso ang mukha ni Joyce. Kinabahan na akong bigla. Napatingin siya sa paligid bago muling tumingin sa akin. "Sorry pero I have to say no, Nathan... as of now, mag kaiba tayong dalawa ng priorities sa buhay. Mas maganda siguro kung mag focus ka na lang muna sa family mo. Kagaya nang sinabi ko sayo noong isang gabi, break na tayong dalawa. Salamat sa 11 years na relasyon natin at mananatili ka sa puso ko bilang isang mapagmahal na boyfriend." Halos madurog ang puso ko sa narinig ko mula sa bibig ni Joyce. Para niya akong sinaksak ng paulit ulit sa sinabi niya. "Joyce... priority naman kita di ba? Pwede pa naman natin itong maayos. Bakit mo naman ako pinapahiya ng ganito?" Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ito. "Makakapag move on ka rin sa akin Nathan. Sadyang hindi lang tayo para sa isa't isa kaya I am so sorry kung napagod na ako kahihintay sayo. Mabait at gwapo ka naman, makakahanap ka rin ng babae na tatanggapin ang sitwasyon mo." Umalis na si Joyce at muli itong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Gusto kong magpalamon bigla sa lupa dahil sa labis na kahihiyan. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako napahiya ng ganito. Unti unting nag si alisan ang mga tao sa paligid at lumapit sa akin si Junior. Nag simula nang pumatak ang ulan sa kalangitan na parang nakikiramay sa nangyari sa akin. Lumapit si Junior sa akin. "Kuya, sorry sa nangyari. Tara na sa bahay, iinom na lang natin ang nangyari." Halos mawala ako sa uliran at sobrang lutang na ako sa nangyayari. Mas lalong naging doble ang kalbaryo ko ng madatnan namin si Mama na nasa sahig pag uwi namin sa bahay. "Ma, ma," sambit ko, ihinigay ko ang ulo niya sa hita ko at pilit kong tinatapik ang pisngi niya upang ito ay gisingin pero hindi pa rin ito epektibo. Isinugod namin si Mama sa hospital. Parehas kaming tuliro ni Junior sa nangyari at halos natutulala na lamang ako. "Ano kayang nangyari kay Mama? Bakit siya natumba at tsaka nasaan si Papa?" "Junior, hintayin muna natin ang findings ng doctor. Umuwi ka muna sa bahay at hanapin mo si papa, baka nasa inuman na naman yun." "Pero paano si Mama, kuya?" "Ako na ang bahala rito. Babalitaan na lang kita kapag may findings ang doctor. Sige na Junior, sumunod na ka na lang." Pag alis ni Junior ay siya namang labas ng doctor. Lumapit ako sa kanya. "Doc ano po ang findings ninyo sa mama ko?" "I am sorry pero na Cardiac arrest ang mama mo at may possibility na ma stroke siya kaya kailangan natin siyang ma operahan sa lalong madaling panahon." Nang marinig ko ito, halos hindi ako makahinga. "Doc... magkano po ang kakailangan sa operasyon ni mama?" "The operation ranges from 80 thousand or up. As of now, ina assess pa namin ang lahat. But we cannot remove the possibility na kailangan niyang ma operahan. Pwede mo nang dalawin ang pasyente sa loob. Please excuse me," sambit ng doctor. Napapikit na lamang ako sa sunod sunod na problema. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng malaking halaga para sa operasyon ng mama ko. Muling sumagi sa isip ko si Hannah at ang alok niya sa akin na makapag abroad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD