NATHAN POV Nasa terminal na ako ng NAIA, at isang oras na lamang at tuluyan na akong aalis sa Pilipinas. Kasama kong aalis ngayon si Hannah. Masaya at malungkot, ito ang emosyon na umiiral sa akin ngayon. "Anak," sambit ni Papa, namumugtong na ang kanyang mga mata at bago pa man tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha, niyakap na niya ako ng mahigpit. "Pa, alagaan ninyong mabuti si Mama ha? Pangako ko naman sayo, pag iigihan ko ang trabaho ko para sa pamilya natin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag iyak. Ngayon pa lang ramdam na ramdam ko na ang pagiging homesick. "Magchachat ka palagi kay Junior ha? Mag u update din kami sayo." Kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa at napatingin ako kay Junior. "At ikaw naman, wag na wag kang magpapasaway kay Papa ha? Alam mo naman n