JOYCE POV 12 pm na ako ng umaga nagising dahil a attend ako ng opening ng restaurant ni Aldrin kasama si Kyla, na adjust kasi ang opening niya kaya 2 pm na ang usapan namin. Naghilamos muna ako ng aking mukha bago ako bumaba. Nagulat naman ako dahil naki kain naman si Tita Anabel sa amin. Parang noong nakaraang araw, halos madaling araw na ay nag chichismisan pa silang dalawa ni mama. Tapos ngayon, nagulat na lamang ako dahil bigla siyang lumitaw ulit. Hindi naman kami gaanong close dalawa pero ang importante naman ay maayos ang relasyon namin kahit papaano. "Good morning Joyce! Blooming na blooming ka ngayon ha? Kamusta ka?" bungad sa akin ni Tita Anabel. Umupo muna ako sa lamesa bago ko siya sagutin, "Okay naman po ako! Medyo stress man sa trabaho pero hindi ko pinababayaan ang sa