JOYCE POV Ang sakit sakit marinig ng mga salitang nanggagaling sa bibig ni Nathan. Dumating na ang mga guards at pinaalis na nila ako sa lugar. "Nathan please," nagsusumamong saad ko habang nilalayo ako ng mga guards sa kanya. Tumalikod na si Nathan sa akin at tsaka mayroong dumating na babae na hinawakan siya sa braso. Teka lang, ipinag palit na ba niya ako sa iba? Ganun lang kabilis sa kanyang mag move on? "Ma'am pasensya na po kayo, kailangan niyo na pong umalis rito at baka lalo lang po kayong manggulo," sambit ng security guard. Wala na akong pakialam sa sinasabi niya sa akin. Lutang na lutang ako at wala na akong ibang iniisip kung di ang biglaang paglisan ni Nathan. Habang palabas ako ng airport, tulalang tulala pa rin ako sa nangyari kanina. Parang naiwan ang puso ko sa l