3

1039 Words
NATHAN POV Bumalik ako sa dating gawi, ang lag iinom mag isa sa bar. Hirap na nga ako kung saan ko kukuhain ang pang tuition ni Junior dahil bayaran na naman nila next week, tapos ngayon pa nakipag break sa akin si Joyce. Sobrang nakaka badtrip talaga! Lumapit ako sa counter at umorder. "Isang tequill!" seryosong sabi ko sa kanya. Habang hinihintay ko ang tequilla, tinitingnan ko ang mga pictures naming dalawa ni Joyce sa cellphone ko. Halos mahigit 1000 na nga ang photos at videos naming dalawa sa selpon ko. Natagpuan ko ang sarili kong nakangiti habang tinitingnan ang mga larawan naming dalawa. Parang nitong nakaraang linggo lang, nag punta pa kaming dalawa sa luneta park dahil doon ko lang siya kayang dalhin. Pero ngayon, ang bilis lang mag laho ng lahat ng parang bula. Dumating na ang isang bote ng tequilla at tumungga ako habang nakatingin sa mga pictures naming dalawa ni Joyce. Wala nang mas sasakit pa sa pag hihiwalay naming dalawa. Sa gitna ng aking kalungkutan, mayroong biglang tumabi sa akin. Hindi ko ito pinansin hanggang sa magsalita siya. "Pogi mukhang ang lalim ng iniisip mo ha?" sambit ng isang babae na may malamig na boses. Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na maganda at may mapupukaw na nga mata. Pulang pula ang kanyang mga labi. Bagamat naaakit ako sa hitsura niya, wala talaga ako sa mood makipag usap ngayon. "Sino ka? Iba na lang ang kausapin mo!" pag susuplado ko sa kanya. Sa kabila ng pagtaas ng boses ko sa kanya, nanatili itong naka ngiti sa akin. "Well, siguro broken hearted ka kaya ka ganyan." "Ano bang pakialam mo ha? Umalis ka na at iwan mo akong mag isa. Mag hanap ka na lang ng iba mong pwedeng kausapin." "Don't worry, hindi lang naman ikaw ang may best friend na alak kapag problemado ka. Ako rin, may malaking problema sa restaurant ko sa ibang bansa kasi mag e expand kami pero walang location na mahanap." sambit niya habang iniikot niya ang baso niyang may alak. "Bahala ka, basta hindi kita papansinin." "Wala namang problema. By the way, for formality lamang, ako nga pala si Hannah and I am set to abroad for Next week. Sa New York to be exact." Nginitian ko siya ng tipid, "Sus, mabuti ka pa nga yan lang ang problema mo. Samantalang ako nga, pang tuition ng kapatid ko ang ini intindi ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ko kukuhain. Tapos nakipag break up pa sa akin ang syota ko. Itinapon lang niya ang 11 years naming relasyon." Pinigilan ko nang maiyak sa harapan ni Mary. Hindi ko naman siya kilala kaya alam ko na wala siyang pakialam sa mga luha ko. "Really? Bakit naman? Sayang, ang gwapo mo pa namang lalaki tapos iniwan ka lang niya ng ganun na lang?" "Sorry pero hindi ko na ishe share ang problema ko sayo. Ang awkward naman kung ngayon lang tayo nagkakilala tapos iku kwento ko sayo ang buhay ko." "Okay lang naman yan. Pero ako kasi bilang babae, kung 11 years na tayong magka relasyon, dapat may plano ka na sa akin. Dapat mag propose ka na." Nag taka ako sa sinabi niya. Para bang ang dami na rin niyang karanasan pag dating sa pag ibig. Pero hindi ako nagpatinag. "Sinasabi mo yan kasi mapera ka. Nag propose naman ako sa girlfriend ko pero ano bang magagawa ko kung bread winner ako ng pamilya ko? Alangan namang pabayaan ko sila." "Humahanga ako sayo pogi at naiintindihan ko naman na may obligasyon ka sa pamilya mo. Marahil ay tama ka, mahirap naman talaga ang buhay dito sa Pilipinas. Kalimitan, minimum rate lang naman ang pasahod pero siguro ay talagang itinadhana tayong dalawa na mag kita." Bigla niyang kinuha ang wallet niya at inalok ang calling card niya sa akin. "I really like your attitude. Take the risk at mag trabaho ka under me. Pinapangako ko sayo na matutustusan mo ang pangangailangan ng pamilya mo kapag nag trabaho ka sa restaurant ko sa New York. 40k ang sasahurin mo per month at meron ka pang allowance sa akin na 10k. Mabait ako sa mga staff ko na halos ang karamihan sa kanila ay pilipino kaya hindi ka ma a awkward." Napa ngisi ako sa sinabi niya pero tinanggap ko ang calling card niya. "Una sa lahat, wala akong planong mag abroad at pangalawa, hindi ako nag titiwala sa taong ngayon ko lang nakilala. Pero salamat sa alok mo, sa akin na itong calling card para kung sakaling may mawala sa akin, mahahabol kita." "Well, ikaw ang bahala, hindi naman kita pinipilit. Pero trust me, gusto ko lang din makatulong sayo kaya ginagawa ko ito." Nag ring bigla Ng cellphone niya at para bang may nag text sa kanya dahil seryoso niya itong tinitingnan. Maya maya pa ay lumingon siya sa akin. "I am so sorry, kailangan ko nang umuwi dahil may emergency. Pero before I leave, siguro naman ay pwede mong sabihin sa akin kahit ang pangalan mo lang." Napa buntong hininga ako ng malalim. "Nathan ang pangalan ko." "Ang ganda ng pangalan mo, anyway thank you for keeping my calling card. In as much as I would like to sit and have a nice talk with you, kailangan ko nang umalis. And anyway, ikaw ang lalaki sa relasyon ninyong dalawa kaya kung ako sayo, suyuin mo ang girlfriend mo sa paraan na alam mong magkakaayos kayong dalawa." Hindi ko na siya kinibo pero nahimasmasan ako sa sinabi niya. 9 pm ng gabi ng umuwi ako sa bahay namin. Lasing na lasing ako pero pinag buksan naman ako ni Junior ng pinto. Tumingin siya sa akin at parang nanlaki pa ang mga mata niya. "Ku-kuya? Bakit parang lasing na lasing ka? Kagabi ka pa ganyan. Nag away na naman ba kayo ni Ate Joyce?" "Nag away? Oo, wala na kaming dalawa ni Joyce. Nakipag break na siya sa akin." "Ha? Di ba engage na kayong dalawa?" "Oo pero binalik niya sa akin ang engagement ring naming dalawa," biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Hannah na suyuin ko si Joyce. "Di ba marunong kang mag gitara?" "Opo kuya," sagot niya. "May gagawin tayo bukas. 8 am kailangan mong gumising."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD