2

1019 Words
Ni lock ko ang kwarto ko at pinag tatanggal ko na ang mga pictures naming dalawa ni Nathan sa pader. At bukas na bukas din, ididispatcha ko na lahat ng mga gamit na binigay niya sa akin para talagang makapag move on ako. Nang mahiga ako sa kama, chineck ko ang cellphone ko at marami na palang missed calls si Nathan sa akin. Para hindi na rin ako makulitan sa kanya, binlock ko ang kanyang number. Kinabukasan, nakipag meet ako sa kaibigan kong si Kyla sa bar kung saan kami nagkakilala ni Nathan. Childhood friend ko si Kyla at ni minsan ay hindi ko nagawang mag lihim sa kanya lalo na sa relasyon naming dalawa ni Nathan. "Oh anong ganap mo teh? Bakit parang pinag sakluban ka ng langit at lupa jan?" tanong niya. Hindi na ako nagsalita pa, pinakitan ko kaliwang kamay ko. "Wow! Niyaya mo pa talaga ako rito para lang ipakita ang bago mong cutics. Ikaw na talaga!" "Ha?" napakunot ang noo ko, "anong cutics ang pinagsasabi mo jan? Wala ka bang ibang napapansin?" Napatingin siyang maigi sa kamay ko. "Hala! Bakit nawala ang engagement ring mo?" Maiiyak na sana ako pero pinigilan ko ang luha ko sa pagpatak. "Wala na kaming dalawa ni Nathan. Tinapos ko na ang 11 years relationship naming dalawa." Kaagad na tumabi sa akin si Kyla at niyakap niya aki ng mahigpit. "I am so sorry, hindi biro ang 11 years na relationship ninyong dalawa ni Nathan. Ano ba kasi ang dahilan bakit ka nakipag break sa kanya?" "Kasi nakakapagod nang mag hintay sa wala. Isang taon na kaming engage pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang plano na magpakasal sa akin." "Seryoso ka ba? Eh di ba nga bread winner ang boyfriend mo at pinag aaral niya ang kapatid niya? Sana inunawa mo ang boyfriend mo kesa sa itapon mo ang 11 years ng ganun ganun na lang. Mas tatanggapin ko pa sana kung nag loko siya." "27 na ako, gusto ko nang ikasal kasi sa ating lahat ng mag to tropa, ako na lang ang ang hindi kasal. Tumatanda tayo, hindi tayo bumabata." "Hay nako ang lalim naman ng hugot mo jan. At least nga may boyfriend ka eh." "Basta... hindi ko na binabawi ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko na gusto mapako sa ganitong klase ng relasyon. Gusto ko nang lumaya." "Ikaw... basta ako na ang nagsasabi sayo, matagal ang healing process niyan. 11 years is no joke. May times na ma mi miss mo mo siya at bigla bigla ka na lang iiyak. Danas na danas ko yan sa una kong naka relasyon. Yung three months rule, yun ang pinaka mahirap na stage sa pag mo move on. Lalo na kapag nakita mo ang mga binigay niyang mga regalo sayo-" "Wag kang mag alala, pinag tatanggal ko na lahat ng posters naming dalawa sa kwarto ko. At plano kong ipamigay lahat ng mga regalong natanggap ko sa kanya para maka move on ako," pag putol ko sa kanya. "Agad agad? Sobrang daming hello kitty ang natanggap mo sa kanya di ba?" "Oo, kahit gaano ko pa ka gusto ang mga regalo, kung magpapa alala yun sa aming dalawa ni Nathan, kailangan kong i let go." "Hays... buhay nga naman! Humahabol talaga kayo sa break up ngayong 2023 ano? Akala ko naman last na yung kay Kim Chiu at Xian Lim pero meron pa pala." "Alam mo napagtanto ko lang talaga na sa ganitong edad natin, kung 4 years na at wala talagang plano ang jowa natin na pakasalan tayo, siguro kailangan na natin makipag hiwalay. Tumanda lang tayo sa kanila pero wala rin naman palang forever. Hindi talaga nasusukat sa haba ng panahon ang tatag ng relasyon, pag tayong babae na ang bumigay, hindi na magwo work ang relationship." "Eh di ba nga nag propose na sayo yung tao? Tapos sasabihin mo na wala siyang plano? Sorry ha? Kaibigan kita pero ang sarap mo lang i real talk." "Basta... Hindi ko na talaga kaya eh. Feeling ko iba na talaga ang babaeng mag mamahal sa kanya." "Sige lang... dapat pangatawanan mo ang ginawa mong pagbe break up sa kanya ha! Kasi baka sa susunod na araw ikaw na ang mag hahabol sa kanya at iiyak ka na sising sisi ka sa ginawa mo." "Pramis, no turning back. Only moving forward. Isinara ko na ang love story naming dalawa ni Nathan. No more chapters." "Okay, sabi mo yan eh. So tawagin ko na ba ang mga barkada nating iba at mag punta tayo sa bar?" "Well... matagal na rin simula nang mag punta tayo sa bar. Ngayon na single na ako ulit, siguro naman ay wala nang mag cha chat sa akin para pagbawalan ako." Eksaktong 6 pm ng gabi, nagkita kita kaming apat na mag to tropa sa isang bar sa makati. At dahil sa ako ang single, ako na ang bumili ng dalawang cocktail tower para sa aming apat, samahan pa ng chips ibang pulutan. Katabi ko si Kyla at nasa harapan namin sila Kat at Cherry, sabay pa nga silang ikinasal last two years sa kanilang mga nobyo one month after nilang ma engage. At dahil sa may kakatihang taglay ang bunganga ni Kyla, ikinuwento na niya ang nangyari sa aming dalawa ni Nathan sa cellphone pa lang. "Hay nako," sambit ni Kat na isa ring saksi sa pag iibigan naming dalawa ni Nathan, "Nakakalungkot naman, wala na kayo ng gwapo mong boyfriend. Sayang si Nathan, akala ko kayong dalawa na ang isusunod na ikakasal." "Ano ka ba Chelsey, marami talagang namamatay sa maling akala," ani ni Cherry. "Gaga ka talaga Joyce, pinakawalan mo pa ang boyfriend mo eh kung tutuusin, ang swerte swerte mo nga sa kanya eh." "Ewan ko ba jan... ni real talk ko na nga kanina pero mukhang hindi na mag babago ang isipan niyan." Lumingon ako kay Kyla, "Tama ka... grateful naman ako kay Nathan at maayos ko siyang hiniwalayan and I assured you na magiging okay din ang lahat." Napalingon akong bigla sa pintuan ng bar at nakita ko ang lalaking kasing tangkad ni Nathan na pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD