NATHAN POV
Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Junior sa akin.
"Siya nga pala kuya, hinihika na naman si mama sa loob. Penge sana pambili ng gamot ni mama."
"Hays gastos na naman," hinaing ko. Wala naman akong ibang choice, nilabas ko ang wallet ko at nag bigay ako mng 500, ang huling pera na lamang wallet ko.
"Salamat kuya," nakangiting sabi ni Junior, "Siya nga pala, mayroon pa pala kaming project sa school na kailangan naming bayaran. 500 po kuya."
Napakamot ako sa ulo bigla, "Bayaran na naman? Hindi pa nga ako bayad sa 5000 tuition fee mo tapos may gastos na naman."
Dumeretso na ako sa loob at sinundan ako ni Junior.
"Kuya naman, parang hindi ka galing sa pagiging estudyante. Ganito talaga kapag graduating student, marami talagang gastusin. Konting tiis na lang, makaka graduat din naman ako eh."
"Di ba may part time work ka? Bakit hindi ka muna humugot sa sarili mong bulsa?"
"Mabuti pa nga yung syota mo binigyan mo ng bulaklak kagabi. Akala mo ba hindi ko alam? Mama ng tropa ko ang tindera ng bulaklak na pinag bilhan mo. Mahigit 1 thousand nga daw yun eh."
Napahinto ako at lumingon sa kanya.
"Oh bakit? Fiance ko naman siya ah? Alangan naman buong sweldo ko ay ibigay ko sa inyo? Hindi naman ako pumapalya kahit isang beses sa pag bibigay sa inyo ha?"
"Hindi naman yun ang pinu punto ko. Ang sa akin lang kuya, ga graduate na rin naman ako at makakapag hanap ng trabaho. Konting tiis na lang."
"Oh bakt ngayon ka lang?"
Lumingon ako at nakita ko ang mama ko. Sa mga mata pa lang niya, halatang mayroon itong sakig. Bigla siyang umubo ng malakas kaya nabahala ako at lumalit.
"Ma, diba dapat nag papahinga kayo sa kwarto ninyo?"
"Ano ka ba? Halos buong maghapon na nga akong nasa kwarto ko. Hinahantay kasi kitang umuwi. Mukhang nag lasing ka pa, alam mo na ngang wala na tayong pera tapos bumili ka pa ng alak. Si Junior, ngayong week na ang deadline ng tuition fee niya, tapos wala pa akong pambili ng gamot."
"Kaya nga ma. Nanghihingi nga rin ako ng 500 sa kanya para sa project niya pero sabi niya ako muna ang sumagot. Mabuti pa nga si Ate Joyce, nabilhan niya ng bulaklak kagabi."
Tiningnan ko ng masama si Junior, "Ano ka ba? Pati ba naman ang bagay na yan sasabihin mo pa kay mama?"
"Alam ko na ang tungkol sa bagay na yan Nathan. Ikinuwento na yan sa akin ng kapatid mo kanina. Okay lang naman sa akin na makipag date ka pero sana wag mong kakalimutan na mayroon kang pamilya na umaasa sayo. Eh kung yung ipinambili mo ng bulaklak ay inipon mo pandagdag sa tuition ni Junior."
"Kaya nga ma, ewan ko ba jan kay kuya. Sabi pa nga niya, binalik na raw ni Ate Joyce yung engagement ring niya at nakipag break pa raw."
Kalalaking tao nito ni Junior pero sobrang kati ng dila niya. Naiinis ako sa kanya sa pagiging madaldal niya. Gusto ko siyang sapakin pero nandito si mama.
"Ha? At bakit naman? 11 years na kayo no Joyce di ba? Bakit naman kung kailan kayo engage ni Joyce eh tsaka siya nakipag break sayo?"
"Ma, hindi pa po kami break ni Joyce. At bukas na bukas, makikipag balikan din po siya sa akin at pangako ko po 'yan," sambit ko sabay ngiti sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Pumasok bigla si Junior at napatingin ako sa kanya.
"Itimpla mo nga ako ng kape para may pakinabang ka naman sa akin," pag uutos ko.
"Kuya wala po tayong coffee mate, naubos na kanina," sagot niya.
"Kahit kape na lang, wala nang coffee mate."
"Kuya wala na rin tayong asukal. Naubos na rin kanina."
"Hay nako!" napakamot na lamang ako sa ulo dahil sa stress. "Sige na, kahit kape na lang na walang asukal para matanggal ang amats ko."
Umalis siya ng padabog, matigas talaga ang ulo ng lalaking yun. Sumbungero pa kay mama kaya mas lalo akong nanggigigil sa kanya. Napa upo ako sa kama ko at kukuhain ko na sana ang cellphone ng biglang may mahulog sa sahig pagkakuha ko rito. Dinampot ko ito, calling card lang pala noong babaeng may gusto sa akin kanina sa bar.
Naalala ko tuloy ang 50k na alok niya sa akin para lang makapag trabaho ako sa New York. Pero kahit gaano pa kaganda ang offer sa ibang bansa, hindi ko pa rin gustong iwan ang pamilya ko rito sa Pilipinas. Masyado akong family oriented at mahirap ding ma homesick. Kaya kahit na kulang ang kinikita ko, nagtatyaga na lamang ako.
Nilapag ko ang calling card sa table at nahiga ako sa kama. Sinubukan kong makipag video call ulit kay Joyce pero pinatayan niya ako kaagad. Parang buo na talaga ang desisyon na itapon ang 11 years naming dalawa pero bilang ako ang lalaki, kailangan na ako ang sumuyo sa kanya ulit.
Mahal na mahal ko si Joyce at hindi ko kaya na mag break up kaming dalawa. Kung kinakailangan na mag propose ako sa harapan niya ulit at haranahin ko siya, gagawin ko ito bigyan niya lang ako ng second chance.
Ilang minuto ang nakalipas, nag bukas ang pinto at pumasok si Junior sa loob. Dala niya ang isang tasa ng kape sa akin. Tumayo ako at kinuha ko ang kape. Ang pait pala kapag walang asukal.
Tumingin siyang bigla sa table at kinuha ang calling card.
"Ano 'to kuya?" tanong niya.
Napangisi ako, "Bobo ka ba? College ka tapos hindi mo alam na calling card 'yan?"
"Alam kong calling card ito pero bakit may ganto ka? Saan ka ba nag inom?"
"At bakit ko pa sasabihin sayo kung isusumbong mo rin naman ako kay Mama? Nilaglag mo na nga ako kanina dahil jan sa kadaldalan mo eh."
Tumabi sa akin si Junior, "Kuya naman, alam mo naman si Mama di ba? Ayaw niya akong nag tatago sa kanya kasi ako naman ang babalikan niya. Saan ka nga nag inom at sino itong Hannah? Bagong chicks mo 'to no?"