1

1010 Words
JOY POV Lumalalim na ang gabi, napatingin ako sa orasang dala ko. 7 pm na pero wala pa rin ang fiance kong si Nathan. 11 years na kaming dalawa at mahigit isang taon na rin noong nag propose siya sa akin at sa harapan ng mga magulang ko. Hinigop ko yung kape ko at malamig na ito, kasing lamig ng relasyon naming dalawa. At ngayong gabi, haharap sa kanya ang pagod na Joyce. Halos 30 minutes na akong nag hihintay kay Nathan subalit kahit anino niya ay hindi dumating. Tatayo na sana ako pero sa wakas, dumating na rin si Nathan. Basa ang kanyang polo shirt. Mayroon siyang dalang bulaklak sa kamay niya at nakangiti siyang lumapit sa akin. "Sorry Joyce, na late ako kasi traffic. Alam mo naman, holiday ngayon at maraming tao ang nasa galaan." Hinalikan niya ako sa noo at binigay niya sa akin ang red roses. Tinanggap ko ito at naupo ulit kaming dalawa. Nilagay ko sa gilid ang roses para walang sumagabal sa aming dalawa dahil gusto kong makita ang reaksyon ng mukha niya habang sinasabi ko ang masamang balita ko. "Siya nga pala Joyce, oorder muna ako ng pagkain natin." Tatayo na sana si Nathan pero muli akong nagsalita. "Wag na Nathan," seryosong sabi ko. "Hindi na rin naman tayo magtatagal dito kasi hindi ito isang date." Nawala ang ngiti sa mukha ng fiance ko at gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. "Teka... anong ibig mong sabihin Joyce?" Tinanggal ko ang engagement ring na binigay niya sa akin at ibinalik ko ito sa kanya. "Sorry Nathan... pagod na akong mag hintay. Pagod na akong umintindi at pagod na ako sa relasyon natin na walang kasiguraduhan." Tumulo kaagad ang luha sa pisngi ko pero kailangan kong lakasan ang loob ko. "Break na tayong dalawa Nathan, kung hindi mo na ako balak pakasalan dahil sa pamilya mo, mas maigi pa na mag hiwalay na lang tayong dalawa." Umiyak na rin si Nathan at isinauli niya sa akin ang engagement ring. "Please naman Joyce. Di ba sinabi ko na naman sayo na kailangan ko lang mapag tapos ang kapatid kong isa sa college tapos pwede na tayong magpakasal. Kaunting unawa lang at panahon ang hinihingi ko..." Kitang kita ko na nasasaktan si Nathan pero buo na ang desisyon ko. "Sorry Nathan pero kahit ano pa ang sabihin mo, ayaw ko na talaga. Trust me, hindi lang ikaw ang nasasaktan sa sitwasyon nating dalawa. Pero ilang linggo ko itong pinag isipan. Pinilit kong unawain ang sitwasyon mo pero hanggang dito na lang ang kaya ko." "Ganoon na lang ba kadali sayo na itapon ang 11 years? Sa dami nang pag subok na pinag daanan nating dalawa, ngayon ka pa talaga bibitaw? Akala ko ba strong tayo?" "Tao lang din ako Nathan. Napapagod sa mga nangyayari. Minahal naman kita sa loob ng 11 years, marami tayong mga trials na nalagpasan at marami din tayong mga masasayang alaala, hindi ko naman yun tinatapon pero hanggang doon na lang ang kwento ng love story natin. Sa umpisa, mahihirapan talaga tayong mag move on pero time heals broken hearts. Baka talagang hindi tayo ang itinadhana para sa isa't isa." Tumayo ako at kinuha ang bulaklak na binigay niya sa akin. "Salamat sa flowers, pramis hindi ko ito itatapon." Lumabas ako at naglakad papunta sa terminal habang lumuluha. Hindi ko na iniinda kung mababasa pa ako ng ulan. "Joyce sandali lang... mag usap tayong dalawa please... ayusin natin ito..." Hindi ko na nilingon pa si Nathan. Tiniis ko na siya at nag lakad lang ako na bingi sa mga sinasabi niya. Isang mahigpit na yakap sa likod ang naramdaman ko, dahilan upang mapahinto ako. "Nakikiusap ako sayo Joyce. Wag mo naman gawin to sa akin. Mahal na mahal kita." May ilang mga tao na ang nag tinginan sa aming dalawa kaya nahihiya ako sa pag gawa ni Nathan ng eksena. "Ano ka ba naman? Nakakahiya, maraming tao rito Nathan. Please naman, wag mo na akong yakapin ng ganyan." Imbis na kumalas, lalo lang hinigpitan ni Nathan ang pagkakayakap niya sa akin. Mabilis akong na badtrip kaya naman binitawan ko ang bulaklak na binigay niya sa akin at kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Lumingon ako at nagsimulang lumuhod sa harapan ko si Nathan. Pero imbis na kaawan ko siya, mas lalo pa akong nayamot. "Ayaw ko na Nathan. Pagod na pagod na ako, kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko ng ilang beses, hindi mo na mababago ang isipan ko. Matatanggap mo rin ang nangyari sa ating dalawa." Umalis na ako at sumakay ng taxi. Hinabol niya ako at pilit nagmakaawa pero tiniis ko na talaga siya. 9 pm ng gabi ng makauwi ako sa bahay, bukas pa naman ang gate namin. Pag dating ko sa loob, nakita ko ang mama Flora ko. Gusto ko sanang suklian ang ngiti niya sa akin pero wala talaga ako sa mood. "Anak kumain ka na, kanina ka la namin hinihintay ng papa mo. Sabay sabay na tayong kumain." "Wala po akong ganang kumain. Sorry po," sambit ko sabay akyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Isasara ko na sana ang pinto pero narinig ko na mayroong paakyat sa hagdan. Kaagad kong pinunasan ang mukha ko upang hindi mahalata ng mama ko na umiiyak ako. Nang maka akyat siya, seryoso niya akong tiningnan. Pinilit ko siyang ngitian, "Ma? Sorry, busog pa po ako kaya wala pa akong ganang kumain." Lumapit siya sa akin. "Anak, may problema ba?" "Ma, pagod lang po ako galing sa trabaho." "Basang basa ka, naabutan ka ba ng ulan?" "Opo, pero magpapalit kaagad ako ng damit para hindi ako magkasakit." "Teka lang anak... bakit para pa lang isang linggo ko nang hindi nakikita rito si Nathan. Hindi ba't engage na kayong dalawa? Bakit ang tagal naman yata ng kasal ninyo? Ano ba ang plano niya?" sunod sunod na tanong niya sa akin. Pero pino proseso ko pa ang lahat kaya hindi ko pa kayang sagutin ang mga tanong niya. "Ma, sorry pagod talaga ako ngayon kaya bukas na lang tayo mag usap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD