JOYCE POV
"Kahit ilang beses mo pang sabihin sa akin yan, iisa pa rin ang isasagot ko."
"Okay Joyce, ikaw ang bahala," sambit pa niya.
Pumunta na kaming lahat sa loob ng restaurant sa loob ng mall. Nag tabi tabi na naman silang tatlo samantalang magkatabi kaming dalawa ni Aldrin. Naiilang man ako sa kanya pero wala naman kaming parehas na choice dahil mas awkward kung tatahimik lang kami.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kami sa menu sa lamesa.
"Pwede na sa akin ang menudo at brown rice," sagot niya. "Favorite ko kasi yan," dagdag niya pa.
"Really? Gusto ko rin ng menudo kasi favorite ko."
"Eh anong drinks ang gusto mo?" tanong niya.
"Okay na sa akin ang buko juice," sagot ko naman.
Muli kaming nag tinginang dalawa. Muli na naman kaming nagkaroon ng parehas na favorite. Sasabihin ko sana ito sa kanya pero baka bigyan na ng ibang kahulugan ng mga kaibigan ko.
Nag order na kaming lahat ng pagkain, nagkaroon ng kasayahan hanggang sa 6 pm, nagka ayaan kaming mag punta sa bar.
At again, usapang buhay asawa pa rin ang chikahan ng tatlo kong mga kaibigan kaya nanatili kaming magkausap ni Aldrin.
"Madalas ka bang uminom?" tanong niya habang papunta kami sa bar.
"Actually umiinom lang ako ako kapag broken hearted ako," sagot ko sa kanya.
"Ako naman, kahit gustuhin ko noon, mahigpit talaga ang girlfriend ko kaya madalas hindi napapasama sa mga hang out ng barkada. Pero kapag hindi talaga mapigilan, sumisibat ako lalo na kapag kaarawan ng tropa ko."
Dahil sa sinabi niya, hindi ko siya mapigilang ikumpara sa ex boyfriend ko na sobrang good boy simula nang maging kami.
Major turn off sa akin ang lalaking mabarkada at matigas ang ulo kaya kahit physically attracted ako sa kanya, sobra naman akong natu turned off dahil sa sinabi niya sa akin.
"Ganun? Kawawa naman ang girlfriend mo kung nagpapalusot ka sa kanya palagi."
"Hindi naman... never niya akong nahuli kahit isang beses. Magaling kasi mag tago ng sikreto ang mga tropa ko at gumawa ng alibi. Pero hindi naman ako nag mamalaki sayo kasi alam kong mali, napagod na rin kasi ako sa pagiging possessive niya."
"Pero kung sakali lang na balikan ka ng ex mo, papayag ka ba?" lakas loob kong tanong sa kanya.
"Pwede naman... kung manghihingk siya ng sorry sa akin at nangako siya na magbabago siya, sino ba ako para tumanggi? Worth it naman na bigyan siya ng chance at hanngang ngayon ay gusto ko pa rin siya bigyan ng second chance. Pero in reality kasi, mukhang napamahal na siya sa boyfriend niyang bago."
Damang dama ko ang sakit ng sabihin niya ang huling talata ng kanyang pahayag. May mga tao siguro talagang kagaya niya na willing mag patawad kahit na mabigat na kasalanan ang nagawa ng partner niya. Kung siguro kay Nathan yun nangyari, bubugbugin ko muna siya bago ko siya hiwalayan.
Nang makarating kami sa bar, muli akong kinausap ni Cherry nang mag cr si Aldrin.
"Huy... mukhang close na kayo ni Aldrin ha? Naks naman!"
"Oo nga," dugtong ni Kat.
"Nako! Sinasadya niyo siguro mag usap usap kayong tatlo at hayaan kaming dalawa ni Aldrin na mag usap para itulak kami sa isa't isa."
"Ano ka ba? Nagkataon lang talaga na madalang na kami mag kausap sa personal tatlo hindi gaya nating dalawa. Pramis, walang set up na naganap rito kaso coincidence lang ang biglaang pag sama ni Aldrin. And I am sorry, alam ko na nasa kanya na lahat ng weaknesses mo sa isang lalaki at nagkataon lang din na parehas pa kayo ng paboritong kainin."
"Oo nga Kyla! Napansin ko rin na pag magkatabi itong si Joyce at Aldrin, parang bagay na bagay silang dalawa. Mayroon silang chemistry."
"Chemistry ka jan Kat! Ano ito science? Oo gwapo si Aldrin at tsaka nasa kanya na lahat ng weaknesses ko sa isang lalaki pero hindi ko siya type."
"Nako! Sa umpisa lang yang sinasabi mong hindi mo siya type. Darating din yung time na baka bumigay ka."
"Ayan ka na naman Kat, puro ka naman tukso jan. Mahal ko pa rin si Nathan at mahal pa rin ni Aldrin sng girlfriend niya kaya hayaan niyo muna kaming dalawa na maglabas ng hinanakit namin."
Bigla namang nag ring ang cellphone ni Kat.
"Oh sini yang nag text sayo?" tanong ni Kyla sa kanya.
Napatingin sa akin si Kat ng seryoso.
"Sorry ha? Kailangan ko na pa lang umalis kasi hinahanap na ako ng hobby ko. May emergency lang daw."
"Ganun?" malungkot na sabi ko, "sige ingat ka na lang ha?"
"Pramis be, babawi talaga ako next time. Kaya mo yan ha? Makakakilala ka rin ng lalaking papalit kay Nathan at naniniwala ako na magiging siya na ang lalaking pakakasalan mo."
"Thank you Kat! Next year, sana year ko na talaga para ikasal."
Pag alis ni Kat ay siya namang dating ni Aldrin.
"Oh nasaan yung si ano..."
"Umalis na si Kat, Aldrin," sagot ko. "May emergency lang daw kaya nauna na siyang umuwi."
"Sayang naman. Sorry nga pala, napatagal lang ako sa cr, bigla lang kasing tumawag yung mama ko."
"Okay lang, wala namang problema," nakangiting sabi ko sa kanya.
Muli na namang may nag ring na cellphone sa lamesa. Kinuha ito ni Cherry. Pagkatapos niyang sagutin ang tawag, sinimangutan niya ako.
"Sorry na rin! Kailangan ko na pa lang umalis ngayon. Maaga raw nag out ang asawa ko sa office kaya kailangan makaluto ako bago siya umuwi. Masama raw ang pakiramdam niya sabi ng ka trabaho niyang kaibigan ko."
Napakamot na lang ako sa ulo at wala na akong nagaw pa kung hindi palayain ang barkada ko.
Sayang tatlo na lang kaming natira nila Cherry at Aldrin.
"Siguro naman ay hindi ka aalis?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Pramis, maayos naman akong nagpaalam sa mister ko kaya hanggang sa gumalang tayo sa kalasingan, sasamahan ko kayong dalawa."
Mabuti naman at ganun. At least panatag na ako na hindi kami maiiwang dalawa ni Aldrin kask maa awkward talaga ako.
"Teka lang... Di ba ipinamimigay mo na ang mga stuffed toys na binigay sayo ni Nathan?"
"Oo Kyla. Bakit mo naitanong?"