First Contract

1000 Words
"Oo, ibigay mo na sa akin iyong listahan!" buong tapang na sagot ni James. Wala na siyang paki-alam ng alam ng mga oras na iyon dahil sa pagnanais na maiganti si Trish. "Sige, pero gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi na ito wish, isa na itong request," ngising babala ni Rem. "Huh, ano iyon?" muling napakunot si James ng noo dahil sa katanungan sa kanyang isipan. Naroon ang lito at muling kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya mahita kung ano ang umaandar sa isip ng naturang mala-malignong nilalang ngayon. "Ipapaliwanag ko sa iyo ng mas mabuti, kapag sinabi kasi na wish, kailangan ibinibigay ng isang katulad ko, at kadalasan, kusa itong nanggagaling sa amin kaya madali lang ang mga kailangan gawin para matupad ito." turan ni Rem. Napatango na lang si James. "Sa kabilang dako, ang request naman ay isang bagay na hinihingi mula sa mga katulad ko, at dahil sa ikaw ang humihingi nito, kadalasan mas mahirap ang pinapagawa dito para matupad. At siyempre, may kaakibat itong kapalit o danyos kapag hindi mo nasunod." Iniangat ni Rem ang daliri upang ipunto ang nais sabihin. "Gaano naman kahirap ang kailangan gawin?" usisa ni James nang medyo maintindihan na iyon. "Depende iyon sa kung anong request mo. Madalas katumbas nang hirap na pagdadaanan mo ang gusto mo mangyari, at for sure naman na matutupad ang iyong nais sa oras na masunod mo lahat ng nakasulat sa papel o tawagin na natin itong, contrata!" pagdidiin ni Rem sa mga huling salita. "Parang sinasabi mo na kung ano ang gusto ko hilingin ay may kaparehas na katumbas na ipapagawa sa akin. At kailangan ko masunod ang katumbas iyon na nasa contrata bago masunod ang wish ko?" paniniguro ni James dahil medyo nalito na siya. "Yup!"ngiting-ngiting tango ni Rem. "Anong klaseng kapalit o danyos naman ang kukunin sa akin kapag hindi ko nasunod iyong contrata?" pagkukumpirma muli ni James dahil iyon ang isang bagay na wala sa dati nilang ginawa. "Dedepende din iyon sa kung anong hiniling mo. Mas malaki at imposibleng kahilingan, mas mabigat at mahalagang kapalit." Doon lumitaw muli ang kakatwang ngisi sa bibig ni Rem. Napalunok na lang si James pero hindi siya nagpatinag dito. "So, sa madaling salita may parang termination fee," seryos niyang tingin dito. Iyon na kasi ang pinakasimpleng paliwanag na nahihita niya sa mga sinasabi nito. Base sa pagkakaintindi niya, kapag mas madali ang wish, mas madali ang ipagagawa at kapag mahirap naman ay mas mahirap rin ang ipagagawa. Ganoon rin sa parusa nito kaya naihahalintulad niya roon. "Kuha mo!"tuwang-tuwang napapalakpak si Rem sa sagot niya. Nang mga oras na iyon ay hindi matigil ang malakas na pagtatambol sa dibdib ni James dahil sa kaba, dahil na rin sa parte ukol sa kapalit na hindi niya alam kung ano. Nakadagdag pa sa kanyang takot ang hindi niya mawaring bagay sa likod ng ngising aso ni Rem, kaya naman naroon ang pagdadalawang isip niya lalo pa at tila may kaakibat itong kung anong panganib na hindi niya alam. "Si Trish iyon di ba?" Biglang turo ni Rem sa likod ni James. Napatingin siya kaagad sa direksyon na tinitingnan ni Rem, agad niyang nakita si Trish na kasama si Brent. Kahit nasa malayo ang mga ito ay kitang-kita niya kung paano umiiyak si dalaga sa harapan ng binata, halatang nilalabas nito ang lahat ng sama ng loob dito, habang ang lalake naman ay parang wala lang na natatawa sa pag-iyak ni Trish. Dahil sa nasaksihan ay nagising nanaman ang matindi niyang inis at galit, lalo pa at parang binabalewala lang ni Brent ang babaeng buong buhay niya yatang ninais. Halos lumupaypay na si Trish sa harap nito pero nanatili pa rin na walang kaamow-amor si Brent. Kaya naman hindi niya na napigilan ang sarili, agad na siyang tumayo sa kinauupuan at dali-daling naglakad papunta sa dalawa. "Hoy! Saan ka naman pupunta?" biglang saway ni Rem. "Pupuntahan ko si Trish!" gigil na sambit ni James pakalingon dito. Iniangat na lang ni Rem ang kamay nito bago pumitik, maya-maya lang ay sa di malamang dahilan ay naapakan ni James ang sintas ng kanyang kabilang sapatos, kaya naman hindi niya naiangat ang isang paa, na siyang naging dahilan para tumama ang kanyang tuhod sa upuan at masubsob siya sa lupa. "s**t!"angil ni James na napahawak sa tuhod habang pilit na tumatayo dahil sa sakit at tindi ng kirot dulot ng pagkakabagsak. "Sa tingin mo may magagawa ka roon? Gusto mo nanaman bang maging punching bag?"suway ni Rem na napapataas na lang ng kilay. Napabalik naman kaagad sa upuan si James, pero naroon pa rin ang matinding galit niya kaya buong tapang niya ng hinarap si Rem. Alam niya naman din na siguradong bugbog sarado nanaman siya kay Brent kung susugudin niya ito, kaya wala na siyang ibang maisip na gawin ng mga oras na iyon. "Sige, patingin ako sa kontratang sinasabi mo," buong seryoso niyang sambit. Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Rem, halatang masaya sa naging desisyon ni James. Hindi na niya alintana kung ano man iyong hihinging kapalit sa kanya basta ang gusto niya lang ngayon ay ang makaganti kay Brent at mapasaya si Trish sa kahit anong pamamaraan. Biglang may inilabas si Rem na isang piraso ng papel na kasing laki ng short bond paper na kulay gray at mukhang kinaligraphy pa ang mga nakasulat doon. Iniabot nito iyon kay James kaya naman dali-dali niyang binasa ang mga nakasulat rito, nang mapansin ni Rem na natapos niya na ito ay tsaka ito nagsalita. "So, payag ka na ba? Sa tingin mo ba kaya mo sundin ang mga nakasulat sa kontrata?" mapaglaro nitong sambit. "Oo," matipid na sagot ni James. Para sa kanya ay hindi naman kasi ganoon kahirap ang mga nakasulat sa nasabing kontrata. Iniabot ni Rem ang kamay sa kanya para makipag kamay, dahan-dahan naman itong inabot ni James upang tanggapin ito. Kung tutuusin ay hindi naman siya kakabahan ng ganoon kung hindi lang sana niya napapansin ang kakatwang itsura ng ngisi nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD