Gossip

1509 Words
Walang oras na hindi niya inaalala ang lahat ng nangyari at sinabi ni Rem, kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan dahil dito. Hindi niya nga na-enjoy ang isang linggong suspension dahil sa pagkatuliro. Sinubukan niyang itext at tawagan ang number ni Rem, pero walang reply at voicemail lang ang sumasagot. Napilitan tuloy siyang pumasok ng maaga sa school matapos ng kanyang suspension para hanapin ito. Ngunit tulad ng inaasahan, hindi niya ito matagpuan sa kahit saan parten ng eskwelahan. Paano nga naman niya hahanapin ang isang may sa malignong nilalang. Kaya naman tumambay na muna siya sa canteen dahil medyo gutom na rin siya. Bumili si James ng fries at palamig, naisip niya din i-text sina Faye at Joey sa pagbabakasakaling nandoon na rin ang mga ito, pero nagbago ang kanyang isipan nang mahagip ng kanyang paningin ang taong bigla na lang lumitaw sa kanyang harapan. Katulad ng dati ay walang paalam na nitong nilalantakan ang kanyang french fries. "Heeellow, long time no see," makulit na bati ni Rem habang ngumunguya. Bilog na bilog pa ang pisngi nito dahil sa pagkakapuno ng french fries. Agad pinigilan ni James ang paglulukot ng kanyang mukha dahil sa pagka-asar. "Oy tol! Andyan ka na pala," pilit ngiting bati na lang niya. Wala pang ilang segundo ay naramdaman na lang niya ang pagtapik sa kanyang likod. Si Faye pala iyon kasama si Joey. "Friend, we miss you sooo much!" saad ni Joey na dahan-dahan na yumakap sa kanya mula sa likod. Naupo naman si Faye sa kanyang tabi habang si Joey naman ay umikot pa sa kabila upang tabihan si Rem na halos maubos na iyong pagkain. "Sa susunod kasi wag ka magpapaka-bayani ng walang resbak," sermon ni Faye sabay batok ng mahina sa kanya. Natawa na lang bigla si James dahil sa sinabi at ginagawa ng mga kaibigan. "So, gusto mo malaman kung ano talaga nangyari kay Trish?" singit na ni Rem na nagpupunas na ng mukha dahil naubos na nito ang kinakain. Sabay-sabay nabaling ang atensyon nilang tatlo rito. "Ay! chismis itech, simulan na iyan,"saad ni Joey na halatang na-excite bigla dahil sa pagpapaalog ng balikat. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tinopak si Rem na gayahin ang gay accent ni Joey, kaya di napigilan ni James ang mapa-facepalm habang si Faye ay natatawa naman sa pagka-aliw. "So, here is the latest chismax!" panimula ni Rem habang ginagaya ang galaw ni Joey na pumipilantik ang mga kamay. Parehas napatuwid ng mukha si Faye at James habang itinututok ang buong atensyon dito, habang si Joey naman ay malanding tumalumbaba sa may mesa. "You know the jowa of the girl right?" sabi na ni Rem na nakaharap na kay Joey. "Aha!" ngiting sagot nito. "Well monthsary nila last week and of course si girlalo gusto isurprise si jowaers. So, she made pasok very early and made abang-abang sa secluded parking lot ni jowaers. So, since alam ni girlalo ang lugar kung saan nagpapark si jowaers pinuntahan niya, pero siya ang nasurprise! Because pagdating niya sa may parking lot she saw the broom-broom ni jowaers and guess what!" pabitin ni Rem sabay paikot ng tingin sa kanilang lahat. Sabay-sabay ang panlalaki nila ng mga mata, naroon ang pagtitiim bagang ni James dulot ng kung anong galit na namumuo na sa kanya. Si Faye naman ay mas napalapit dahil sa biglaan pagkabitin at antisipasyon, habang si Joey ay napatuwid na ng upo sa nang mabatid na kapanapanabik ang naturang sasabihin. "What?" bulalas ni Faye dahil sa pagkainip nang ngisian lang sila nito. "The kotse is doing gimme-gimme!"sagot ni Rem na tila inakto pa ang naturang sayaw kahit nakaupo. "Ay!" biglang kinikilig na napatili tuloy si Joey na sinundan naman ni Rem. Sabay pang nag-hawak ng kamay ang dalawa na halatang nagkakaintindihan. "Oh my god," iyon lang ang reaksyon ni Faye na napatulala nang maisip ang mga narinig. "And guess what girlalo saw inside the car?" patanong nanaman ni Rem na muling inikot ang tingin sa kanila. "Ay, alam na!" buong lakas na tili ni Joey na hindi na mapakali sa kinauupuan. "Tama,” inapiran naman ito ni Rem bago magpatuloy. “She saw jowaers making barurot someone inside the car and eto pa! All out sila!" nanginginig sa sambit nito. "Paanong all out?" biglang pagkukunot ng noo ni Faye. "As in butt-naked si jowaers sa loob ng kotse,” ngiting-ngiting saad ni Rem na namimilog pa ang mga mata nang humarap sa kanila. “Halatang di niya napansin si girlalo kasi sobrang focus niya sa pagiling-giling sa loob ng car, kaya ayon, todo crayola si girlaloo habang tumatakbo paalis ng parking lot,” ngusong simangot na ni Rem na kuno ay nalungkot. Halos hindi magkanda ugaga si Rem at Joey sa pagpapalitan ng haka-haka sa kung ano iyong mga nagaganap habang si James naman ay nagpipigil na sa inis at galit. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nadarama ni Trish, sa hindi niya malaman na dahilan sobrang nasasaktan siya ngayon para rito. Iniisip niya pa lang iyong pangyayari parang gusto niya na magwala. Naroon man ang kirot sa kanyang kamay at katawan, mga pasa at sugat ay nang-gigigil na napakuyom pa rin siya ng palad, handang manakit ulit. Kahit na alam niya sa sarili na wala siyang laban ay hindi niya maisantabi ang nagbabagang pakiramdam, dali-dali siyang tumayo pero bago pa man siya maka-isang hakbang ay isang malakas na kamay ang humatak sa kanya pabalik sa pagkaka-upo. "Hoy, saan ka pupunta at nanlilisik pa yang mga mata mo!"sermon ni Faye na pinapanatili pa rin ang pagkakahawak sa kanya. "My gosh, heto nanaman ang paghihiganti!" pagrorolyo ng matang saad ni Joey. "Ay teh, babangon ako at dudurugin kita part two!" pabirong palo naman ni Rem sa braso nito. Kaya naman sabay na napatawa ang dalawa at napa-apir pa. Tiim bagang naman na napabusangot si James habang yumuyuko. "Umayos nga kayong dalawa!" sita ni Faye sa mga ito. Natahimik naman si Joey at Rem at napatuwid ng upo kahit pa nagpipigil pa rin ng tawa. “At Ikaw naman James Trias!” naniningkit matang baling ni Faye sa kanya na nakataas pa ang isang kilay. “Ano nanaman ang nasa isip mo? Susugod ka nanaman doon tapos magpapaka punching bag! Jusko, hayaan mo na sila sa problema nila." Wagayway nito ng kamay. "Kung talagang matalino si Trish, hihiwalayan niya na kaagad iyon, it’s her choice,"dagdag ng kaibigan. Nanliit nanaman si James sa kanyang pagiging mahina dahil wala siyang magawa ng mga sandaling iyon. Halos itodo niya na ang pagtikom sa mga kamay dahil sa pagpipigil. Gusto niyang manakit pero iisang tao lang ang nasa isip niyang pagbuhusan ng lahat ng galit. Hindi niya mapigilan ang lumuha dahil sa nararamdamang inis, kaya kaagad na lang na hinagod ni Faye ang likod niya, tumabi na din sa kanya si Joey upang tapikin ang kanyang balikat. Ilang saglit lang ay biglang sumagi sa kanyang alaala si Rem, nabuhayan siya ng loob dahil sa kaalaman na may magagawa siya at kaya niyang gumanti. “Oo, tama! May alas ako at iyon ay ang malignong nakaupo sa harapan ko,” saad ni James sa kanyang isipa habang dahan-dahan na iniaangat ang tingin. Matalim ang kanyang titig kay Rem, pero kahit na ganon ay di man lang ito natinag. Ganoon pa rin ang hitsura nito, kalmado at masaya, iyon nga lang ay batid ni James ang kung anong nakatago sa likod ng mapanlinlang nitong ngisi. Iyon ang naging dahila upang pilitin ni James ang maging mahinahon. Alam niyang hindi niya pwedeng sabihin ang kanyang gusto habang kasama ang dalawang kaibigan. Ayaw niyang ipaalam sa dalawa ang tungkol kay Rem dahil alam niyang hindi rin naman sila maniniwala, kaya napagdesisyunan niyang hintayin na muna makaalis ang mga ito bago kausapin ng seryosohan si Rem. Nang magpaalam na sina Joey at Faye para pumunta sa klase nila ay tumabi na kaagad si James kay Rem. Ngiting-ngiti pa rin siya nang pakabalingan ng dalawang kaibigan habang papaalis. "Hoy Rem, bantayan mo yan ah! Mamaya kung ano nanaman gawin niyan," bantang paalala ni Faye. "Oki Doki," pag sang ayon naman ni Rem na nagsenyas pa ng aprub. Nang makalayo na ang dalawa ay doon na nagseryoso ng mukha si James. "Rem, gusto ko mag wish!" "Wow! At ano naman ang wish mo?" ngiting baling nito sa kanya, Napakusot tuloy ng mukha si James sa pagkairita. "Alam mo na iyon," maktol pa siyang napakamot sa ulo. Napatuwid si Rem ng mukha. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita. "Alam mo hindi maganda iyan wish mo," pagsesermon nito. "Kaya mo ba o hindi," taas noong paghahamon ni James. Tumaas tuloy ang isang kilay ni Rem. "Syempre kaya, pero alam mo naman siguro na may kapalit iyon diba," naroon ang kung anong lalim na sa tono nito. Medyo kinabahan nanaman si James nang lumitaw ang mala malignong ngisi nito na parang may pagka ‘the exorcist,’ pero dahil sa galit na namumuo sa puso niya ng mga sandaling iyon ay isinawalang bahala niya ang takot na nadarama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD