NAGISING ako sa ingay na naririnig ko mula sa cellphone ko na, kanina pa tunog nang tunog. Nang aking tignan ay may 75 misscalls from Calvin at 20 misscalls from Rei.
Mayamaya pa ay nakita kong tumatawag ulit si Rei. Napag desisyunan kong sagutin na lang ito.
“Thanks God, Yucy! Sa wakas at sinagot mo rin ang tawag ko! Ano bang nangyari? Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko kahapon? Alam mo na ba? Si kuyang may mask pala ay si Calvin Li! Oh my gosh, Yucy!” dire-diretsong sabi ni Rei nang sagutin ko ang tawag niya.
“Rei, uso ang kumalma ok? Kalma ka lang! Magpapaliwanag naman ako e,” kalmado kong sagot.
“Talagang kailangan mo sa ‘king magpaliwanag!” Huminga ako nang malalim at saka ako nagsimulang magpaliwanag sa kanya.
“Omg, Yucy! Kayo na ni Calvin? Kailan? Paano? Bakit?!” Halos hindi makapaniwala si Rei sa mga isiniwalat ko. Naisip kong sabihin na rin sa kanya ang tungkol sa amin ni Calvin. Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Rei. Halos hindi kasi siya makapaniwala sa amin. Matapos ang pag-uusap namin sa cellphone ay bumangon na rin ako at bumababa na.
Habang kumakain kami nang tanghalian. Tahimik lang kaming kumakain at tanging tv lang ang maingay.
“Ok na ba pakiramdam mo, Yucy?" tanong naman ni mama. Habang ngumunguya.
“Opo,” sagot ko. Tumango lang siya sa akin at saka nagpatuloy sa pagkain.
“Uy! Si Calvin Li!" sambit ng ate ko. Agad naman akong napalingon sa tv. At nakita ko ngang si Calvin iyon. Kulay itim na ang buhok niya at maayos ang kaniyang suot na damit.
“So, Mr. Calvin Li. Ano’ng dahilan bakit kayo nagpatawag ng press?” rinig kong tanong ng isang babaeng host kay Calvin sa tv.
Natuon naman ang atensyon ko sa tv at sandaling natigilan sa pagkain. Maging ang kapatid ko.
“May gusto lang akong aminin sa lahat,” sagot naman ni Calvin.
“Ano ba ‘yon? Mr. Teen super star?” tanong pa ng host.
“Nagpa-interview ako para humingi nang tawad sa isang taong nasaktan ko. Gusto kong humingi nang tawad sa kanya.” Kita ko ang seryoso nitong mukha, habang nakatingin sa camera. Hindi ko naman maiwasang kabahan.
“Hindi ko intensyon na itago sa ‘yo ang tunay kong pagkatao. Mahal lang kita kaya ko ‘yon nagawa.” rinig ko naman na, nagsigawan ang mga tao roon.
“Ang swerte naman ng babaeng ‘yon! Kung ako ‘yon? Patatawarin ko agad siya!” biglang sabi naman ng kapatid ko.
“Hoy! Kumain ka na lang diyan,” sita naman ni mama sa kanya. Muli naman akong napatingin sa tv.
“Wow! So, Mr. Calvin Li. Kaya ka ba nandito ay para humingi nang tawad sa isang tao? Napaka-sweet at romantic naman no’n!” saad ng host. Nag-ayos muna si Calvin bago siya muling nagsalita.
“Sa mga oras na ‘to. Kung nanunuod ka ‘man ngayon. Sana ay mapatawad mo ako, Yucy Lynn Jimenez. I want you to know that I love you so much and I can't afford to lose you! Ipinagsisigawan ko sa buong mundo na. Yucy, mahal na mahal kita at sana mapatawad mo ako. Kung inilihim ko sa ‘yo ang tunay kong pagkatao.” Namilog ang mga mata ko sa mga narinig ko sa kaya. Yung kutasara namang hawak-hawak ko ay bigla ko na lang nabitawan.
Sandali pa ay, may mga mata namang nagsitinginan sa ‘kin. Oh my gosh! Nandito nga pala ang pamilya ko!
“Yucy? Hindi naman siguro ikaw ang tinutukoy niya ‘di ba?” paniniguro ng kapatid ko. Hindi naman ako makaimik, dahil sa kabang nararamdaman ko.
“Yucy?” Si, mama naman ngayon. Halos pagpawisan naman ako nang malagkit.
“Mama, Papa, ate. May gusto sana akong aminin sa inyo.” Panimula ko.
“Ako po ang taong tinutukoy ni Calvin. May relasyon po kaming dalawa. Sorry po, kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo,” pag-amin ko sa kanila. Ang mga kamay ko naman ay nakapatong na sa aking mga hita, kasabay ang pagyuko ko, upang hindi makita ang mga reaksyon nila. Hindi ako maka-kibo nang maayos at ang t***k ng puso ko naman ay parang isang kabayong nasa karera.
“Ano’ng sabi mo? Yucy? Totoo ba ang lahat ng ‘yan?” Ramdam ko ang ang pagkagulat ni, mama. Parang napaka-imposible naman kasi.
“O-Opo.” Napapikit na lamang ako at tila, inaabangan ang mga sermon nila. Ngunit, ikinagulat ko naman nang biglang tinapik ni, papa ang likod ko. Kaya naman napa-angat ako.
“Yucy, walang masama. Hindi naman kami galit. Ang mahalaga ay natuto kang umamin. Anak, nasa tamang edad ka na. Walang masama kung umibig ka.” Nagsisimula naman nang lumabas ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala. Para akong nabuhayan dahil sa mga sinabi ni, papa.
“S-Salamat po.” At hindi ko na, nagawang mapigilan ang sarili ko at tuluyan na akong humagulgol. Agad naman akong niyaka ni, papa.
“Hay, ang anak ko. Dalaga na.”
“Ano’ng balak mo? Mukhang kailan ninyong mag-usap na dalawa,” saad naman ni, mama.
“Yucy, Kung ayaw mo na sa kanya. Akin na lang siya a?!” pabirong sabi naman ng kapatid ko. Agad naman siyang binatukan ni, mamaBinatukan naman siya ni Mama.
“Aray naman, ma!” daing ng kapatid ko at saka siya napahawak sa ulo niya.
“Para kay Calvin lang ang kapatid mo. H’wag ka nang um-epal!” Natawa na lang ako. Ang saya sa pakiramdam na, suportado ka ng pamilya mo. Wala na akong mahihiling pa. Isa sila sa pinakamahalaga sa buhay ko.
****
KINABUKASAN. Habang naglalakad sa loob ng school. Pansin ko naman na kanina pa ako pinagtitinginan ng mga ka schoolmates ko. Ano bang meron? May dumi ba ako sa mukha?
Mayamaya lang ay, nakita na si Rei sa may gate. Kaya’t nagmadali akong puntahan siya.
“Rei!” Agad naman siyang napalingon sa gawi ko.
“Oh my gosh, Yucy! Alam ml bang usap-usapan ka na ng mga kaklase natin, pati ng buong campus dahil sa pag broadcast ni Calvin Li na inlababo siya sayo! Girl, ang swerte mo! Kung dati ko pang nalaman na si kuyang naka mouth mask at Calvin Li ay iisa. Sana ako yung nasa p’westo mo. Pero siyempre, joke lang ‘yon! Mas bagay kayo. I ship, CaYu!” Isang araw lang akong naging absent. Ang daldal na masyado ni Rei?
“Nakakahiya tuloy pumasok,” pag-aalangan ko.
“Ay naku! H’wag kang mahiya! Dapat nga proud ka. Dahil, isang super star ang boyfriend mo!” kinikilig na sabi ni Rei. Tumayo na lang ako nang maayos at inisip na kaya ko ito!
Papasok na kami ng building nang bigla kaming makarinig ng isang sasakyan na huminto. Kasabay noon ang tilian ng mga babae. Napahinto naman kaming dalawa at napalingon roon.
Isang puting kotse ang nakita namin ni Rei.
------
If you like this story, support the author by sharing it!
KURO: Thank you for reading The Star and the Moon
Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27
Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi
Like my page:
www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial
Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section
⬇⬇⬇