Real him

1112 Words
ISANG linggo na ang nakalipas simula nang maging kami. Oo kami na nga ni, Calvin. Hindi pa ito alam ni, Rei. Maging ang mga magulang ko ay wala pang alam tungkol sa amin. Hindi ko pa kasi magawang masabi. At saka, sabi ni Calvin. Huwag muna raw.           Siya na lang daw mismo ang pormal na magpapakilala sa mga magulang ko, kapag ok na raw ang sitwasyon niya. Ano naman kaya ‘yon?           Kapag nasa school kami ay wala namang nagbago. Ang alam lang ni Rei ay super close lang kaming dalawa. Hanggang doon lang.           Kapag break time naman namin ay magkatabi kaming dalawa. At iyong mga kamay namin ay palihim na magkahawak sa ilalim ng lamesa.           Naka mouth mask pa rin siya. Ewan ko ba? Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagsusuot siya no’n. Gayong, wala naman siyang sakit at kung ano man. Hindi rin naman siya pipe. Pero hindi siya nagsasalita kapag nasa school. Katulad noon. Gumagamit siya ng papel at ballpen at kung minsan naman ay yung cellphone niya. Kapag kaming dalawa lang talaga ang magkasama ay nagsasalita siya. **** ARAW nang martes. Pakiramdam ko ay hindi ako makakapasok, dahil masama ang pakiramdam ko.           “Yucy, hindi ka ba papasok?” tanong ni, mama nang maabutan akong nakahiga pa rin sa kama.           “Masama po ang pakiramdam ko, mama. Baka hindi po muna ako pumasok ngayon.”           “Gano’n ba? O, sige. Magpahinga ka na muna. Igagawa kita nang mainit na sabaw,” sabi ni, mama. Pero bago siya umalis ay iniwan niyang bukas ang tv. Para naman raw malibang muna ako.           Nakakapagtaka? Sabi sa ‘kin ni, Calvin ay tatawag siya ngayon? Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin? Busy siguro?          Habang hawak-hawak ko ang cellphone at inaabangan ang pagtawag ni Calvin sa ‘kin. Napatingin naman ako sa tv. Nagsisimula na kasi ang balita at tinuoon ko muna ang atensyon ko sa tv.           “Live at exclusive. Isang teen star at multi awarded young actor. Namataan sa isang universidad sa maynila, kaninang umaga, namataan ang teen star na si Calvin Li. Na papasok sa isang university at doo’y nakasuot ng uniform ng Eastern University. Kinumpirma ito ng isang nakakitang media photographer ngayon-ngayon lang. Naka-disguise ito at kinulayan rin niya ang kanyang buhok upang hindi makilala ng madla. Nakasuot din ito ng mouth mask. Sa ngayon, kinukuha pa namin ang panig ng teen star ukol dito.”              Bigla akong napabangon sa kama nang marinig ko ang balitang iyon. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig at nalaman ko. Kitang-kita ko si Calvin sa tv. Iniinterview ng press. Naisip ko namang tumayo at nagmadaling lumabas ng kwarto ko.           “Teka, Yucy! Saan ka pupunta? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?” takang tanong ni, mama nang makita niya ako, na nagmamadaling umalis ng bahay.            “Pupunta lang po ako sandali sa school!” sigaw ko at tuluyan nang nakaalis ng bahay. Tinakbo ko na lang papuntang school, tutal hindi naman ito masyadong nalalayo sa bahay namin.           Kakamadali ko kasi ay nalimutan kong dalhin ang bisikleta ko. Madaling-madali akong nagtungo roon upang malaman ang nangyayari. Gulong-gulo ako. Hindi ko maintindihan ang nabalitaan ko sa tv.           Bakit nasa tv si Calvin? At bakit tinawag siyang isang sikat na artista? Nagugulahan na talaga ako sa mga oras na iyon.           Nang makarating na akong school ay naabutan ko pa na maraming tao sa labas. Tiningnan ko iyon at nakisali rin sa kaguluhan roon. Gusto kong malaman ang totoo. Dahil sa kagustuhan kong makita si Calvin. Sumingit na ako sa kanila.          Nang makarating ako sa unahan ay nakita ko mismo sa harap ko si Calvin. Ang boyfriend ko na iniinterview nang media.          “I apologize to my manager, kung hindi ko man nasabi ang tungkol dito. My parents approved me to come in this university, to study for almost 1 month. Gusto ko lang ulit maranasan ang maging estudyante at wala nang iba pa.” Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang mapatingin siya sa ‘kin. Kita kong nagulat siya nang makita niya akong nandoon. Nararamdaman ko na rin na nagsisimula nang pumatak ang mga luha ko. Bakit gano'n? Bakit siya nagsinungaling sa ‘kin? Tungkol sa totoo niyang pagkatao?           “Yucy? Uy, Yucy! bakit hindi ka pumasok?!” Nakita ko naman sa peripheral vision ko si, Rei na papunta sa direksyon ko. Pero ewan ko ba? Bigla ko na lang naisip na tumakbo palayo sa kanila.           Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi niya sa ‘kin sinabi ang totoo, sa pagkatao niya. Kaya pala lagi siyang may suot na mouth mask at hindi nagsasalita dahil para hindi siya makilala ng maraming tao.           Pero bakit hindi ko nahalata ‘yon? Ang tanga ko naman para hindi y‘on mapansin? Masyado kasing iba ang itsura niya. Si Calvin Morales ay bleach ang kulay ng buhok at laging nakasuot ng mouth mask. Samantalang si Calvin Li ay itim ang buhok. At maayos ang pananamit.           Tumakbo lang ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Nagsisimula naman nang magsibagsakan ang mga luha ko, na animo’y isang ilog.           Napaupo naman ako sa isang gilid nang isang iskinita. Habang yakap-yakap ang tuhod ko at nagsimula sa pag-iyak na parang isang batang paslit.           Bago ako tumakbo roon ay, naramdaman ko rin na sinundan ako ni, Calvin dahil narinig ko siyang tinatawag pa ang pangalan ko. Pero hindi na niya ako naabutan. **** MAKALIPAS ang kalahating oras na pananatili ko ro’n. Naisipan ko na ring umuwi ng bahay. Gusto ko nang umuwi at piliting makalimutan kung ano ang nangyari.           Naabutan ko naman si, mama na nagwawalis sa labas.           “Oh, Yucy! Saan ka ba galing?” bungad niya.           “Pasensya na po. Sige, babalik na po ako sa loob. Lalo po yatang sumama ang pakiramdam ko e.”           “Mukha nga, ang putla mo e,” puna naman ni mama. Bumalik na lang ako sa loob ng kwarto ko at doo’y nahiga.           Nakatanggap naman ako ng text kay galing kay Rei at Calvin. Pareho sila nang tanong. Nasaan na raw ba ako? At bakit bigla na lang daw akong tumakbo roon?           Wala na akong lakas pa, para sa sagutin ang text at tawag nila. Ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa at magpahinga. ------ If you like this story, support the author by sharing it! KURO: Thank you for reading The Star and the Moon Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27 Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi Like my page: www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section                          ⬇⬇⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD