ISANG puting kotse ang nagpakita, sa labas ng school gate namin.
Maraming estudyante naman ang nakiki-chismis. Sandali pa ay mayroong isang lalaki ang lumabas mula sa loob ng kotse.
"Omg! Si Calvin Li!" histerical na sambit ni Rei. Napalunok naman ako dahil ang gwapo niya sa kaniyang suot. Naka white polo siya at maong pants.
Nagsimula naman siyang maglakad, patungo sa aming kinaroroonan.
"P'wede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Napatingin naman ako kay Rei. Tumango lang siya sa akin.
"Sige, pero sandali lang tayo, ah? May klase pa kasi kami," sagot ko.
Sumama ako sa kanya palabas ng school. Ang ilang mga estudyante naman ay nakatingin sa amin habang pasakay kami sa kotse at saka kami tuluyang nakalayo roon.
Hindi naman ako umiimik sa loob ng kotse niya, habang siya ay patuloy lang sa pagmamaneho. Saan ba ako dadalhin nito?
Mabilis lang ang naging biyahe namin at nakarating na rin kami sa lugar na pinagdalhan niya sa akin. Lumabas na ako ng kotse at nakita ko na, sa valley niya pala ako dinala. Sa lugar kung saan siya pormal na nagpakilala.
"Gusto ko lang humingi nang tawad sa 'yo, Yucy. Alam kong galit ka dahil sa paglilihim ko sa tunay kong pagkatao," panimula niya. Huminga ako nang malalim at saka ko siya hinarap.
"Wala na sa 'kin 'yon, Calvin. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa 'yon, eh. Pinapatawad na kita. Mahal kasi kita, at walang magbabago ro'n." Nasilayan ko naman ang pagsigla ng kaniyang mukha.
"T-Talaga, Yucy?" paniniguro pa niya. Tumango lang ako sa kanya, bilang tugon at binigyan ako ng kaniyang wagas na ngit at saka niya ako niyakap nang mahigpit.
"Mahal din kita, Yucy. At hindi rin magbabago 'yon," wika niya. Nang kumalas siya sa pagkakayap sa akin. Hinawakan naman niya ang kanang pisngi ko at dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking labi. It was a passionate kiss. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ang mahalikan ng taong mahal mo.
Mayamaya lang ay kumalas din kami at napatitig sa isa't isa.
"Thank you for giving me another chance, Yucy," sabi niya. Ngimiti lang ako sa kanya, bilang tugon.
****
NANG makabalik na kami ng school. Hinatid muna niya ako sa may gate bago siya tuluyang umalis. May photoshoot pa raw pa kasi siya ngayon. Buhay artista nga naman. Pero buruin niyo? Isang artista ang boyfriend ko. Take note! Hindi lang siya basta artista. Super sikat pa niya. Teen super star e?
Nagpaalam na kami sa isa't isa at ang loko. Humingi pa ng kiss sa pisngi. Nakakahiya kaya! Pero, pinagbigyan ko na. Sa pisngi lang naman, eh. Kinawayan ko pa siya, bago siya nakalayo nang tuluyan.
Sa loob naman ng classroom namin. Habang abala kami ni, Rei sa pagkukuwentuhan, dahil break time. Bigla naman kaming nilapitan ni, Ma'am Lily.
"Ms. Jimenez at Yamamoto. P'wede ko ba kayong mautusan sandali?" bungad nito sa amin.
"Sige po, ano po ba 'yon ma'am?" tanong ni Rei.
"Sunod na lang kayo sa akin," sagot lang ni ma'am. Tumayo naman na kami ni Rei at sinundan siya. Sa library niya kami dinala.
"Ipapaayos ko lang 'tong mga libro. May inaasikaso pa kasi ako sa baba, kaya hindi ko maasikaso 'yan," utos nito sa amin.
"Sige po ma'am. Kami na po ang bahala rito," ngiting tugon ko naman kay ma'am, Lily.
"Sige, salamat," saad pa sa amin ma'am at saka siya umalis. Tiningnan naman muna namin ni Rei ang laman ng bookshelf. Ang lalaki ng mga libro at mukhang marumi na talaga, dahil sa alikabok.
Sinimulan naming alisin ang mga libro. Isa-isa namin itong sinalansan, pinagpagan at pinusan ang bawat libro. Si Rei naman ay nililinis ang lagayan ng mga libro.
"Yucy, paabot naman nung ladder, sa may gilid ng pinto. Lilinisin ko lang din yung taas," suyo ni Rei sa 'kin. Agad ko namang kinuha yung ladder sa may gilid ng pinto at saka iyon dinala sa kanya.
Nagpatuloy lang ulit ako sa paglilinis ng mga libro habang si Rei ay inakyat ang itaas ng bookshelf gamit yung ladder. Katabi ko lang din si Rei sa paglilinis.
Nang matapos ko nang linisin ang unang limang libro ay nilagay ko na rin kaagad iyon sa bookshelf. Nilagay ko 'yong isang libro pangalawa sa dulo ng bookshelf.
Nakita naman ng peripheral vision ko na may nasagi si Rei na isang puting bote. Habang inilagay ko ang huling libro kaya naman, agad akong napatingala.
Bigla ko na lang naramdaman na may likidong bumuhos sa aking mga mata. Sa gulat ko ay napasigaw ako dahil sa sobrang hapdi na aking naramdaman. Sumagi ang katawan ko sa may lamesa. Hawak-hawak ko naman ang mga mata ko dahil sobrang hapdi at parang sinusunog nito ang mga mata ko.
"Yucy!" rinig kong sigaw ni Rei. Naramdaman ko naman ang agarang paglapit niya sa akin.
"Oh My Gosh, Yucy! Ano'ng nangyari sa mukha mo?!" Naramdaman ko na ang pagpa-panic ni Rei sa mga sandaling iyon. Sandali pa ay naramdaman ko nang hinang-hina na ako at mahinang boses na lang ni Rei ang naririnig ko. Na patuloy sa pagtawag ng aking pangalan. Unti-unti na ring sumasara ang aking mga mata at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
------
If you like this story, support the author by sharing it!
KURO: Thank you for reading The Star and the Moon
Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27
Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi
Like my page:
www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial
Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section
⬇⬇⬇