Cp number
MASAYA at pa pito-pito pa ako habang nakasakay sa aking bisikleta, para pumasok na sa aking eskuwelahan. Ito na kasi ang daily routine ko, sa tuwing papasok ako. Hindi na ako sumasakay ng jeep o kahit ano pang sasakyan. kasi, malapit lang naman ang school ko sa amin. Tipid na sa pamasahe, excercise na rin ‘di ba?
First day ko ngayon as a college student, kaya sobrang excited akong makakilala ng mga bagong kaklase at kaibigan. Habang pina-park ko ang bike ko sa parking area. Sandali akong natigilan dahil sa isang bagay na pumukaw nang aking atensyon. Isang piraso ng papel? Naisipan ko namang pulutin 'yon. Nang buklatin ko ito mula sa pagkalukot. Nakita ko namang may nakasulat, cellphone number. May pangalan pang nakalagay at may nakasulat pa sa baba nang. If someone saw this? Please text me. I need a friend - Calvin
Sino naman kayang baliw ang gagawa nito? Pero, imbis na i-ignore ko na lang, eh. Naisipan ko na lang na ibulsa muna ito at saka ako pumasok.
Sa loob ng campus. Katulad nang nakagawian kapag unang araw nang eskuwela, na hahanapin mo pa ang pangalan mo sa bawat room. Napaka tagal naman nang ganito. Pero buti na lamang, hindi ako inabot nang siyam-siyam sa paghahanap. Dahil madali ko lamang nahanap 'yong pangalan ko.
Section BSIT -1101
Section one pala ako? Nang makita ko na ang pangalan ko ay pumasok na rin ako sa aking magiging silid. May mga tao na rin sa loob. Medyo nahihiya pa ako nang kaunti, dahil wala pa akong kilala rito. Umupo na ko sa pangalawang row malapit sa bintana. Tahimik lang ako, walang imik. Habang yung mga kaklase ko naman ay maiingay. Pero akala ko magiging mag-isa lang ako rito, nang may tumabi sa aking isang babae. Maputi siya, mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan at katamtaman ang taas.
“Hi! Ate, mag-isa ka lang yata? Wala ka bang kilala rito?” tanong niya.
“Wala pa, eh,” nahihiyang sagot ko.
“Ah, gano’n ba? Ako nga pala si, Rei Yamamoto. Nice to meet you,” pakilala niya sa akin at sabay lahad nang kaniyang palad.
“Yucy Lynn Jimenez,” pakilala ko naman at nakipagkamay rin sa kanya.
“Ayan! Hindi ka na mag-isa. Dahil magkaibigan na tayo Yucy!” masaya niyang sabi sa ‘kin.
“Salamat, Rei. Masaya akong maging kaibigan ka,” ngiting sambit ko naman.
“Ako rin! Ang cute naman ng name mo, ah? Yucy Lynn.”
“Sayo rin naman e. May lahi ka ba? Yung surname mo kasi?” tanong ko naman.
“A, ‘yon ba? Oo! Half Japanese ako kaya Yamamoto.”
“kaya naman pala,” ngiting saad ko. Mabait siya, kaya naman kami na ang palaging magkasama. Every break time, sabay kami kumain hababg nagku-kuwentuhan nang kahit ano.
Matapos lang ang siyam na oras na aking ginugol sa eskuwelahan. Sa wakas! Makakauwi na rin ako. Nakakapagod, pero naging masaya ang first day ko as a college student.
Nang makauwi na ako sa bahay. Naabutan ko naman si mama na nagluluto sa labas.
“Kumusta ang first day?” masayang tanong ni mama habang nagluluto.
“Ayos naman po. May bago akong nakilalang kaibigan,” masayang sagot ko.
“Gano'n ba? Buti naman, anak.”
“Akyat na muna po ako," paalam ko kay mama.
“Sige, kumain ka na lang diyan, a!”
“Opo, Ma!" sigaw ko at saka umakyat patungong kwarto. Inilapag ko na ang mga gamit ko at naupo sa aking kama.
Magtatanggal na ako ng damit nang may malalag na papel mula sa aking palda. Nang pulutin ko ito ay bigla kong naalala, na ito yung napulot kong papel sa may parking area, a?
“Sayang ‘din naman ‘tong load ko? Wala rin naman akong maka-text. Try ko kaya ‘to?” sambit ko. Nagpalit muna ako ng damit saka ulit ako bumalik sa aking puwesto kanina. Sinimulan ko naman nang mag-type sa aking cellphone at saka ako naglakas-loob na i-text siya. Simpleng “Hello.” na muna ang aking sinabi sa kaniya.
Sinubukan ko lang. Sabi nga, sa sulat niya. I-text daw siya dahil kailangan niya ng kaibigan. Bakit naman kaya? Wala ba siyang mga kaibigan? Mayamaya lang ay tumunog na ‘yong cellphone ko. Agad kong tinignan iyon at otomatiko akong napangiti dahil sa kaniyang reply na “Hello, rin.” na may kasama pang smile emoji.
Nagsimula naman na ulit akong mag-type at ni-reply-an siya nang. “Need mo ng friend? Nakita ko kasi yung sulat mo, sa may parking area, eh.”
Ilang segundo lang ay nag-reply na muli siya sa akin nang. “Oo! Ikaw na ba ang sagot, sa kahilingan ko?”
Agad namang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa kaniyang ni-reply. Ako na raw ba ‘yong sagot sa mga kahilingan niya? Hindi ko siya, ma-gets?
Ni-reply-an ko naman siya nang. “What do you mean, po?” Napaka-weird naman nito?
“Wala, nevermind. Pero question? Are you a girl or a boy?” tanong naman niya sa akin.
“Girl po,” reply ko naman. Ano bang trip nito? Mayamaya lang ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Laking gulat ko naman nang makitang tumatawag siya. Ano’ng gagawin ko? Sasagutin ko ba? Bahala na nga!
“Ah, hello po,” nahihiyang sambit ko, nang sagutin ko ang tawag niya.
“Hi.” Bigla naman akong natigilan dahil sa kaniyang mala-anghel na boses. Ang ganda ng boses niya, ang sarap pakinggan. Kahit “Hi.” pa lang ‘yong nasasabi niya.
“Bakit po? Napatawag ka?” alanganin kong tanong.
“Wala naman. Gusto ko lang marinig ang boses mo, ang cute pala.”
“Ay! Si kuya, nangbola pa!” sabi ko naman. Pero nakakahiya na talaga!
“Oo, nga pala. P’wede ba tayong maging magkaibigan?” tanong naman niya.
“Oo naman po. Sino ba naman ako para tumangi!” sagot ko naman habang hindi maalis-alis ang ngit sa aking labi.
“Salamat! Ako nga pala si, Calvin. Ikaw?”
“Yucy Lynn po,” sagot ko.
“H'wag mo na akong i-po. Tingin ko naman, hindi nalalayo ang edad natin, eh.”
“Ah, bakit? Ilan taon ka na ba?”
“19 kaw?”
“18, oh! Matanda ka pa rin sa ‘kin, kailangan mag-po ako.”
“1 year lang naman, e. H'wag ka na mag-po, please.” Nakakatuwa ang boses niya. Lalo na sa huli niyang sinabi.
“Sige, hindi na!”
“Good so, friends na tayo, ah! Wala nang bawian.”
“Oo naman. Pero, teka? Bakit pala? Wala ka bang mga kaibigan?” tanong ko naman.
“Sige! Bukas na lang ulit. I have to go. Thanks ulit sa time, Yucy. Next time magku-kuwento na lang ako sa ‘yo, bye.”
“Salamat din, bye,” sabi ko. Pagkatapos ay pinatay na rin niya. Sayang naman, gusto ko pa siyang makausap nang matagal, eh. Ang ganda talaga ng boses niya. Ang pogi pakinggan. Ang sarap sa tenga.
Hindi na ako makapag hintay pa nang bukas. Gusto ko na ulit marinig ang boses niya, bitin ako, eh. Akala ko isa siyang baliw o kung ano man. Kasi, nagtapon siya nang lukot na piraso ng papel sa may parking area para lang makahanap ng kaibigan. Pero no'ng mga oras na, narinig ko na ang mala-anghel niyang boses. Nag-iba ang tingin ko sa kanya. May sira na ba ang ulo ko?
--------
If you like this story, support the author by sharing it!
KURO: Thank you for reading The Star and the Moon
Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27
Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi
Like my page:
www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial
Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section