Goodbye

1392 Words
ISANG buwan ang nakalipas. Masaya akong nag-aayos habang, tinutulungan ako ng ate kong si Misty. Ngayon kasi ay araw nang Martes, ika-21 ng Setyembre taong 2015. Araw kung saan ipagdiriwang namin ni Calvin ang 2nd monthsary namin. Matagal na rin pala kami ‘no?           Mababait ang buong pamilya ni, Calvin at tanggap nila ang relasyon naming dalawa. Alam na rin naman ng buong publiko ang relasyon namin. Paano ba naman? Yung paghingi niya nang tawad sa tv. Noong nakakakita pa ako halos araw-araw siyang nagpo-post nang mga pictures naming dalawa sa f*******: account niya, twitter at i********:. Hiyang-hiya nga ako noon e. Kasi, kalat na kalat na sa buong media ang mga larawan naming dalawa na magkasama. Pero sa loob-loob ko. Halos sumabog na ‘ko sa sobrang kilig.          “Handa ka na ba?” tanong naman ng ate ko.          “Kanina pa nga e,” kalmado kong sagot.           “Halata nga e," pang aasar niya pa sa akin. Si ate ang maghahatid sa ‘kin sa pagkikitaan namin, Calvin. Gusto raw kasi niya akong surpresahin. Ewan ko nga sa lalaking ‘yon. Kung anu-ano ang naiisip na pakulo.          Sumakay na kami ng tricyle ni ate, papunta sa isang lugar. Hindi ko alam kung saan. Basta ihahatid na lang ako ni ate roon at si Calvin na raw ang bahala.          Nang makarating na kami roon. Inalalayan ako ng kapatid ko at saka niya ako pinaupo sa isang upuan.          “Wala pa ba siya?” excited kong tanong kay ate. Magkahalong tuwa at kaba, naman ang nararamdaman ko ngayon.            “Easy! Wala pa siya. Sabi niya magte-text na lang daw siya sa ‘kin ‘pag malapit na siya. Kaya kalma ka lang diyan.” Hindi ko naman kasi maiwasan. Alam naman niyang medyo mainipin ako e!           “Yucy! Nagtext na siya. Malapit na raw siya. Naka-motor pala siya, sabi niya.” Bigla naman akong napangiti. Salamat naman at parating na siya, nakababagot na kayang maghintay nang matagal.           Pero, lumipas na ang kalahating oras pero wala pa rin si Calvin. Nasaan na ba iyon? Sabi niya malapit na siya? Pero bakit hanggang ngayon? Wala pa rin?          Mayamaya lang ay narinig kong may kausap si ate sa kanyang cellphone.          “Ano’ng sabi n’yo? S-Si, Calvin?!” rinig kong sambit ni ate. Pero, pinagtaka ko naman iyon. Ramdam ko kasing parang may mali? Bakit gano’n? Bigla akong kinabahan.           “Ate ano ‘yan? Anong si Calvin?” takang tanong ko.          “Yucy, h’wag kang mabibigla. S-Si Calvin. Naaksidente raw.” Agad naman akong napatayo, dahil sa narinig ko. Muntikan pa akong mawalan nang balanse.           “Yucy, huminahon ka muna.” Pilit naman akong pinababalik ni ate sa aking upuan.           “Paano ako hihinahon? Ano ba kasing nangyayari? Paanong si, Calvin? Naaksidente?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari.           “Basta! Pumunta na lang tayo ng hospital!” sabi pa ni ate at inalalayan ako. ***** NAKARATING din kami ng hospital. Sana walang masamang nangyari kay Calvin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanyang masama. Hindi ko kakayanin.           Narinig ko namang nandito na ang mga magulang ni Calvin. Maging sila ay hindi makapaniwala sa nangyari. Dapat masaya kami ngayon, eh. Dapat ipagdiriwang namin ang 2nd monthsary namin. Pero bakit naman ganito?          “Nasaan ang kamag anak ng pasyente?” Rinig kong sabi ng isang lalaki. Doktor siguro siya.          “Kami po, Doc. Ano na pong lagay ng anak namin?” Rinig kong tanong ng nanay ni Calvin at nagsisimula na ring itong umiyak. Ramdam ko, dahil sa bawat salitang binibitawan at mga tanong niya.           Hindi ako halos makakibo sa kinauupuan ko. Niyakap naman ako ni ate para pakalmahin.          “Sa totoo lang, masama ang lagay ng pasyente. Ayon sa nakakita. Nabunggo raw ang anak ninyo ng isang rumaragasang 10 wheeler truck. Habang nakasakay ito sa kanyang motor. Hindi ko pa masasabi kung maliligtas namin ang anak ninyo. Masyadong kritikal ang lagay niya. Sa ngayon, matinding dasal lang ang maipapayo ko sa inyo.” Parang nadurog ang puso ko sa mga narinig ko mula sa bibig ng doktor. Nagsisimula naman nang pumatak ang mga luha ko. Hindi maari iyon? Bakit? Sa dinami-rami ng tao. Bakit si Calvin pa?           “Yucy, tahan na. Magiging ok din si Calvin.” Naramdaman ko ang paghaplos ni ate sa aking likuran upang patahanin ako mula sa aking pag-iyak. Maging ang ina ni Calvin ay humahagugol na. Gusto kong magwala. Gusto kong makita si Calvin. Pero ano bang magagawa ko? Bulag ako. Hindi ko magagawa ang mga ‘yon.          Inabot na kami nang gabi dito sa hospital. Pinipilit naman na ako ni ate na umuwi na. Pero ayoko pa, gusto ko. Dito lang ako. Gusto kong hintayin na magising si Calvin. Hindi ko siya p’wedeng iwan rito. Kailangan niya ako.           Hinayaan na lang ako nit ate sa gusto ko. Pero kinausap ako ng pamilya ni Calvin na masmabuti raw na umuwi na lang muna ako para makapag-pahinga. Bumalik na lang daw ako bukas. Sa huli sinunod ko na lang sila.          Bago ako natulog ay nagdasal muna ako nang mataimtim.          “Lord, huwag ninyo sana siyang hayaang mawala sa akin. Siya na lang po ang kaisa-isang lalaking nagmahal sa akin. Hindi pa ba sapat na naging bulag ako? Lord, kung gusto n’yo. Ako na lang po ang kunin ninyo. Mas may halaga pa ang buhay ni Calvin. Kaysa sa akin.” Ilang luha na ang inilabas ng mga mata ko. Hinihiling na sana ay mapagbigyan ako. **** KINABUKASAN. Matamlay at walang kagana-kaganang kumain ng tanghalin. Hindi ko kasi maatim na kumain habang yung taong mahal ko nasa ospital at kritikal ang kalagayan.           Masyado akong na apektuhan. Pagkatapos na pagkatapos kumain ng kapatid ko ay agad akong nagpahatid sa kanya sa hospital. Ngunit nang makarating kami doon ay hindi ko inaasahan ang malalaman ko na nagpadurog lalo ng puso ko.           Narinig kong nagwawala nang husto si, Mrs. Li. Sigaw siya nang sigaw. Bigla naman akong kinabahan.          “Ate, Yucy. S-Si kuya.” Nagtaka naman ako sa kapatid ni, Calvin. Dahil hindi nito, matuloy-tuloy ang kaniyang nais sabihin.           “Ano ba kasi ‘yon, Jason? May problema ba?” Pilit ko namang pinakakalma ang sarili ko.           “S-Si kuya, Calvin. Wala na si kuya Calvin.”           “Ano’ng wala na? Hindi ko kayo maintindihan?” Naguguluhan na ako sa kanila. Pero, bigla naman akong nagsimulang, nerbiyosin.          “Ate, Yucy. Si kuya Calvin ay wala na!” humahangos niyang sagot. Na siyang biglang nagpadurog sa puso ko.            “Nagkakamali lang kayo, ‘di ba? Hindi pa ako puwedeng iniwan ni Calvin!” Halos mag-crack na ang boses ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko. Paanong mangyayari ‘yon? Magsi-celebrate pa kami ng 2nd monthsarry namin, eh. Hindi pa nga niya ako nasu-supresa.           “H’wag naman kayong ganyan! Ate, dalhin mo ako ngayon din kay Calvin. Ano ba?!” Halos sumigaw na ako roon. Dinala naman ako ni ate sa kinaroroonan ni Calvin.            Kinapa-kapa ko ang mukha niya. Halos hindi naman ako makapaniwala, dahil malamig ang katawan niya.            “Calvin? Hindi ka pa patay ‘di ba? Nangako ka sa ‘kin. Magdiriwang pa tayo ng 2nd monthsarry natin e. Kaya gumising ka na diyan! Nagmamakaawa ako sa ‘yo. H’wag mo naman akong biruin nang ganito, ano ba?!” Sumisikip na ang dibdib ko dahil sa halo-halong emosyon.           Patuloy lang ako sa pagyugyog sa kaniyang katawan, pero parang wala paring nangyayari? Lalo akong nakaramdam nang sakit. Pinipigilan naman ako ni ate, dahil gumagawa na raw ako nang ingay. Pero wala akong pakialam! Hindi ako titigil hangga’t hindi nagigising si Calvin.           “Yucy, tama na ‘yan! Wala na si Calvin!” Tinabig ko ang mga kamay ni ate sa akin. Naiinis ako, patuloy nilang sinasabing wala na siya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na humagugol. Sobrang hirap paniwalaan na wala na ang taong mahal mo.           ------ If you like this story, support the author by sharing it! KURO: Thank you for reading The Star and the Moon Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27 Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi Like my page: www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section                          ⬇⬇⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD