TATLONG araw ang nakalipas. Tatlong araw na rin akong nakaratay sa ospital, matapos ang nangyari sa ‘kin sa library. Hindi ko alam pero, parang pinaglalaruan ako nang kapalaran? Bakit? Noong mangyari ang aksidente sa library.
Ikuwinento sa ‘kin ni Rei ang nangyari. Humingi siya nang tawad at sinisisi ang sarili niya dahil siya raw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Sinabi ko naman sa kanya na wala siyang kasalanan at aksidente lang ito at walang may gustong mangyari ‘yon.
Habang naglilinis daw kasi siya. Hindi niya napansin ang puting bote na nakapatong doon sa taas. Wala raw itong takip. Sinuspinde rin ang librarian at ang ibang sangkot ukol sa puting boteng walang takip na iniwan sa taas ng bookshelf.
Noong una akong nagkamalay ay nagtaka ako bakit madilim at wala akong makita. Ang sabi ng doktor ay dala raw ito ng asidong natapon sa akin. Nakabenta ngayon ang mga mata ko. Hindi ko alam pero noong malaman ko at marinig ko mismo sa doktor. Habang nasa labas sila ng kuwarto ko, kausap ang magulang ko dito sa hospital. Rinig na rinig ko mismo na. Posible raw na hindi na ako makakita pa, dahil daw nasunog na ang mahalagang parte ng mata ko ng asido. Nang marinig ko ang lahat ng ‘yon ay wala akong nagawa kundi ang umiyak, kahit walang luhang tumutulo. Pakiramdam ko ay wala akong kuwentang tao at napakahina.
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Calvin. Nandito siya ngayon upang bisitahin ako. Nang malaman daw niya ang nangyari sa ‘kin ay agad daw siyang nagtungo rito. At alalang-alala sa kalagayan ko. Ramdam ko naman iyon e. Ngunit, hindi ko pa rin maiwasang magalit. Dahil sa nangyari sa akin.
“Sa tingin mo ba? Magiging maayos pa ang pakiramdam ko, ngayong alam ko nang hindi na ako makakakita,” walang gana kong sagot sa kanya. Wala ako sa mood para makipag-usap ngayon. Hindi pa rin kasi matanggap ng aking isip ang mga nalaman ko.
“Sorry. H’wag kang mag-alala, Yucy. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.” Ramdam ko naman ang ang sensiridad niya. Pasensya na Calvin. Mukhang hindi na ako nararapat sa isang katulad mo. Masyadong malayo ang agwat natin sa isa’t isa.
****
ISANG linggo ang nakalipas. Nakalabas na rin ako ng ospital. Tumigil muna sa pagtatrabaho si mama bilang kasambahay upang alagaan ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi pa naman ako ganoon ka walang silbi. Pero mapilit si mama. Huminto rin ako sa pag-aaral. Nakakainis nga e. Walang kasiguraduhan kung makakakita pa raw ako. Tuwing uwian ni Rei ay binibisita niya ako sa bahay. Si Calvin naman kapag wala siyang ginagawa ay nadalaw rin siya. Minsan nga, naaawa na ako sa sarili ko. Kapag may gagawin ako ay kailangan pang may umalalay sa ‘kin.
Hindi ko naman maiwasang umiyak gabi-gabi. Hindi ko naisip na mangyayari ang ganito sa ‘kin. Parang isang bangungot ito. Sa isang iglap lang ay hindi na ako nakakakita. Kung panaginip man ito ay sana magising na ako. Napakamalas ko ba? Masama ba akong tao para mangyari sa‘kin 'to?
Lumipas pa ang isang buwan ay ganoon pa rin. Walang pagbabago.
Ala-syete nang gabi. Habang nasa kwarto ako.
“Yucy! Si Calvin nandito!" sigaw ni, mama. Inikot ko ang wheel chair ko at dahan-dahan kong pinihit ang gulong.
“Iwan ko na muna kayo,” saad pa ni, mama. Gusto kong makita kung ano ang itsura ngayon ni Calvin. Kung ano ang suot niyang damit. Kung may nabago ba sa kanya. Kung nagpakulay ba ulit siya? Gusto kong malaman ang mga ‘yon. Ngunit, malabo na ngang mangyari. Tanging amoy lang niya ang alam ko.
“Yucy, napaka ganda mo,” sambit niya. Hindi ko naman maiwasang ma-insulto.
“Ako, maganda? Bukod sa nakabenta itong mga mata ko. May bahid pa nang lapnos itong mukha ko. Tapos sasabihin mo, maganda ako?” Hindi ko mapigilan ang bugso nang damdamin ko, kaya’t napagtaasan ko siya ng boses. Alam ko, hindi na maibabalik ang makinis kong mukha at ang paningin ko.
“H’wag ka namang magalit. Nagsasabi lang naman ako nang totoo, eh. Alam mo. Sa simula pa lang ay maganda ka na, Yucy. You're beautiful inside and out. At ‘yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa ‘yo,” litanya niya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa mga sinabi niya sa ‘kin.
“Kahit kailan ka talaga!” Pakiramdam ko, na mumula na ako. Napaka-sweet kasi niyang tao.
“Ano na naman bang ginawa ko?” boses batang tanong niya.
“Wala!” Sandali naman akong natigilan.
“P’wede mo bang sabihin kung ano ang mga nakikita mo ngayon?” tanong ko. Narinig ko naman ang paghinga niya bago siya nagsalita.
“Bukod sa babaeng kaharap ko na ubod nang ganda. Nakikita ko sa labas ang madilim na kalangitan. Nakikita ko rin ang isang buwan na napakaliwanag at bituin na malapit sa kanya,” kwento niya. Nakikita pala niya ngayon ang buwan at bituin na lagi kong pinagmamasdan noon, tuwing gabi.
“Alam mo. Gusto ko maging buwan,” sabi niya. Bigla naman akong nagtaka sa kanya.
“Bakit naman?”
“Kasi, gusto kong bigyan nang liwanag ang madilim mong mundo. Ako ‘yong buwan na laging nandiyan sa tabi mo. At hinding-hindi ka iiwan. Gusto ko, kapag nami-miss mo ako. O wala ako sa tabi mo. Tumingin ka lang sa buwan at makakasama mo na ako. Ikaw kasi ‘yong bituin na katabi niya na kumikinang.” Ewan ko pero. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Napapangiti ako sa mga sinabi niya.
“Paano ko makikita ang buwan? Inaasar mo ba ako?” sabi ko naman sa kanya.
“Basta. Isipin mo na lang nakikita mo. Alam mo naman siguro ang itsura ng buwan ‘di ba? Basta, isipin mo lang ang buwan. Ako na ‘yon. Ang buwan na magbibigay liwanag sayo.” Nakakatuwa talaga ang lalaking ‘to. Ang daming alam sa buhay.
“Oo na!” sabi ko na lang sa kanya. Natawa naman ako sa kanya nang bahagya.
“You’re my Shining Star, Yucy,” sambit pa niya.
“Ako? Shining Star mo? ‘Di ba ikaw nga ang star diyan!” natatawa kong sabi sa kanya.
“Iba naman ‘yon e. Basta ako ang buwan na nagsilsilbing liwanag sa ‘yo at ikaw naman ang shining star ko.” Nakakatuwang marinig ang mga iyon sa kanya. Kahit ganito ang nangyari sa ‘kin. Basta nandiyan ang mga taong mahal ko sa tabi ko at hindi ako iiwan. Nagiging masaya at matapang ako.
------
If you like this story, support the author by sharing it!
KURO: Thank you for reading The Star and the Moon
Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27
Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi
Like my page:
www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial
Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section
⬇⬇⬇