PARANG isang panaginip lang ang lahat. Hindi ko pa rin matanggap nang isip at puso ko na wala na ang nag-iisang taong nagbibigay saya sa buhay ko.
Kung sana ako na lang ang nawala eh, matatanggap ko pa. Wala naman ng saysay ang buhay ko. Isa akong walang kwentang tao. Mas marami pa siyang mararating at mga pangarap sa buhay. Samantalang ako? Isang hamak na mahirap lamang at bulag pa. Kulang pa ba na gawin akong bulag? Pati ba naman yung taong mahal ko, kailangang mawala?
Minsan tinatanong ko kung bakit hinayaan ng Diyos na maranasan ko ang mga ito? May pagkukulang ba ako? Naging masama ba akong anak? May ginawa ba akong masama sa paningin ng Diyos?
Halos dalawang linggo na ang lumipas simula nang mawala si Calvin. Halos dalawang linggo rin akong nawalan nang gana at pag-asa sa buhay ko. Ni hindi nga rin ako pumunta sa burol niya, dahil baka maiyak na naman ako at malamang hindi na kahit kailan magigising pa si Calvin mula sa matagal na pagkakahimlay.
Isang araw nga. Naisipan ko na ring magpakamatay para makasama siya. Pero hindi ko iyon naitutuloy. Dahil nagtatalo ang isip at puso ko.
Mahirap kapag. Kung kailan mahal mo na siya nang lubos. Saka pa siya mawawala sa 'yo.
"Yucy, anak. Kailangan na nating umalis," sabi ni mama. Ngayon ang araw nang pagpunta namin ng hospital. Ngayon na rin kasi ang araw ng operasyon ko. May mabuting tao kasi ang nag-donate para sa aking mga mata.
Noong una ay tumanggi ako. Pero sa huli ay napapayag din nila ako. Naalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Calvin.
"Kapag nami-miss mo ako. O wala ako sa tabi mo. Tumingin ka lang sa buwan at makakasama mo na ako."
Paano ko nga naman makikita ang buwan kung bulag ako?
Matagal ang naganap na operasyon. Matinding dasal ang kailangan para magtagumpay ito. Pero sa kabutihang palad ay tagumpay naman ito.
Makalipas ang mahigit tatlong oras na operasyon ko. Sinimulan nang alisin ng doktor ang benda sa aking mga mata. Unti-unting tinatanggal ang bawat nakatakip sa mga mata ko. Kasabay noon ang kabang nararamdaman ko.
Nang tuluyan nang maalis iyon. Sinubukan ko nang imulat ang aking mga mata. Pero may pakiramdam ako na baka hindi tagumpay o baka hindi pa rin ako tuluyang makakakita.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at 'yong malabo kong paningin ay unti-unting lumilinaw.
"Nakikita mo na ba kami?" tanong ng kapatid ko. Umiling lang ako.
"Hala! bakit naman? Doc, bakit gano'n? Hindi pa raw siya nakakakita." Natawa naman ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Biro lang! Nakikita ko na kayo," nakangiti kong sabi. Kita ko naman ang pagkagulat sa kanilang mga mukha.
"Oh My Gosh, Yucy! Pinakaba mo kami ro'n!" Pagkasabing 'yon ni Rei ay agad niya akong niyakap. Maging ang mga magulang at kapatid ko.
"Baliw ka talaga!" sabi ni ate at niyakap akong muli.
"Gusto ko lang makita ang mga reaksyon niyo," biro ko pa sa kanila.
"Tinakot mo nga kami e!" sabi naman ni, mama.
"Masaya ako at nakakakita ka nang muli, anak," saad naman ni Papa. Bakas nga sa kanilang mga mukha ang labis na kasiyahan. Napatingin naman ako sa doctor.
"Doc, p'wede ko bang malaman kung sino ang donor ko?" bigla ko namang tanong.
"Ayaw ko man dahil inutusan niya akong h'wag ipagsabi sa iba. Pero dahil wala naman na siya. Sasabihin ko na rin sa 'yo iha." Bigla naman akong nakaramdam nang kaba. Dahil sa sinabi ng doctor.
"Si Mr. Calvin Li ang donor mo. Siya ang nagbigay ng mga mata sa iyo, iha." Namilog ang aking mga mata. Maging sila ay nagulat sa kanilang nalaman. Paanong si Calvin ang donor ko?
"Paano? Bakit?" naguguluhan kong tanong sa doctor.
"Bago mabawian nang buhay si Mr. Calvin Li ay inutos niya sa akin na, kapag namatay raw siya ay ibigay raw namin ang kanyang mga mata sa iyo," paliwanag ng doktor. Para naman akong nanigas dahil sa nalaman kong 'yon. Bakit ibinigay ni, Calvin ang mga mata niya sa akin?
Naramdaman ko naman na may tubig nang tumutulo sa aking mukha. Bakit mo naman ginawa 'yon Calvin?
"Nga pala, Yucy. May pinaaabot yung kapatid ni Calvin," sabi naman ni, ate at saka niya inabot sa akin ang isang sulat.
"Galing daw 'yan kay Calvin." Kaagad ko naman iyong binuksan, upang malaman ko kung ano ang nilalaman ng sulat na iyon.
Dear, Yucy.
Kung nababasa mo man ngayon ito. Sana mapatawad mo ako sa paglilihim ko sa iyo. Gusto ko lang naman na protektahan ka. Sakaling, malaman ng media ang tungkol sa iyo. May aaminin rin sana ako sa 'yo. Naalala mo pa ba yung gabing, muntikan nang may mangharas sa iyo? Ako ang lalaking naka-motor at nasa likod ng helmet. Ang lalaking nagligtas sa iyo. Pauwi ka na noon at tiyempong nasa labas ako noon para, sumulyap sa bahay ninyo. Palagi kasi akong pumupunta nang palihim sa bahay ninyo. Para lang, sulyapan ka. Simula nang malaman ko, kung saan ka nakatira. Naalala mo rin ba yung nasa mall ka? Yung meet and greet ko no'n? Nang makita kita roon ay agad akong gumawa nang paraan para malapitan lang kita. Nagpanggap pa ako sa manager ko, na may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Kaya't nakapuslit ako roon. Alam mo bang napakasaya ko, noong nahawakan ko ang mga kamay mo nang tumatakbo tayo. Dahil, hinahabol ako ng mga fans ko. Hindi ko pa nga hinugasan ang kamay ko noon nang dalawang araw. Nakakatawa hindi ba? Ganoon kasi kita kagusto. Kaya, kahit ano. Gagawin ko para lang sa iyo.
Unti-Unti na namang lumalabas ang mga luha ko. Nang matapos kong basahin iyon. Halos mabasa na nga ng luha ang ibabang parte ng papel.
Naiiyak na naman ako nang malamang, ibibigay niya dapat sa akin ito noong, malaman ko ang totoo niyang pagkatao.
*****
ARAW nang sabado. Ngayo ang araw na may tao akong bibisitahin, sa isang tahimik at mapayapang lugar.
"Masaya ka na ba ngayon, Calvin? Kasi ako hindi e. Nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala ka na. Ang daya-daya mo naman e 'no? Sabi mo, hindi mo ako iiwan. Sabi mo pakakasalan mo ako kapag nakagraduate na ako ng college. Pero bakit nandiyan ka?" Nagsimula na naman pumatak ang aking mga luha sa harap ng puntod niya.
Umiyak lang ako nang umiyak. Bumabalik sa isip ko ang mga ala-ala namin ni Calvin at yung mga panahon na nakilala ko siya. Noong nagkita kami sa Mall. That was the time na pinagkaguluhan siya ng mga fans niya. Sa school, noong naging classmate ko siya. Bumabalik lahat nang mga ala-alang iyon sa akin.
Tatanggapin ko na wala na siya, pero hindi ibig sabihin noon na maghahanap na ako ng kapalit niya. Dahil para sa 'kin, siya lang ang nais ng puso ko. Ang mga mata niya ang nagbigay muli sa akin, upang makakitang muli. Binigyan niya ako nang pag-asang mabuhay muli at magpatuloy.
"Calvin, iingatan ko ang mga matang ibinigay mo sa akin. Ito na lang kasi ang ala-alang naiwan mo, Mahal na mahal kita, iyan ang pakatandaan mo."
∞FIN∞
------
To God be the Glory
Thank you, for giving my story a chance!
Tweet me your reactions by using #TSATMWP
See you again. Sana mabasa niyo pa ang iba kong akda ❤
------
If you like this story, support the author by sharing it!
KURO: Thank you for reading The Star and the Moon
Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27
Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi
Like my page:
www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial
Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section
⬇⬇⬇