Hello Stranger

1439 Words
“YUCY, bangon na. Maaga ka pang papasok sa school ‘di ba?” Maaga akong ginising ni, mama. Day off pala niya, kaya siya ang alarm clock ko ngayon.           “Opo, Ma!” Bumangon naman na ako sa pagkakahiga. Agad ko namang tiningnan ang cellphone ko kung may text ako mula kay Calvin. Ngunit nang malaman kong wala ay agad ko rin iyong binato sa kama.           “Nauna na yung kapatid mo. Ang tagal mo raw kasi, eh.”           “Wala naman pong bago ro‘n. Lagi namang nauuna yun sa ‘kin, eh," sabi ko habang papunta ng banyo para maligo. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bigla namang sumagi sa isip ko si, Calvin. Paano kaya kapag nagkita kami?           Nang matapos akong maligo. Nakapag ayos na rin ako at ready nang pumasok sa school.           “Sige po, Ma! Pasok na po ako,” paalam ko kay Mama.           “Sige, mag-ingat ka!” pahabol ni Mama sa ‘kin, bago ako tuluyang makalayo. ***** SA school. Breaktime namin pero hindi ako bumaba para kumain. Nagtitipid kasi ako. May gusto akong bilhin na damit para sa darating na pasko. Gusto ko kasi, kahit yun lang sa araw na iyon. May bago akong damit. Alam n‘yo naman. Mahirap lang kasi kami at kung hindi pa dahil sa tulong ng tita ko, hindi ako makakapag-aral ng college. Kami ng kapatid ko. Kasambahay lang kasi ang nanay ko, habang ang tatay ko naman ay taxi driver. Habang tulala sa kawalan, bigla namang tumunog yung cellphone ko.           “Hello?” sagot ko sa kabilang linya.           “Hi! Yucy, kumusta ka?" masayang tanong ni Calvin. Siya kasi ang tumawag.           “Ayos naman ako, ikaw?" ngiting tanong ko.           “Ito, pagod. Dami kasing ginawa, eh. Pero, teka! Kumain ka na ba?” Naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niya. Ito na naman siya, magtatanong kung kumain na ako. Sasabihin ko na lang na kumain na ako kahit ang totoo ay hindi pa, baka padalhan na naman niya ako ng pagkain. Hindi naman sa pag-aasume pero, kasi para siyang gano‘n, eh!           “Kumakain ako, don‘t worry.”           “Mabuti naman. Akala ko pati breaktime hindi ka kumakain, eh,” sabi niya. Nakakaloka rin ang isang ‘to, eh? Parang boyfriend ko lang.           “Ay, nga pala. Taga sa‘n ka pala? Nag-aaral ka pa ba? Ano palang apelyido mo?” dire-diretso kong tanong. Naalala ko lang na tanungin siya. May pagka-mysterious type pa rin kasi siya sa ‘kin, eh.           “Woah! Isa-isa lang. hmm..tiga pilipinas ako. Sa Quezon city at yes nag-aaral pa ako, college. And my surname? Hmm... my surname is Morales.”           “Gano‘n ba? Pero kung nag-aaral ka pa? Bakit ‘pag magkausap tayo. Kapag ibababa muna. Lagi mong sinasabi magwo-work ka na at saka kanina sabi mo pagod ka sa work. Ano ka ba? working student?” pag-uusisa ko naman.           “Parang, gano'n na nga,” sagot naman niya sa ‘kin. Pero, ramdam ko namang parang nag-aalangan pa siya sa sagot niya.           “Teka, sa‘n ka pala nag-aaral? Tanong lang. Baka dito ka rin sa Eastern University. Kasi, sa campus ko nakita yung papel, kung sa‘n nakalagay yung number mo, eh?”           “Ah, ‘yon ba? Oo, sa Eastern rin ako,o.” napangit naman ako nang malamang pareho lang kami nang pinapasukan.           “Ano palang section mo at course?” tanong ko pa. Siyempre, para naman makita ko na siya ‘di ba?           “Sige, bye na. Kailangan ko na kasing umalis. Next time na lang ulit, thanks,” paalam niya. Hindi na ako nakapagba-bye sa kaniya, dahil binaba rin niya agad. Sayang naman, akala ko malalaman ko na kung sino siya.           Pagkatapos nang conversation namin, sakto namang dumating na yung prof namin sa english. Absent nga pala ngayon si Rei. Kaya mag-isa lang ako sa upuan namin. Mag-isa lang tuloy ako. Pero ayos lang, sanay naman ako sa gano‘n, eh.           Pagkatapos nang aming klase. Nagmadali akong umuwi, para naman maabutan ko pa yung paborito kong palabas sa tv. Iyong bida ay si Calvin Li. Mapalad ako dahil nang makauwi ako ay kakasimula pa lang. Abala ako sa panonood nang bigla akong inutusan ni, Mama na bumili ng bread crumbs sa grocery. Lulutuin raw kasi niya iyong manok na ibinigay sa kaniya nang kaniyang amo.           Kung kailan magsisimula na yung palabas, saka pa ako uutusan. Pero siyempre. Hindi ako puwedeng umangal. Kung hindi, wala akong kakainin. I mean, kami walang kakainin.           Nang makabili na ako ng bread crumbs sa grocery. Siyempre uuwi na ako para maabutan ko pa 'yong palabas ni Calvin Li. Kung bakit sa grocery pa ako ni, mama pinabili, eh. Gano‘n kasi si mama. Siyempre kahit ganito kami. Uso pa rin naman sa amin ang grocery. Malapit lang din naman sa amin, eh. Saka mas mura raw kasi sabi ni, mama ‘pag sa tindahan pa raw kasi. Mahal, may tubo pa. Kuripot talaga ni, mama.           Pauwi na ako sa min nang may humaharurot na mga motor ang sumalubong sa akin. Biglang tumigil ito. Pero hindi lang pala isa. Lima sila!           Bumaba sila sa kani-kanilang motor habang ako naman ay na-trap sa kanila.           “Pare! Gandang chics nito,” nakangising sambit nung lalaking wagas makapag-shade, akala mo naman ang taas nang sikat nang araw, eh buwan naman ang meron ngayon.          “Hi, Miss!” sabi naman nung isang lalaking naka jacket ng itim. Sandali pa’y nakaramdam na ako nang takot. Mukha kasi silang may binabalak.          “Mga tsong! Hating kapatid, huh!” Isang lalaking maliit ang unti-unting lumalapit sa aking direksyon. Nakakakilabot ang mga ngiti niya. Parang kakain nang buhay!           Ano namang hahatiin nila? Nagsilapitan na rin yung limang lalaki sa ‘kin. Ano nang gagawin ko? Nagsisimula naman nang mangatog ang aking mga binti.           “S-Sino kayo? Ano’ng kailangan n’yo?!” Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko sa mangyayari. Mukhang may balak sila sa aking masama.           “Bitawan niyo ako!" sigaw ko nang bigla akong hinawakan ng dalawang lalaki sa aking braso.           “Walang mangyayaring masama, kung hindi ka na magpupumiglas pa!” Marahas na hinablot no’ng lalaki ang braso at ang damit ko.           “Bitawan n’yo ako, ano ba!” sigaw ko. Pero wala pa rin. Kahit ano’ng pagpupumiglas ko, wala rin dahil malalakas sila.           “Ang sabi niya, bitiwan n’yo raw siya!” Isang boses naman ang narinig kong papalapit sa amin. Hindi ko maaninag dahil madilim yung kinatatayuan niya.           “At sino ka naman?” tanong ni kuyang naka-shades.           “Wala na kayo ro’n,” mayabang nitong sambit at saka sinugod ang mga lalaking nangharas sa ‘kin. Para akong na sa isang pelikula. Ang astig nung mamang nakikipag suntukan. Hindi ko kasi siya mamukaan dahil naka suot siya ng helmet. Grabe, ganito pala ang feeling kapag nasa ganito kang sitwasyon. Nakakawindang!           “Umalis na kayo! Mga walang magawa!” sabi pa no'ng mamang naka-helmet do’n sa mga lalaki. Ang galing nga, eh. Natalo niya ‘yon ahit mag-isa lang siya at apat ang kalaban niya!           “A, kuya. Salamat po pala sa pagligtas n’yo sa akin,” pagpapasalamat ko sa kanya.          “Wala ‘yon. Sa susunod mag-iingat ka, ha? Marami pa namang loko-loko rito,” paalala pa niya sa ‘kin.           “Ok po! Maraming salamat po ulit! Kuya, p’wede pong malaman ang pangalan mo? Para naman alam ko kung sino yung nagligtas sa ‘kin,” curious kong tanong.           “Hmm... ako si Calvin.” Bigla akong natulala. Calvin?            “Sige, alis na ako. Ingat ka sa pag-uwi!” sabi niya at saka pinaandar na ‘yong motor niya.            “Babye po!” sambit ko pa. Habang kinakawayan siya. Nilingon niya lang ako at saka siya tuluyang umalis. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Matagal akong na stuck sa pwesto ko nang biglang maalala kong muli ang pangalan niya. Calvin? Parang lagi na lang ako nakakakilala ng pangalan ay Calvin? Ang weird. Sa pagkatulala ko ay nalimutan ko na yung palabas na inaabangan ko, kaya’t dali-dali akong tumakbo pauwi. ------ If you like this story, support the author by sharing it! KURO: Thank you for reading The Star and the Moon Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27 Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi Like my page: www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section                          ⬇⬇⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD