MAAGA ulit akong nagising para maabutan ko pa ang fresh at murang pandesal ni aling Julia. Pagsapit kasi ng ala-siyete nang umaga ay sarado na siya. Dahil nagkakaubusan sa kanyang mga panindang pandesal. Siya lang kasi ang nagtitinda nang murang pandesal dito sa amin.
Piso ang isa, samantalang sa iba ay 2.50 pesos. At dahil kami ay nagtitipid kailangan kong gumising nang maaga. Mabuti naman at naka abot pa ako sa oras kung hindi, wala kaming kakainin. Alam n’yo kasi, minsan lang kami kumain nang almusal kapag mayroon kaming extrang pera.
“Aling, Julia. Bente pesos nga pong pandesal.”
“Naku! Buti at naabot mo pa, trenta piraso na lang ito, eh!” sabi niya sa akin habang kumukuha ng pandesal.
“Salamat po,” sabi ko, nang mai-abot na niya sa akin yung mga pandesal.
***
NANG matapos kaming kumain ng almusal ay inayos ko na ang mga gamit ko at sarili bago pumasok.
“Papasok na po ako,” paalam ko kay papa at mama.
“Umuwi agad huh? H'wag nang pupunta kung saan!” paalala naman ni papa sa ‘kin.
“Opo tay! Sige po, alis na po ako,” paalam ko at tumuloy na. Hindi na naman ako hinintay ng kapatid ko tsk. Ewan ko ba ro’n? Ayaw akong kasabay. Palaging nagmamadali.
***
ABALA kaming lahat sa pakikinig sa itinuturo ng prof namin. Nang bigla akong kinalabit ni Rei.
“Yucy, pagkatapos nang klase natin. Samahan mo naman ako sa mall,” bulong ni Rei habang nagle-lecture yung english prof namin.
“Bakit? Ano bang gagawin mo roon?” takang tanong ko.
“May bibilhin lang ako.”
“Na naman? Hindi ka ba nagsasawa?” Sermon ko naman sa kanya e, kasi naman. Palagi na lang nagma-mall. Bili nang bili ng kung anu-ano.
“Ito naman! Treat naman kita e. Kaya sige na, samahan mo na ako,” pamimilit niya. Ang kulit talaga nito.
“Pero kasi, pinapauwi ako nang maaga sa ‘min,” katwiran ko naman.
“Ano bayan! Sandali lang naman tayo e. Promise! Sige na, hatid na lang kita sa inyo ano?”
Wala na rin akong nagawa. Gusto ko rin naman mamasyal, kahit sandali lang. Hindi naman siguro sila magagalit?
Nang matapos na nga ang klase namin ay nagtungo na rin kami sa mall. Buti na lang may kotse siya at least hindi gano’n katagal ang paglalakbay namin papunta roon.
****
PALAKAD-LAKAD lang kami ni, Rei sa loob ng mall. Hindi ko rin kasi alam kung saan ba ‘to pupunta e?
“Rei, ano ba bibilhin mo rito?" tanong ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid.
“Bibili lang ako ng damit. Para sa birthday na pupuntahan ko sa linggo,” sagot naman niya. Habang naghahanap ng mabibilhan.
“Gano’n ba.” Pumasok kami sa isang store. Pagpasok pa lang namin ay kita ko nang mukhang mamahalin ang mga damit dito. Grabe lang.
“Ma’am? Ano po’ng gusto nila?” biglang tanong naman ng sales lady sa ‘kin.
“Ay, hindi po ako bibili. ‘Yong kasama ko.” Napagkamalan pa akong bibili. Wala nga akong pera e.
“Yucy! Pumili ka na rin ng iyo. Sagot ko na ‘yan!” ikinagulat ko naman ang sinabi ni Rei habang namimili siya ng mga damit.
“Naku, Rei! H’wag na. Ok lang ako,” pagtanggi ko naman. Nakakahiya kasi.
“Huwag ka nang mahiya riyan. ‘Di ba sabi ko sa ‘yo, treat kita. Kaya sige na, pumili ka na rin ng gusto mong damit.” Naku naman nakakahiya. Pero sige na nga, minsan lang naman ma-libre e. Kaya go na lang!
Pagkatapos naming mamili ng mga damit. Siyempre uuwi na kami. Anong oras na, baka kasi hinihintay na ako nila mama at papa sa bahay, eh.
Habang naglalakad palabas ng mall. May nadaanan naman kaming madaming tao. Mukhang nagkakagulo ata sila?
“Ano’ng meron ro’n?” tanong ko kay Rei habang nakahinto kami sa tapat nang nagkakagulong mga tao.
“Naku! Naalala ko. Ngayon nga pala ang meet and greet ni Calvin Li!” sambit ni Rei at nagtititili na. Meet and greet ni Calvin Li?
“Yucy, puntahan natin ‘yon! Sige na. Sandali lang, ha?" pamimilit ni Rei. Pero hindi pa man ako nakakasagot ay hinatak na lang niya ako papunta ro’n. Grabe ang tilian na naririnig ko. Siyempre mga girls at may mga bakla rin at kasama na rin ro’n si Rei.
“Yucy! Shet makikita ko na rin si Calvin Li sa personal. Excited na ‘ko!” hyper na sabi ni Rei sa ‘kin. Habang ako, tulala. Dahil wala naman akong ideya sa nangyayari. Pero parang gusto ko rin siyang makita ng personal? Sige na nga! Ngayon lang naman ‘to, eh!
“Yucy, si Calvin Li!” sigaw ni Rei.
“Huh? Saan?” tanong ko habang hinahanap kung nasaan siya.
“Ayon o!” turo ni Rei sa kinaroroonan ni Calvin Li. Pero hindi ko naman makita kasi naman? Halos matabunan na ng mga tao.
“Hindi ko naman makita e.”
“Naku! Sayang. Natabunan e. Pero nakita ko siya. Grabe ang gwapo niya, super!” kilig na kilig na sabi ni Rei. Ok gwapo na kung gwapo pero kailangan ko nang umuwi.
“Sandali lang, Yucy a? Lalapitan ko lang siya. Baka sakaling makapag pa-picture pa ‘ko.” Wala na akong magagawa kundi, hintayin si Rei na matapos ang kahibangan niya.
Dahil iniwan ako ni Rei mag-isa rito. Naisip kong, magtingin-tingin na muna at maglakad-lakad. Kaysa naman ro’n lang ako nakatayo? Baka matabunan pa ako nang mga tao roon dahil sa rami nila at nakaka bored rin kaya. Mukhang matatagalan rin kasi si Rei. Sa rami ba naman ng tao.
Habang abala ako sa paglalakad-lakad. Isang lalaki naman ang nasagi ko. Sa gulat ko ay agad ko siyang hinarap.
“Sorry po!” paghingi ko naman nang tawad sa kaniya. Pero wala man lang siyang naging reaksyon.
Napatingin lang siya sandali sa akin. Ang weird? Binigyan ko na lang siya nang alanganing ngiti. Kahit naka-cap siya at naka-shade. Tingin ko, mukha naman siyang hindi gagawa nang hindi kanais-nais. Nakayuko kasi siya eh. Bakit kaya? Napansin ko namang nahulog ‘yong panyo niya, kaya naman agad kong pinulot ko iyon.
“Ah, Kuya! Yung panyo n’yo po. Nahulog.” Pagkasabi kong ‘yon ay bigla na lang kaming nakarinig nang nagtatakbuhan.
Nakarinig naman kami nang mga nagtitilian. "Ayon siya!" rinig kong sigaw ng isang babae. Agad naman kaming napalingon roon at ikinagulat ko na lang dahil ang mga nagsisitabuhan palang mga babae ay sa amin patungo.
“What the!" singhal niya. Ngunit hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari. Namilog na lang ang mga mata ko, dahil bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at saka siya tumakbo, tangay-tangay ako.
Sa gulat ko ay hindi ko na magawang makapag-react. Para naman kaming nasa isang shooting ng pelikula sa loob ng mall habang tumatakbo.
“T-Teka lang kuya! Bakit n’yo naman ako hinatak patakbo?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Miss, kapag iniwan kita ro’n. Tiyak kukuyugin ka ng mga fans ko!” Huh? Ano raw? Mga fans niya? Teka, sino ba siya? Sobrang sikat ba niya para habulin nang ganon?
“Teka, sino ka po ba kuya?” takang tanong ko pa, habang tumatakbo pa rin kami papalayo roon sa mga fans daw niya.
“Saka ko na sasabihin ‘pag nakalayo na tayo, miss. Pero sana tulungan mo muna akong makalayo rito. Tulungan mo akong makahanap nang masasakyan.”
Nang makalabas na rin kami sa wakas. Nagtago muna kami sa isang parang iskinita sa gilid ng mall, kung saan tambakan pala ng mga basura.
Naka sandal ako sa pader habang siya nasa harap ko at seryosong sinusuri ang buong paligid. Siguro tinitingnan niya kung wala na ‘yong mga fans daw niya.
“Tingin ko, wala na sila,” sabi niya at mukhang nakaramdam nang kaginhawaan saka ito humarap sa ‘kin.
“Ok, kuya. Baka pwede nang makalayas? Kasi naman baka hinahanap na ako ng kasama ko e.”
“Miss, last na lang. Ihanap mo naman muna ako ng puwede kong masakyan. Nagmamadali lang kasi ako ngayon.” Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa pabor niyang ‘yon.
“Akala mo ba ikaw lang ang nagmamadali? Kung hindi mo ako hinatak. Pauwi na sana ako. Pero dahil mabait ako. Sige, ihahanap kita nang masasakyan. Tutal mukha ka namang mabait e?” Naku! Pasalamat ang isang ‘to. kahit madaling-madali na akong makauwi ay tutulungan ko pa rin siya. Naku naman!
Nagsimula na akong maghanap ng taxi na puwede niyang masakyan. At salamat naman at mayroon agad akong nakita.
“Thanks, miss. By the way I'm, Calvin,” sabi niya sabay sakay roon sa loob ng taxi. Nakatingin lang ako sa taxi habang lumalayo na ito sa ‘kin.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko. “Calvin?”
------
If you like this story, support the author by sharing it!
KURO: Thank you for reading The Star and the Moon
Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27
Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi
Like my page:
www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial
Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section
⬇⬇⬇