UNTI-UNTI kong iminumulat ang aking mga mata, nang dahil sa ingay na naririnig ko. Ala-sais na nang umaga nang tingnan ko ang aking orasan. Agad ko namang sinagot 'yong kanina pa tumatawag sa cellphone ko. Antok na antok pa rin ako sa mga oras na iyon. Humikab pa ako, bago ko 'yon sagutin.
"Hello?" inaantok kong sagot.
"Good morning!" masayang bati nung nasa kabilang linya.
"Bakit?"
"Ay, ayaw mo yata akong makausap, eh." Bigla namang lumungkot yung boses nung nasa kabilang linya.
"Sorry, kakagising ko lang kasi. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko."
"Na istorbo ba kita? Sorry."
"Ah, hindi ok lang."
"Gano'n ba? Musta? nakatulog ka ba nang maayos, Yucy?" Agad ko namang tiningnan kung sino ba 'tong tumawag. Laking gulat ko naman nang malamang siya pala ang tumawatag. Ke-aga-aga namang tumawag nito?
"Ay, Calvin! Ikaw pala? Sorry, antok lang kasi ako kanina kaya hindi kita agad nakilala. Maayos naman ang tulog ko." Nakakahiya tuloy sa kaniya!
"Ok lang. Mabuti at maayos ang tulog mo."
"Masyado yatang maaga at napatawag ka? Nag-almusal ka na ba?" tanong ko naman.
"Yep, Ikaw ba? I know hindi pa. Kasi kakagising mo lang 'di ba?"
"Tama ka. Pero, hindi naman na 'ko nag-aalmusal. Kasi sanay na 'ko na hindi kumakain sa umaga."
"Bakit hindi? Masama 'yon! Dapat kumain ka. Mahalaga ang pagkain sa umaga," sabi niya na para kong kuya, kung magsalita.
"E kasi naman, laging wala Kapatid ko rito. Maagang umaalis ng bahay. Yung Papa at mama ko naman, na sa trabaho na rin. Wala akong kasabay. Saka nagtitipid din kasi ako. Hindi naman kasi kami mayaman." Ay bakit ko ba nasabi 'yon? Nakakahiya! Nalaman pa tuloy niya.
"Kahit na?! Kailangan mong kumain ng breakfast," pagpupumulit pa niya.
"Ok lang ako, don't mind me." natatawang sagot ko naman.
"No! Kailangan mo! Wait, what's your address?" tanong naman niya bigla.
"99 Zone Capitol, Brgy. Tibay Di Magiba, bakit?" agad kong sagot.
"Ok, thanks. Just wait! Tatawag lang ako para magpa-deliver ng pagkain r'yan, sa bahay n'yo. Kailangan ko na kasing umalis. Tatawagan kita mamaya."
"Teka, sandali! Nakakahiya! H'wag na sabi e!" Pero huli na ako. Pinatayan na niya ako. Napa-pout na lang ako at saka bumangon at nagtungo sa sala. Sabado naman ngayon, kaya wala kaming pasok.
Makalipas ang sampung minuto. Habang abala ako sa panunuod ng palabas sa tv. Bigla naman akong nakarinig nang kumakatok sa aming pintuan. Sino naman kaya 'yon? Lumapit ako sa pintuan para alamin kung sino 'yon. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang lalaking naka sumbrero na may hawak na plastic sa kanyang kamay.
"Delivery po," sabi ng delivery boy na nasa harap ko.
"Po? Hindi naman ako nagpapa-deliver nang kung ano, ah?" takang tanong ko naman.
"Ang sabi po kasi nang tumawag sa 'min. Dito raw sa address na ito ipa-deliver," sagot niya. Ikinagulat ko naman iyon.
"Pero, teka? Baka nagkakamali lang kayo? Wala akong pangbayad sa mga yan, eh."
"Kunin n'yo na lang po ito. Binayaran naman na nung nagpa-deliver sa 'min ang mga ito, eh," sabi pa nung delivery boy sabay abot nang mga pagkain.
"Sige po," sabi pa niya sabay sakay na sa motor n'ya at saka ito umalis. Ano'ng gagawin ko sa mga pagkaing ito? Grabe lang, pero gutom na rin ako, ah? Nang tignan ko kung ano ang laman ng plastic.
Namilog ang mga mata ko. Japanese food? Matagal ko nang gusto makatikim nito, a! Habang inilalapag ko na ang mga pagkain sa lamesa. Bigla namang tumunong yung phone ko. Nang aking tignan ay text message galing kay Calvin.
"Na deliver na ba r'yan yung mga pagkain? Pasensya na, ah! Japanese food pa ang napa-deliver ko. Hindi ko kasi, alam yung number ng ibang fastfood chain, e. But I hope u like it! Pakabusog ka, ah." - Calvin
Grabe! Nagpa-deliver pa talaga siya? Nakakahiya! Hindi naman kami gano'n ka close? Kakakilala lang namin nung isang araw, tapos ganito na? Agad ko naman siyang ni-reply-an upang magpasalamat.
Paano ko, kakain lahat 'to? Ang dami-rami, eh? Wala na rin akong nagawa kung hindi ang kainin ang mga ito. Sayang naman, eh 'di ba? Pero, infairness! masarap. Nang matapos ko nang lantakan yung mga pagkain. Yung ibang natira ay itinabi ko na muna sa ref namin, Nagtira na rin ako para kay papa, mama at sa kapatid ko.
Nabusog ako sa mga pagkain na pinadala ni, Calvin. Salamat talaga sa kanya. Nag-abala pa talaga siya? Ang sweet lang. Mayaman siguro siya?
KINABUKASAN "Class, dismissed," saad ng prof namin. Salamat naman, inaantok na kasi ako, sobra. Ewan ko ba? Hindi naman ako nagpuyat, eh?
"Yucy, gala tayo. Maaga pa naman, eh," pag-aaya ni, Rei sa akin. Pumayag naman na ako, tutal medyo maaga pa naman at wala akong masyadong gagawin sa bahay.
Matapos ang klase namin ay nagtungo na agad kami sa mall, gamit ang kotse ni, Rei.
"ANG cute nito, Yucy!" tuwang-tuwang sambit ni Rei sabay turo roon sa pink na stuff toy, sa may bilihan ng mga teddy bears atbp.
"Oo nga, kaso ang mahal," sabi ko habang pinagmamasdan iyon.
"Bibilhin ko," sabi ni Rei at agad niyang kinuha ang pink na stuff toy na gustong-gusto niya at saka nagtungo sa cashier.
"1,500 po Ma'am," sabi ng kahera. Nang matapos nang bayaran ni, Rei ang stuff toy niya ay lumabas na rin kami roon.
"Nabili ko rin. Ang cute-cute talaga niya!" sabi ni Rei habang yakap-yakap niya ang pink na stuff toy.
"Ang mahal nga, eh."
"Naku! Ok lang 'yon, Yucy. Ang mahalaga ay nabili ko na ito!" masayang saad niya. Palibhasa kasi mayaman siya. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang napunta kami sa movie section ng mall.
"Uy, Yucy! Look! Ang g'wapo talaga ni Calvin. Shet! kinikilig ako!" Napakunot-noo naman ako dahil sa oa na reaction niya.
"Saan?" tanong ko naman. Habang hinahanap ang, Calivin na sinasabi niya.
"Ayon o!" sabi niya sabay turo sa may left side corner ng cinema at saka niya ako dinala ro'n. Pero nang makita ko ay nagsalubong agad ang mga kilay ko, dahil poster lang pala?! Akala ko siya na talaga!
"Showing na pala yung movie niya? Gusto ko mapanuod 'to!" Habang salita nang salita si, Rei sa tabi ko. Ako naman ay hindi maalis-alis ang tingin ko ro'n sa poster ng movie ni Calvin Li. Ang gwapo nga niya at sobrang sikat na artista. Habang nakatingin ako sa poster. Bigla namang nasagi sa isip ko si Calvin, yung friend ko. Sa cellphone nga lang. 'Di pa kasi kami nagkikita, eh.
Ano kaya itsura niya? Gwapo rin kaya siya tulad ni Calvin Li?
------
If you like this story, support the author by sharing it!
KURO: Thank you for reading The Star and the Moon
Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27
Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi
Like my page:
www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial
Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section
⬇⬇⬇