Classmate

1113 Words
MAKALIPAS ang isang linggong. Pagtatawagan namin ni Calvin sa cellphone. Feeling ko, kilala ko na siya. Yung tipong parang matagal na talaga kayong magkakila.           Habang abala kaming lahat sa pagsusulat. May taong bigla namang pumasok sa class room namin.                Napalingon naman ang prof namin sa kanya at napatayo. Isang lalaking kulay bleach ang buhok at nakasuot pa ng mouth mask.           “Class, siya pala ang nalipat dito. Section 1103 siya galing,” saad lang ng professor namin. Nakarinig naman ako ng bulong bulungan sa room. May pagka-weird kasi yung bagong classmate raw namin e. Nagkaroon kasi ng lipatan sa school. Swerte nga namin ni Rei dahil hindi kami nasama sa lilipat. Mananatili na kami eito sa section namin.            “Upo ka na, iho,” sabi ng prof namin sa kanya. Umupo naman na siya sa likod namin malapit sa may bintana. Doon na lang kasi ang bakante.           “Class, Continue what you're doing!" sigaw ng prof namin. Halos lahat kasi ay nakatuon ang atensyon roon sa bagong classmate namin. Maging ako at si Rei.           “Uy, Ang weird niya ‘no? Biruin mo, nakasuot pa ng mouth mask? Mabaho siguro hininga,” bulong naman ni Rei sa ‘kin. Agad ko naman siyang siniko.           “Magsulat na lang tayo. Baka mapagalitan pa tayo ni Sir," pabulong kong sabi. Bumalik naman na siya sa pagsusulat. Sumulyap pa ako sandali roon sa lalaki saka ako nagpatuloy rin sa pagsusulat. 6 hours later “CLASS, we have a presentation next week. I’ll be pairing you by two. So, before you go out. I will announce who will be your partners.” In-announce na ng prof namin kung sino ang magiging kapareha namin sa presentation about sa iba’t ibang uri ng computer next week. Sa kasamaang palad, hindi si, Rei ang naging partner ko. Si kuyang bagong salta ang ka-partner ko sa presentation.           “I assume na maganda ang presentation n’yo. Ayoko nang puchu-puchu lang at hindi pinaghandaan, dahil marami akong nakahandang mga tanong, ok? Class dissmised,” sabi pa ng prof namin at kami'y nagsi-ayos na.           “Yucy, sayang hindi tayo ang partners,” nanghihinayang na sabi ni, Rei.           “Ok lang ‘yan Rei. Ay, teka! Kakausapin ko lang muna yung partner ko.” Tumango lang sa akin si, Rei at saka ako nagtungo sa partner ko. Nag-aayos siya nang mga gamit niya nang lapitan ko siya.           “A, kuya. Ikaw po partner ko ‘di ba? Ano po bang plano natin about sa presentation next week?” tanong ko sa kanya. Tinignan lang niya ako. Napakunot-noo naman ako nang may sinulat siya sa kaniyang papel at pagkatapos ay pinakita niya ito sa akin.           ‘Tomorrow at 9 am. Meet me in the coffee shop, near at our school.’           Sandali akong natulala sa papel niyang hawak. Teka? Pipe ba siya?           “Ok, sige,” sabi ko na lang at ngumiti sa kanya. Umalis na rin ako at lumabas na nang room kasabay si Rei.           “Ano’ng sabi?” tanong naman ni Rei habang palabas na kami ng class room.           “Bukas nang umaga na lang daw. Magkikita kami sa coffee shop malapit sa school,” sagot ko. Hindi ko na lang sinabi na sinulat lang niya sa papel ang tugon nito sa akin.            Nang makauwi na ako ng aming bahay. Nasa kuwarto lang ako, nakaupo sa may bintana habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Nakatuon naman ang mga mata ko sa buwan.            “Ang ganda talaga ng buwan at napakaliwanag pa,” wika ko. Kita ko ang laki ng buwan at ang bituin na malapit dito. Nakakatuwang pagmasdan, dahil Magkatabi sila.               Habang abala ako sa pagtanaw sa kalangitan. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Otomatiko akong napangiti nang makita kung sino ang tumatawag sa akin.           “Hello,” masayang sambit ko nang sagutin ko ang tawag niya.           “Good evening, how's your day?” Masaya naman niyang tanong sa akin.           “Ok naman, may bago nga kaming classmate. Alam mo? Ang weird niya,” pagku-kuwento ko naman sa kanya.           “Bakit mo naman nasabing weird yung bago ninyong classmate?”           “Kulay bleach ‘yong buhok niya. Tapos naka mouth mask pa siya. Kanina nga, kinausap ko siya. Pero sinagot lang niya ako gamit ang papel at ballpen,” kuwento ko pa.           “Gano’n ba? Napaka weird naman pala ng bago ninyong classmate,” kumento naman niya.           “Oo nga e. Pero wait! Gusto ko na kasing makilala ka sa personal. Kailan ka ba pwede?” biglang tanong ko naman sa kaniya.           “Soon, Yucy. We'll met soon. Trust me,” sagot niya. Gano’n? Soon pa?           “Ok,” nasabi ko na lang.           “Sige, goodnight na. Kailangan ko na kasing magpahinga. Tinawagan lang kita para kumustahin ka. Bye,” sabi niya. Ito na naman siya. Ang bilis magpaalam sa phone. Nag-goodnight na lang din ako sa kanya. At saka ako nahiga sa kama. **** KINABUKASAN. Oras nang pagkikita namin ng partner ko. Pumasok ako sa isang coffee shop na pagkikitaan raw namin. Natanaw ko naman na siyang nakaupo sa dulo ng coffee shop. Gaya kahapon. Naka mouth mask pa rin siya. Kanina pa kaya siya? Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan niya at naupo.            “Sorry sa paghihintay. Kanina ka pa ba?” tanong ko. Umiling lang siya. Napatango na lang ako sa kanya. Weird pa rin talaga siya para sa ‘kin. Medyo naiilang lang ako sa kanya, sa totoo lang.            “Sandali! Bakit pala hindi ka nagsasalita? Pipe ka ba?” diretsong tanong ko sa kanya. Kumuha naman siya ng papel at ballpen sa bag niya. Gaya nang ginawa niya kahapon, isinulat niyang muli roon ang sagot niya sa akin at saka niya iyon ipinakita.           ‘I just want to hide my voice. I preper myself to use paper and pen for communication.’           Gano'n? So hindi talaga siya pipe? Na-curios tuloy ako bigla.           “Bakit naman?” tanong ko. Nagsimula ulit siyang magsulat sa papel at pinakita ito sa akin.           ‘Sorry But, I can't tell you. It’s a serious matter.’           Kaloka naman itong si kuya. Pa-mysterious ang peg!           “Sige, mag-umpisa na lang tayo,” nasabi ko nalang. He’s really weird. But, why do I have this feeling na, gusto ko pa siyang makilala? ------ If you like this story, support the author by sharing it! KURO: Thank you for reading The Star and the Moon Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27 Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi Like my page: www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section                          ⬇⬇⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD