Feelings

1111 Words
DUMATING na ang araw nang presentation namin at kinakabahan ako. Baka kasi pumalpak kami e. Pero may tiwala naman ako sa partner ko. Halos siya na nga ang gumawa, eh. Kaunti lang natulong ko.           Nagsimula na kaming mag present ng presentation namin. Siya ang gumawa ng powerpoint. Ako naman ang bahala sa explanation. Kasi nga, hindi naman siya nagsasalita ‘di ba? So, after nang mahabahabang pagsasalita ko sa harap. Naging maayos naman at walang palya.           Pero sa isang tanong ni Sir ako nahirapan. Wala akong maisagot. Pero buti na lang tinulungan ako ni Kuya. Ang haba nga lang nang sinulat niya. Pagkatapos namin ay bigla kaming pinalakpakan ng Prof namin. Grabe yung pawis ko, malamig. Pero si kuya parang wala lang sa kanya. Sanay na siguro siya humarap sa maraming tao. Natapos naman ang klase namin nang maayos.           “Ang galing n’yo kanina a!” masayang saad ni, Rei habang palabas kami ng room.           “Kayo rin naman e,” ngiting saad ko sa kanya. Naabutan naman namin si Kuya na palabas na rin ng room.           “Wait! Kuyang may mouth mask!” pagtawag naman ni Rei sa kanya. Agad naman niya kaming nilingon.           “Gusto mong sumama sa ‘min gagala kami sa mall, kakain na rin. Ano sama ka?” paanyaya ni Rei sa kaniya.            “Hoy, ano ka ba Rei!” sabi ko at agad hinawan si Rei sa kaniyang braso. Nakakahiya kasi, eh.            “Ano ka ba! Ok lang ‘yan, Yucy. Saka celebrate na rin tayo kasi nagawa nating maka-survive sa presentation ‘di ba? Treat ko naman e,” paliwanag niya. Tiningnan ko naman si kuya na kanina pang nakatingin sa amin.           “Ok lang sayo?”tanong ko naman sa kaniya, tumango lang siya sa akin bilang tugon. **** NAGTUNGO kami sa may palaruan ng mall. Si Rei lahat ang gumastos. Naglaro lang kami nang naglaro. Naglaro ako ng basketball habang si, Rei naman ay kumakanta sa may karaoke. Si kuya naman nakaupo lang sa isang tabi. Pinapanuod lang akong maglaro. Hindi naman ako makapag-focus dahil naiilang ako habang pinapanood niya ako. Panay pa nga ang sulyap ko sa kaniya.            Nang matapos ako ay lumapit ako sa kaniyang puwesto.           “Kuya, hindi ka ba maglalaro?” tanong ko. Umiling lang siya sa akin. Natapos na rin kumanta si, Rei at saka siya nagtungo sa puwesto namin.           “Tara! Kain na tayo,” Pag-aaya ni Rei. Nahihiya naman akong sumagot, dahil wala akong pera.           “Ano ka ba, Yucy! Sagot ko naman e! Kaya, halika na! Kumain na tayo at nagugutom na ako.” Hindi na kami nakasagot dahil bigla na lang niya kaming hinila. **** SA kfc kami pumunta. Habang nasa counter naman si Rei para um-order. Kami naman ni Kuya, tahimik lang at walang kibo. Nakakailang kasi, dahil magkaharap kami sa lamesa. Mayamaya lang ay naisipan ko na ring kausapin siya, para na rin mabasag ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.           “Kuya, ano palang pangalan mo?” tanong ko. Hindi kasi binabanggit ni Sir ang pangalan niya. Ewan ko rin kung bakit? Naglabas lang ulit siya ng papel at ballpen.           ‘You'll know it, soon. But for now. I cannot tell you. Sorry’           Heto na naman siya. Pa-mysterious type. Masyado talagang nakaka-intriga ang pagkatao niya. May tinatago kaya siya?           “Ok?” sabi ko na lang.           Dumating naman na si Rei dala ang mga pagkaing in-order niya. Agad naman akong tumayo para tulungan siya. **** NANG matapos kami sa pagkain ay umuwi na rin kami. Na una na si Rei sa amin, dahil may pupuntahan pa raw siya. Samantalang kami ni Kuya ang naiwan.           Naghihintay kami nang masasakyan. Ilang minuto lang ang nakalipas ay may parating naring bus akong natatanaw.           “Kuya, sasabay ka ba sa ‘kin?” tanong ko. Umiling lang siya.           “Sige. Ingat na lang, bye!” sabi ko sa kanya at saka ako tumalikod upang antayin ‘yong bus na parating.           Sandali pa’y bigla namang may kumalabit sa akin. At nang aking lingunin ay si kuyang naka-mask lang pala. Hawak niya ang kaniyang touch screen phone at may nakasulat pang. ‘Thank you, Yucy :)’           Ipinagtaka ko naman iyon.           “Thank you, para saan?” Nagsimula naman ulit siyang mag-type sa cellphone niya at saka ito ipinakita sa akin.           ‘I just want to thank you, for understanding me. Also, for being nice.’          “A! Ayun ba? Naku! Walang anuman,” ngiting tugon ko sa kaniya. Narinig ko naman, na yung bus kaya agad na rin akong nagpaalam sa kanya. Naupo ako sa tabi ng bintana. Sinulyapan ko pa siya ang kumaway sa kanya. Kumaway rin siya sa akin, habang umaandar na yung bus.           **** KINAGABIHAN. Pagulong-gulong ako sa kama,.dahip hindi ako makatulog, nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko ay tawag mula kay Calvin.           “Hi!” bati ko sa kanya.           “Hello, Yucy! Kumusta?” masayang tanong naman niya.           “Mabuti naman. Ikaw ba?” ngiting tugon ko.           “Mabuti rin naman.” ramdam ko naman ang saya sa boses niya.           “Mukhang masaya ka yata, ah?”             “Gano’n? Nahalata mo,” sabay tawa nito.           “Oo! Sa tono pa lang kasi nang pananalita mo e. Bakit? may nangyari bang maganda sa ‘yo?” tanong ko.           “Hmm... Actually? Oo.”           “Talaga? Bakit naman?” pag-uusisa ko pa.           “Nakasama ko kasi kanina yung babaeng nagugustuhan ko,” masaya niyang sagot. Bigla naman akong natigilan nang hindi ko alam. Bakit pakiramdam ko, may kumirot?           “Yucy? Still there?" Natauhan naman ako bigla.           “A, oo! Pasensya ka na. May kinuha lang kasi,” palusot ko. Bakit gano’n? Sa halos araw-araw naming pagtatawagan. Parang gumaan na yung loob ko sa kanya.             Nakararamdam ako nang saya kapag magkausap kami. Pero, ngayon. May kung ano na akong nararamdaman. At hindi ko iyon gusto.           “Gano’n ba. Kumusta pala study?” tanong niya pa.           “Ok naman. Sige, Calvin. Sa susunod na lang ulit. Antok na kasi ako, eh,” sabi ko. Sa ngayon, ako naman ang unang magpapaalam.           “Sige. Good night, Yucy!” Hindi na ako nakapag-good night too sa kanya, dahil agad ko rin siyang pinatayan.            Ano ba ‘tong nararamdaman ko? May gusto na ba ako sa kanya? ------ If you like this story, support the author by sharing it! KURO: Thank you for reading The Star and the Moon Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27 Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi Like my page: www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section                          ⬇⬇⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD