Meet him

1274 Words
LUMIPAS pa ang isang linggo. Araw nang martes, pakiramdam ko ang tamlay-tamlay ko. Isang linggo rin kaming hindi nakakapag-usap ni Calvin. Busy raw kasi siya. Ang huling pag-uusap namin ay iyong nakaraang gabi na sinabi niya ang tungkol sa babaeng nagugustuhan niya.           Hanggang ngayon, may epekto pa rin ‘yon sa akin. Si Rei na naman. Si kuyang may mask naman. Isang linggo ring absent. Mabuti at nakapasok na siya ngayon. Habang tulala ako, bigla namang may bumungad na papel sa mukha ko.           ‘Why are you sad?’           Nang mabasa ko iyon ay agad akong napatingin sa kanya.           “A, wala. Absent kasi si Rei.” Nagsulat naman ulit siya sa papel na hawak niya.           ‘Is there something else that’s bothering you?’           Tumingin naman ako nang alanganin sa kanya. “H’wag mo na lang akong intindihin. Ayos lang naman ako,” sagot ko. Nagsulat ulit siya sa papel na hawak niya at ipinakita iyon sa ‘kin.           ‘You can tell me the story. I will listen. Don’t worry. I won’t judge.’             Medyo nakakatuwa ‘tong si kuya. Usisero rin e? Pero dahil magkaibigan na rin kami, I think? Sasabihin ko na. Umuupo naman siya sa tabi ko at  nagsimula na akong magkuwento sa kanya.           “Hindi ko alam, kung bakit bigla na lang akong nakaramdam nang gano’n? Ewan ko ba? No’ng sabihin niya sa akin ang tungkol sa babaeng nagugustuhan niya. Parang nasasaktan ako na nagseselos.”           Nagsimula naman ulit siyang magsulat sa papel pagkatapos ay ipinakita niya ito sa ‘kin.          ‘You’re in love to that person, I think.’           Nagulat ako sa sinulat niya. Gano’n nga ba talaga? In love na ako sa kanya?           “Pero, hindi ko pa siya nakikita at lubos na kilala. Sa cellphone lang kami nagkakilala,” sabi ko. Nagsimula ulit siyang magsulat.           ‘Love is such an outrageous feeling. They can routine our heart up and down. Can make people dumb. Love has no limit, even if you are far from each other. Love doesn’t need a requirements and a reasons. Because we use our heart, not our eyes.’           Dinugo yata ang mata ko sa nabasa ko. Tama nga naman siya, hindi ko akalain na may mga ganyan siyang alam.           “Ano bang dapat kong gawin?” tanong ko. Nagsimula na naman siyang magsulat sa kaniyang papel.           ‘Just listen to your heart.’           Napangiti ako sa sagot niya. May pagka-love expert siya? Siguro naranasan na rin niya ‘yong mga ganito.           “Salamat sa pakikinig sa walang k’wenta kong problema kuya,” ngiting sabi ko. Nagsimula na naman siyang magsulat sa papel niya.           ‘Do you want to come with me, after class? I have something that I wanted you, to see. But It’s ok if you don’t want to come.’           Wala naman akong gagawin mamaya. Saka wala sa bahay sila Mama at papa. Si ate naman mamayang gabi pa uuwi.           “Sige, gusto ko,” ngiting sagot ko. **** MAKALIPAS lamang nang anim na oras, Gaya nang usapan namin ni kuyang may mask. Pupunta kami sa lugar na ipapakita raw niya sa ‘kin.           Sa labas ng school. May motor akong natanaw. Huminto naman kami roon.           “Sa ‘yo ba ‘yan?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at sumakay na roon sa motor. Nakatayo lang ako, kasi nagdadalawang isip akong sumakay dahil takot ako sa motor. Tiningnan naman niya ako at binigyan nang sasakay ka ba? look. Bigla naman akong natauhan.           “A, sorry!,” Kinuha ko naman na yung helmet at ako saka sumakay sa likod niya. Medyo kinakabahan ako, natatakot kasi ako, baka mahulog ako sa motor niya. Binigyan naman niya ako ng “Ok.” sign at saka niya iyon pinaandar. Bigla naman akong napahawak nang mahigpit sa kaniyang beywang, upang masiguro kong hindi ako malalaglag.           Makalipas ang halos kalahating oras na byahe namin ay nakarating na rin kami sa lugar na sinasabi niya.           Dinala niya ako sa isang valley. Napaka-ganda ng lugar na ‘yon. Maraming mga bulaklak. Green na green ang kulay ng mga damo sa buong field. At may mga malalaking puno ‘rin roon. Parang paraiso na nga ito sa aking paningin.           “Wow! Kuya, ang ganda naman rito!” manghang-manghang sabi ko habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Pinakita naman niya ang kaniyang cellphone na may nakasulat na. ‘Do you like it?’            Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. At muling ibinaling ang aking atensyon sa buong paligid.            Tumakbo ako nang bahagya papunta sa may malaking puno. Nang marating ko iyon, natanaw ko naman ang isang ilog na malapit doon. May mga nagliliparan pang mga ibon.            Habang manghang-mangha ako sa buong paligid ay bigla namang tumunog yung cellphone ko. Nang tignan ko ay, incoming call from Calvin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya. Nami-miss ko na rin naman siya, dahil isang linggo rin ang nakalipas, at ngayon. Tumatawag na siya. Napabuntong hininga pa ako, bago ko iyon sagutin.           “Hello?” sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya.           “Hi, Yucy! How are you?” tanong naman niya.           “Ok naman ako, Calvin. Ikaw? Kumusta na?” Medyo kinakabahan ako. Heto na naman kasi yung puso ko. Ang bilis nang t***k.            “I’m good, nga pala. ‘Di ba gusto mo na akong makita? Magkita tayo ngayon.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ngayon? Paano ‘to? Kasama ko si kuyang naka-mask. Saka, nakakahiya kung basta na lang akong aalis at iwan siya.           “Ngayon?” pag-uulit ko.           “Yes. Why? Ayaw mo ba?”           “A, hindi naman--” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.           “Gusto ko nang magpakita sa ‘yo, Yucy. Gusto ko nang makilala mo ako.” Sandali akong natigilan. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil nagrarambol na yung isip ko.           “Yucy? Still there?”           “A, oo, Calvin.” Natauhan ako naman ako. Pero bakit parang nine-nerbiyos ako?           “Yucy, I‘m here.”           “Huh? Ano, Calvin? You’re here? Pero, paano mo--” Hindi ko na ulit natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit.           “Yes, I’m here Yucy. Tumalikod ka at makikita mo ako,” sabi niya. Pero, ano raw? Tumalikod ako?           “Ano’ng ibig mong sabihin? Nandito ka? As in? Pero paano mo nalaman kung nasaan ako?” naguguluhan kong tanong sa kanya.           “Basta, Yucy. Tumalikod ka at makikita mo ako.” Sinunod ko ang sinabi niya. Tumalikod ako na nga ako. Pero nang tumalikod ako ay ikinagulat ko ang nakita ko. Siya? Pero paano naging siya?           “Calvin?” sambit ko. Naguguluhan ako. Bakit si kuyang may mask ang kaharap ko?           “Ikaw si Calvin?” hindi makapaniwalang tanong ko. May hawak siyang cellphone at nakadikit pa sa tenga niya iyon, hanggang ngayon. Maging ako nakadikit pa rin sa tenga ko ang cellphone ko.           “Yes, Yucy. I’m Calvin.” At sa puntong iyon. Mas lalo kong ikinagulat ang isiniwalat niya. Hindi nga? Siya si Calvin? Si kuyang may mouth mask ay si, Calvin?! ------ If you like this story, support the author by sharing it! KURO: Thank you for reading The Star and the Moon Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27 Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi Like my page: www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section                          ⬇⬇⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD