I love you

966 Words
HINDI ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Paanong nangyaring si kuyang may mask ay si Calvin?           Magkatinginan lang kami sa isa’t isa. Nang bigla niyang tanggalin ang kaniyang mouth mask.          “Yucy,” sambit niya. Ikinagulat ko naman ‘yon.          “Ikaw nga ba talaga si Calvin?” Tumango lang siya sa ‘kin. Bigla naman akong nakaramdam nang hiya. Pakiramdam ko ay umiinit ang mga pisngi ko. Bigla akong na speechless sa kanya.           Dahan-dahan siyang lumapit sa ‘kin at hinawakan ang pisngi kong pulang-pula na para ng kamatis. Napahakbang naman ako dahil do’n.           “Matagal mo na ba akong kilala?”            Tumango lang ito sa akin.          “As in?” hindi makapaniwalang sambit ko “Pero, kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na ikaw si Calvin! Nakakahiya! Nasabi ko pa tuloy sa ‘yo ‘yon!” Agad ko namang tinakpan ang mukha ko, dahil hiyang-hiya talaga ako sa kanya. Sandali pa’y nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.           Yung puso ko. Bumibilis na naman yung t***k.          “Habang, mag-isa akong nakaupo sa may damuhan. Nakita kitang nagbi-bisekleta. Iyon ang unang beses na nakita ko ang masayahin mong mukha, bago ka pumasok. At mula no’n. Lagi na kitang inaabangan roon. Sa kagustuhan kong, makilala ka. Naisipan kong mag-iwan ng papel na may number ko, roon sa lagi mong pinagpa-park-an ng bike mo. At hindi nga ako nabigo, dahil nakuha mo iyon.” Halos hindi ako makapaniwala sa mga ikuwinento niya sa akin.  Kumalas naman na siya, mula sa pagkakayakap sa ‘kin.           “I-Ikaw, ‘yon?” hindi makapaniwalang sambit ko at halos hindi na rin ako makapagsalita dahil mga nalaman ko. Nginitian naman niya ako.           “Yung ikuwinento ko sa ‘yo noon na babaeng nagugustuhan ko?” Lumapit naman siya nang bahagya sa akin. “Ikaw ‘yon Yucy,” Dugtong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang ‘yon. Yung pakiramdam na gulat na gulat ka sa mga nalaman mo.            “P-Paanong ako?" nauutal kong tanong.           “Kailangan ba may rason para sabihin ko sayong, gusto kita?” seryosong tanong niya sa ‘kin.           “Oo naman!” nahihiya kong sagot. Napatitig naman ako sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na, ang amo ng mukha niya. Wala na kasi siyang suot na mouth mask. Ang tangos ng kaniyang ilong. May mahaba siyang pilikmata. Medyo makapal na kilay at pinkish na labi.           “Kung minsan. Hindi kailangan nang dahilan para mahalin mo ang isang tao. Dahil kusa mo na lang itong mararamdaman,” sabi niya. Ito na naman siya sa mga word of the day niya.            “Yucy, mahal kita,” dugtong niya pa, habang nakatingin sa akin nang seryoso. Hindi naman ako makapaniwala sa nangyayari. Parang panaginip lang ang lahat ng ito? Naramdaman ko naman na hinaplos niya ay mukha ko at pinahiran ang mga luhang, lumalabas sa mga mata ko.           “Bakit ka umiiyak?”           “Wala, wala lang. Masaya lang kasi ako.” Hindi ko naman mapigilang maluha sa mga oras na ‘yon.           “H’wag ka nang umiyak.” Hinawakan naman niya ang kamay ko. Tumango lang ako sa kanya habang pinupunasan yung luha ko.                “Mahal mo rin ba ako, Yucy?” Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata, bago ako sumagot.            “Mahal din kita, Calvin,” sagot ko habang ang mga luha ko’y bumabagsak sa aking pisngi.           “Kahit hindi pa kita nakikita noon. Sa bawat araw na, nagkakausap tayo sa cellphone. Unti-unting nahuhulog ang loob ko sa ‘yo. No’ng una nga, akala ko baliw ka. Kasi nag-iwan ka pa ng papel sa may parking area kung sa’n ko napulot yung number mo. At no’ng kinausap nga kita sa problema ko. Na-realize ko na Mahal na nga kita. Parang ewan lang ‘no? Nagkagusto ako sa taong, nakilala ko lang sa cellphone,” sabi ko pa.           Nag-uumapaw ang kasiyahang nararamdaman ko. Para ngang, wala nang mapaglalagyan, eh.           “Walang schedule sa pag-ibig. Kung sino man ang tamaan nito. Nakikita mo man o hindi, malayo man o malapit. Sa mundong ito, Yucy. Laging may plano ang Diyos para sa atin. At isa na sa pinakamagandang planong ‘yon ay ang ibinigay ka niya sa ‘kin.” Hindi ko naman maiwasang kiligin sa kanya. Napaka-romantiko niyang tao, lagi niya pa akong napapangiti. Sana hindi na matapos ang araw na ‘to para sa amin. **** ISANG oras ang nakalipas. Hindi pa rin kami nakakaalis dito. Gusto pa kasi namin na ma-enjoy ang araw na ito na, magkasama. Nakaupo lang kami sa lilim ng isang malaking puno. Habang nakasandal ang ulo ko sa kaniyang balikat.           “Calvin. Simula ba ngayon, hindi ka na magsusuot ng mouth mask?” bigla kong tanong sa kaniya, habang nakatanaw lang kami sa buong paligid.           “Kailangan ko pang suotin ito.” Inalis ko naman ang ulo ko, mula sa pagkakasandal sa kanyang balikat at saka ko siya, hinarap.           “Bakit naman?” takang tanong ko.           “Hindi ko pa masasabi ngayon sa ‘yo. Katulad nga nang sinabi ko sa ‘yo noon. Masyadong komplikado,” seryoso nitong sagot.           “Ok.” Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko naman ugali na mamilit, eh. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsasabi.           Sa ngayon. E-enjoy-in na lang namin ang araw nato nang magkasama. ------ If you like this story, support the author by sharing it! KURO: Thank you for reading The Star and the Moon Follow me on twitter @Kuro_Ishi_27 Add or follow me on f*******:: Kuro Ishi Like my page: www.facebook.com/KuroIshiWPOfficial Are you into this story? Let me know by dropping some comments/Feedbacks in the comment section                          ⬇⬇⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD