"Kulot! Sabihin mo nga sa'kin---ano ba talaga ang dahilan kung bakit sa lahat ng pwedeng lokohin ay ang Mama ko pa ang napili mo?!" Maagang singhal niya sa akin. Kakarating niya lang at dumiretso agad siya sa akin.
Nanahimik akong nakaupo sa upuan namin. Hindi ako nagpakita ng paki sa mga sinasabi niya.
"Ano? Hindi ka kikibo?! Baka gusto mong sabihin ko sa mga classmates natin na manloloko ka!" Hamon niya.
Ang lapit na naman ng mukha niya sa akin. Sinasadya yata niyang ipaamoy ang kaniyang hininga.
Napakuyom ako ng palad sa tuwing naiisip ko ang pagsisinungaling ko. Ayoko ng maagang gulo kaya I'll hold myself until I can. Ayoko siyang sagutin kung maaari.
"Bro, ang aga ng LQ niyo ah!" Someone interrupted.
Napatingin ako sa nagsalita.
"Doon ka nga muna sa kapatid mo, Moon. Nag-uusap pa kami eh!" Naiinis na taboy ni Brian.
The guy raised his hands like surrendering at kusang umalis. I followed him through my eyeballs. Natatawa ito habang sinasandal ang bag sa gilid ng kambal niya.
"Ano? Magbibingi-bingihan ka na lang?"
Napabaling ulit ako sa kaniya ng hilahin niya pataas ang collar ng uniform ko. Sumunod tuloy ang dibdib ko.
"Gusto mo talagang makipaglaro? Sige! Sasamahan kita!"
His eyes almost strike my soul. Parang ayoko siyang titigan.
However, I have to remain strong dahil kapag nagpadala ako, baka ako rin ang isusunod niya sa mga na-bully niya. I gulped many times habang namimilog ang mga mata ko dahil ang ang labi ko na naman ang malapit sa labi niya.
Biglang pumasok ang adviser namin. I thank God!
He pushed me away at umupo sa tabi ko.
Nakahinga ako ng maluwag kahit kuyom pa rin ang palad ko.
I have to avoid every bait that may trigger my patience. Kapag pumalag ako alam ko na ako lang ang matatalo. Akala ko makakatakas na ako pero may plano pa pala siyang hindi ko inaasahan.
Pinaayos kami ng upo ni ma'am dahil magsisimula na raw ang klase. Napansin ko ang pagsunod niya sa utos ni ma'am. He seems calm. Ngunit, kung saan tahimik na ang lahat ay siya namang tumayo si Brian.
"Ma'am? Pwede po bang magsalita? May ipagtatapat lang po ako sa inyo tungkol dito kay kulot!"
Itinuro niya ako. Our classmates eyes are on me. Napakisap-mata ako habang dinig ko ang lakas ng t***k ng puso ko. My kness are also trembling.
Is he really going to tell them the truth?
Tumingin si Ma'am sa amin.
"Is that really important to delay our class Mr. Salcedo?"
He smirked at me. "Sobrang importante ma'am!"
I breathe a little. Mukhang sasabihin niya nga talaga ang totoo.The way he looks at me hindi niya talaga ako hahayaang magpatuloy sa pag-tutor.
"Then, spill it! Just make sure na importante talaga 'yan dahil baka nagrarason ka lang at tinatamad ka sa klase ko!" Ani ma'am.
"Bakit ko naman gagawin 'yon ma'am?"
"Exactly! My point. Now, what is it that you wanted us to know?"
"Alam niyo kasi itong si kulot a.k.a Soledo ma'am ay man---"
"Crush ko po siya ma"am!" Nakapikit na sigaw ko.
Nakakapit ang daliri ko sa palda ng aking uniporme. Nakatayo na rin ako gaya niya. I never know what urge me to say that thing. But, it's too late to take it back now.
"What the heck!" Rinig kong mura niya.
Dinig ko ang hiyawan ng mga kaklase namin.
"Yieeeh! Uy! May loveteam na tayo. Brian and Cassandra. Brindra Brindra! Brindra!" Ring kong tukso ng isa sa kaklase kong bakla.
Napamulat ako ng mata. Lahat ng classmate namin ay tuwang-tuwa.
Kinikilig ang mga letse!
Ang iba naman ay natulala. Maliban na lang kay Randy na kakapasok lang.
"Quiet!" Sigaw ni ma'am.
Nagtigil naman silang lahat.
"Is this what you are going to tell us Mr. Salcedo? Akala ko pa naman masyadong importante. Ikaw naman Miss Soledo---confess after the class hindi iyong pinagsisigawan mo pa rito sa klase ko. Now, settle down! This time I won't take any delays."
"P-pero ma'am." Salungat ni Brian.
Pursigido talaga ang loko.
"Wala ng pero-pero Mr. Salcedo! Take your seats dahil mag-uumpisa na tayo!" Sigaw ni ma'am.
Kagat labi na sinuntok niya ng marahan ang desk naming dalawa. Wala siyang nagawa kung hindi ay sundin si ma'am.
"Tingan natin kung hanggang saan ang swerte mo!" aniya at ibinaling na ang tingin sa harap.
I heave a deep sigh.
Ano ba kasi 'tong pinasok ko?
Akala ko tatahimik na siya pero muli siyang nagsalita,"Nakalusot ka ngayon pero huwag kang mag-aalala dahil malalaman din nila ang totoo. Kakalat ang totoo bago mo pa man malaman!"
Napilitan na akong harapin siya.
"Then, go spread it!" Hamon ko sa kaniya. Then, hit him with a fake smile.
"Sure!" aniya.
Parang may apoy na namagitan sa amin at naging laser ang aming mga mata.
"Nakalimutan mo yatang nasa'kin pa rin ang litrato mo? Gusto mo yatang malaman ng Mama mo ang totoo?! And as far as what I heard yesterday kapag nalaman niya na nakipag-away ka. She will definitely send you to the province! You don't want that to happen, right?"
Gumuhit ang inis sa mukha niya. "Sino ka ba talaga sa tingin mo ha?! Nagkamali ka ng kinalaban! Tandaan mo 'yan Soledo! I'll will not make life easy for you!"
"Is that a threat? Well, I'm not like others around here na matatakot sa talim ng dila mo! I will defend myself as long as I can! Tandaan mo rin 'yan!"
He gritted his teeth while I arched my left eyebrows.
Just like that--kaniya-kaniya naming iniwasan ang isa't isa.
--Hours Later--
Nagbell na rin sa wakas!
Mabilis kong nilisan ang upuan ko dahil baka bantaan na naman ako ng asungot na'yon.
Pinuntahan ko si Randy.
"Rands, sabay na tayo maglunch?" Aya ko sa kaniya. Tumayo siya at binitbit ang gamit niya.
"Hindi ka ba sasabay sa crush mo?" Tanong niya.
I burst in laughter.
"What's funny?" Tanong niya at inayos ang suot niyang glasses.
I saw some dirt kaya kinuha ko muna ang glasses niya at ipinunas sa uniform ko.
"Oh! Malinis na 'yan!" Inabot ko ito sa kaniya.
"T-thank you." Nahihiyang tinanggap niya ito.
"Anyway, hindi naman totoo 'yon eh! It's a long story. I'll tell you when we reached canteen."
He agreed.
"So, you are saying that he is the son of Miss Blessie?" Tanong niya nang masabi ko na ang lahat.
"Exactly!"
"Why didn't I knew that? Anyway, hindi mo naman kailangang magsinungaling para makuha ang trabaho. I know your capablilities."
I sighed. "Well, she wanted a college graduate. Rands iyon lang talaga ang kulang para makapasok ako. I have no choice but---to lie and fake my resume."
"You faked your resume?" Ulit niya.
Tumango-tango ako. Nalulungkot din ako sa ginawa ko.
"What are you thinking? We could have find another one." Sermon niya. "Sinabi mo sana sa'kin."
Napatitig ako sa kaniya. He's been my only friend sa lugar namin. Tahimik kasi siya gaya ko. Kaya nagkakasundo kami. His mom and Tatay are friends kaya kilalang-kilala siya ng Tatay ko.
I was about to tell him that it's fine nang masulyapan ko ang grayish spot sa ilalim ng mata niya and that glasses---it seems new. Ngayon ko lang na-notice.
"Wait, anong nangyari sa mukha mo?"
I touched that area in his face.
Kaagad naman niya pinigil ang kamay ko para hindi ko mahawakan ang parteng iyon.
"You changed your glasses? Kailan pa?"
He stared down. "Wala to! I-I tripped yesterday kaya natapon pati ang salamin ko. So, I asked mom to changed it for me." Muli siyang tumingin sa akin na parang naiilang.
"I see." Tipid na sagot ko. My gut feeling says that he is lying but, I never tried to further that topic. Nahahalata ko kasing ang pag-iwas niya.