bc

BadBoy Meets Badgirl

book_age16+
68
FOLLOW
1K
READ
manipulative
confident
student
twisted
sweet
bxg
campus
highschool
enimies to lovers
classmates
like
intro-logo
Blurb

Si Brian Salcedo ay sikat bilang bully sa kanilang school. Ultimo matitig ka lang sa kaniya at hindi niya nagustuhan--- tiyak bugbog sarado ka kaagad. Ganoon ka-liit ang kaniyang pasensiya.

Subalit, kahit gaano siya sigang-siga sa paaralan ay hinding-hindi siya makaporma sa kaniyang ina.

Hanggang sa may dumating na isang transferee, si Cassandra Soledo. Ang babaing mabait pero kayang-kaya ipagtanggol ang

kaniyang sarili.

Isang subject lang ang pinakaayaw ni Brian at ito ay English. Mababa ang grado niya rito kaya naisipan ng kaniyang Mama na mag-hire ng isang tutor. Subalit ang isa sa requirements niya para ma-hire ay dapat college student.

Nalaman na lang ni Brian na ang tutor niya ay ang kaniya ring classmate na si Cassandra. Ang babaing kapareho ng ugali ng Mama niya kaya ayaw niya rito.

Alam niya na pineke lang nito ang resume niya dahil high school pa lang sila. Sasabihin na sana ni Brian ang totoo sa kaniyang ina nang malaman niya na may hawak itong ebidensya--- litrato niya habang binubugbog ang kaniyang klasmeyt. Ginawa itong ebidensya ni Cassandra pang blackmail sa kaniya.

Hindi siya makapaniwala sa talino nito. Kaya nag-isip siya ng mga plano kung paano ito patalsikin bilang kaniyang tutor.

May mabubuo kayang pag-ibig sa pagitan ng dalawang hindi magkasundo? Paano nila papatunayan ang mga sarili para maging karapat-dapat sila sa isa't isa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Bully
Brian's POV "Ma, ano ba? Aray! Tama na!" Daing ko habang pinipigilang mapigtas ang kaliwang tenga ko. "Ano? Papasok ka na ba o pupunitin ko muna ang tenga mo?!" Sigang-siga na banta niya sa akin. Akala niya naman matatakot ako? Siyempre, kapag nawala ang isang tenga ko, bawas pogi points din sa mga babae sa school. Kaya wala talagang hinanakit sa loob ko na isinabit ko na sa balikat ang maroon na bag na kanina niya pa sa akin pinipilit isuot. Pinatay ko na ang t.v at tumayo. Kahit gusto ko pa sanang manuod ng cartoon movie na palabas ngayong umaga. Wala eh! Talo niya ako sa patigasan! Kahit ganito si Mama alam kong mahal niya ako. Kahit nakakagigil ang ugali niya minsan. Iniisip ko na lang na malaki ang ambag niya sa gwapong mukha ko kaya okay lang kahit saktan niya ako. "Mag-aral kang mabuti ha! Huwag kang tumulad sa tatay mong namatay lang na ang iniwan sa akin ay sama ng loob!" Pasigaw na paalala niya sa akin nang palabas na ako ng gate. Ang Papa ko? Wala na siya. Kaya si Mama ang talagang nagtaguyod sa akin mula bata pa. "Opo!" Sigaw ko pabalik habang isinasarado ang gate namin. Pak! Napaatras ako ng konti sa kinatatayuan ko. "Tang*na! Ang sakit mo sumuntok ah!" Pinahid ko ang bibig ko at puminta ang konting dugo sa harap ng hinlalaki ko. Nag-ipon ako ng laway sa loob ng bibig ko at ibinuga rin ito agad sa gilid. Lasang-lasa ko ang lansa ng dugo sa malamang punit na bibig ko. "Ako naman ngayon!" Mabilis kong kinuwelyuhan ang lalaking nampunit ng bibig ko at ibinaon sa mukha niya ang aking kamao. Pagkatapos ay itinulak ko siya kaya sumubsob siya sa damuhan. "Ako pa talaga kinalaban mo? Ugok! Kulangot ka lang sa ilong ko!" Asik ko sa kaniya. "Bry, tama na 'yan!" Awat sa akin ni Moon. "Oo nga, kawawa naman itong si Randy. Napadaan lang eh!" Suporta rin ni Sky. Kambal ang kaibigan ko kaya huwag na kayong magtaka sa mga pangalan nila. "Kawawa? Pinunit niya nga bibig ko oh? Tingnan niyo?" Ngumuso ako sa harap nila. Sinuri naman nilang dalawa ang labi ko. "Oo nga no! Paano mo itatago ngayon 'yan?" ani Moon. "Malamang baka lagyan pa ng sili ni Tita Astig 'yan kapag nakita niya. Ouch!" Biro ni Sky. Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat. "Ah ganon? Alam niyo nakakatulong talaga kayo sa akin no? Tingin lang kayo ng tingin. Mga walang kwenta! Bugbog na ako--- kayo nagpupustahan pa. Tara na nga! Pumasok na lang tayo!" Kinuha ko ang bag ko sa balikat ni Moon. "Paano si Randy? Baka makita ng teachers natin ang mukha niyan at magtanong?" Tanong niya ihabang iniaabot ang bag. "Hayaan mo siya!" Sagot ko. "Malaki na 'yan para magsumbong." Bumaling ako kay Randy na nasa damuhan pa rin at duguan ang ilong. "Hoy! Sa susunod tingnan mo ang dinadaanan mo ha. Iyang mga mata mo ipikit mo kapag magkikita tayo kasi naiinis ako e! Ha?!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. "Hoy! Kinakausap kita! Bakit hindi ka sumasagot? Bingi ka ba?!" Sisipain ko na sana siya kaso hinatak na ako ng dalawa kong kasama. "Punyeta! Hindi pa ako tapos! Bitawan niyo muna ako!" "Tara na!" Korus nilang dalawa. "Mr. Brian Salcedo?" Tawag ni Ma'am. "Ma'am, present." Masiglang sagot ko habang nakataas ang isa kong kamay. Hindi man lang nagpakita ng galak ang titser namin. Matanda na kasi kaya masungit! "Moon Sarceno?" "Ma'am beautiful, present!" Sagot ni Moon na nasa gilid ko. Muntikan na akong masuka sa sinabi niya. "Sky Sarceno?" Patuloy na tawag ni ma'am. "Ma'am pretty, present!" Kambal nga talaga sila! "Cassandra Soledo?" Humagikhik ako sa upuan ko. Pretty and beautiful daw? Mga loko-loko! "Did I say something funny, Mr. Salcedo?" Nakataas ang drawing na kilay na tanong ni ma'am. "Ah eh. No, ma'am!" "Then, I demand you to stay quiet Mr. Salcedo! Don't you know that it's rude to interfere while I am introducing your new classmate here?!" Tumigil ako sa pagtawa. Killjoy kasi ng matandang 'to! "Miss Cassandra Soledo?" ulit niya. Halos mabulunan ako ng laway ko. Pinigil ko kasi ang sarili kong tumawa ulit. "Present ma'am!" Sagot ng kung sino na mukhang kararating lang. Parang dumaan ang malakas na hangin sa harap ko nang masulyapan ko siya. Napatayo ako at napakanta tuloy ako ng.... "You change my life in a moment, and I'll never be the same again." Nagtawanan ang mga kaklase ko! "Mr. Salcedo! Hindi ka ba talaga titigil?" Napakagat-labi ako at tumahimik muna dahil parang sasabog na si ma'am. "Why are you late Miss Soledo?" Tanong ni ma'am sa kaniya. "This is your first day and yet you are late? Hindi ba sign ito ng katamaran? I'm telling you I'm not going to tolerate any sign of laziness in my class. Do you understand?!" "S-sorry ma'am. May dinaanan pa po kasi akong meeting kanina." Paliwanag niya. "Whatever your excuse is, you are still late. Maupo ka na! Doon kay Mr. Salcedo." Naks! Timing katabi ko pa talaga si magandang binibini. "Mr. Moon lumipat ka sa table ng twin brother mo." Mabilis naman tumayo si Moon. "Goodluck, bro," aniya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. May bagong chix e. Nagshake hands kami bago siya lumipat. "Ahem." Papansin ko nang makaupo na siya. Literal ang ganda. Bagay nga kami e. Ang matangos niyang ilong ang unang napansin ko dahil nakatagilid siya. Tapos ang mahahaba at makapal niyang pilik-mata. Ang amo niya tignan. Manipis rin ang labi niya. Saktong-sakto! Nag-umpisa na akong gumalaw. Naglakbay ang kamay ko kunware naghihikab ako. Hindi ko pa nga na-iistretch gaano ang kamay ko ay bigla siyang nagsalita. "Huwag na huwag kang gagawa ng desisyon na maaari mong pagsisihan!" Simple pero maotoridad na banta niya sa akin. Napakamot ako ng batok. Kunyare wala akong alam sa sinasabi niya. "Ha? May sinasabi ka?" Seryoso siyang tumitig sa akin. Titig na parang tagos hanggang kaluluwa. "Ang sabi ko huwag mo akong iistorbohin kung ayaw mong baliin ko ang leeg mo!" Napangiti ako---ng mapakla. Hindi ko na itinuloy ang balak ko. Tono pa lang ng boses niya----kinilabutan ako. Nyeta! Okay na sana ang ganda niya kaso kasing ugali pala ni Mama. "Randy Saturno?" Inilihis ko ang tingin ko at kay singkit napatitig. Baka kasi isumbong niya ako kay Ma'am sa ginawa ko sa kaniya. Subukan niya lang! Mabuti na lang at nakayuko siya. Hindi nahalata ang pasa niya sa mukha. "P-present ma'am." Kemeng sagot niya. "Alright, as you can see may bago kayong classmate, si Miss Cassandra Soledo. Isa siyang transferee kaya sana pakitunguhan niyo siya ng maayos. Ayokong maririnig na isa sa inyong mga under sa akin ay may ginagawang masama sa kaniya. Naiintindihan?!" "Opo ma'am!" Sagot ng buong klase. "Lalo ka na Mr. Salcedo. Everybody knew how stubborn you are. But, a piece of advice if I were you I will not involve myself to Miss Cassandra Naiintindihan mo?" "Tang*na. English eh! Paano ko maintindihan, ma'am?" Sarkastikong sagot ko kay ma'am. Tumawa na naman ang mga klasmeyt ko. "Quiet!" Natahimik ang lahat habang ako pasimpleng natitig kay transferee. Warning yata ang sinabi ni Ma'am. Ano naman ang ibig niyang sabihin? Sino ba ang babaing 'to para katakutan ko? Tch. Hindi ako transferee. Wala akong kinatatakutan sa school na'to!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.5K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.1K
bc

Rewrite The Stars

read
98.3K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook