Chapter 5: Cornered

1475 Words
BRIAN'S POV Hindi talaga mawala sa isip ko ang panloloko ng Cassandra na 'yon sa Mama ko. Miss Marry? Pwe! Isusubo ko na sana ang kanin nang mamataan ko si singkit. Hindi mahulugang karayom ang canteen pero nakita ko pa talaga siya! King-ina niya! Gaya ng tipikal na canteen sarado ito at plastic bench ang upuan. Nakalagay rin ang mga pagkain sa glass stand kung saan kami pipili. Lahat kami ay may dalang brown tray at kailangang pumila para makabili. Nakakainis ang pila lalo kapag maraming nauna. Mabuti na lang hindi na ako pumipila dahil sina Sky at Moon na ang bumibili para sa akin. Iyon lang naman ang naitutulong nila sa akin eh. Habang kumakain ay maraming estudyante ang tila hindi nagkikita araw-araw at laging may baon na chismis. Walang ganang ibinalik ko ang kutsara sa ibabaw ng pinggan. Nagpahid ako ng tissue sa bibig at itinapon din ito sa mesa. "Oh? Tapos ka ng kumain? Sayang naman! Marami pa namang batang nagugutom ngayon. Tapos ikaw iiwanan mo lang 'yan?" Sermon sa akin ni Sky. Naghalukipkip ako at tumingin sa kaniya ng direkta. "Alam mo lumang sermon na 'yan. Kapag ba kinain ko ito lahat mabubusog din sila? Magkadugtong ba ang mga bituka namin?" Sarkastikong tanong ko. Alam niya na may punto ako pero dahil siya si Sky alam kong may isasagot na naman siya sa akin. "Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin e. All I'm saying is you are lucky because you can eat many times you wanted and---" "Ah blabla." Putol ko sa mahaba sanang paliwanag niya. "Pagtatalunan pa ba natin 'yan Sky? Marami na nga akong iniisip dadagdagan mo pa! Sino ba ang mga tang-inang batang iyan at pakakainin ko?" Nagdekwatro ako sa harap niya. "Nevermind! Tama na nga! Baka ano pa kasi ang sabihin mo. Anyway, bakit parang wala ka na naman sa mood? Ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Umiinit lang ang dugo ko sa tuwing naiisip ko ang dalawang taong nambubwisit sa buhay ko. Muli akong tumingin sa gawing gilid ng canteen kung saan nakaupo si Randy. Mukhang may kausap siya dahil pangiti-ngiti pa ang tang-ina! Hindi ko gaanong makita ang kausap niya dahil may ilang ibang estudyante na nakaharang sa harap niya. Napailing ako. Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa ugok na 'yon? Muli akong napaawat ng tingin kay Randy nang magsalita si Moon. "Bro, I've heard naghahanap daw ng tutor ang Mama mo? Nakahanap na ba siya?" Dahil sa tinuran niya ay naalala ko si Cassandra at ang panloloko niya sa Mama ko. Kailangan ko siyang pigilan sa pagpasok sa buhay namin! Hindi ako umimik at nilisan ang upuan ko. Kinuha ko ang aking bag at isinabit sa aking balikat. "Bry? Okay ka lang?" Kaagad na tanong sa akin ni Moon. Suminghot ako ng hangin at mabigat kong ibinuga ito. "Okay lang ako. Masama lang ang timpla ng hangin dito kaya babalik akong classroom. Tapusin niyo muna ang pagkain niyo, doon na lang ako maghihintay." Bakas sa mukha nila ang pagdududa. "Are you sure?" Paninigurado ni Sky. "You are acting weird, man. Ayos lang ba talaga ang lahat sa'yo?" "Ako pa ba?" Maikling sagot ko. Kahit binabagabag ako ng isip ko ay ayoko munang sabihin sa kanila ang mga nangyayari sa akin. Habang nasa hallway ay nag-iisip ako kung paano paalisin sa landas ko si singkit at kung paano makukuha ang mga pictures na hawak ni Cassandra Mga tinik sa buhay ko! Kung kailangan ko siyang pwersahin para makuha 'yon gagawin ko! Marahan lang ang paglalakad ko.Natuon kasi ang buong kaisipan ko sa maaaring solusyon sa problemang dala ng mga hinayupak na 'yon. "P*tang-ina!" Kaagad kong nilingon ang tumama sa likod ko. Isang estudyante ang muntikan ng mawalan ng balanse at bumangga sa akin. Kaagad ko siyang kinuwelyuhan habang nasa ere ang kamao ko. Ang lakas ng loob na putulin ang pag-iisip ko! Hahatawin ko na sana siya ng kamao ko ng matanto kung sino 'yon. "Tingnan mo nga naman! Ang lakas talaga ng loob mong banggain ako! Hindi ka pa ba nadadala sa ginawa ko sa'yo?!" "B-Brian." Nanginginig na turan niya habang pinipigilan ang kamay ko na nasa kwelyo niya. "Huwag mo siyang papakialaman Salcedo! Kung ayaw mong baliin ko ang leeg mo!" Ani ng kung sino. That phrase! Tch. Bumaling ako sa kaniya. "Putek! Ikaw na naman?! Huwag mong sabihing kaibigan mo ang bobong 'to?!" Seryoso ang mukha niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Bitawan mo siya, Salcedo!" Ma-otoridad na utos niya. "Nagpapatawa ka ba?! Bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ka ba sa tingin mo ha?! Babae ka lang!" Napalakas ang boses ko na naka-akit ng ibang estudyante na maki-usisa. Lumapit sila sa amin. Rinig ko ang mga bulong-bulungan nila. Pero wala akong pakialam! "I'll be your nightmare, if you don't release him!" Muling banta niya sa akin. "Talaga lang ha?! Anong gagawin mo? Patutumbahin mo na naman ako gaya ng ginawa mo noong nakaraan? Tingin mo hahayaan lang kita ngayon?!" Mabilis niyang kinuha ang kamay ko na nasa kwelyo ni Randy at itinago ang lampang 'yon sa likod niya. "Nakakalimutan mo yata na nasa akin pa ang pictures mo. Be careful Salcedo! When I find out that you laid hands on my friend again, I might forget and do what you're afraid of!" Napatawa ako sa sobrang tapang niya. Sa sobrang galit ko ay napapikit na lang ako. Talagang ginagamit niya ang mga pictures na hawak niya para talunin ako. Putek na 'yan! Hindi na ako muling sumagot at imbes na dumiretsong classroom ay sa library ako pumunta. Cassandra Soledo! Hindi ko aakalaing darating ka sa buhay ko para pahirapan ako. Hindi porke babae ka hindi kita papatulan. Balang araw magsisisi ka sa pagpasok sa buhay ko! Isang mabigat na buntong-hininga ang binitawan ko nang maupo ako sa upuan ng library. Ayoko munang pumasok sa susunod na subject. Kahit ngayon lang matahimik ang utak ko. Tinamaan nga ng lintik dahil kitang-kita sa pwesto ko ang pagpasok ni Cassandra sa library. Sinusundan niya ba ako para inisin? Kung pwede ko lang siyang idelete sa memorya ko ginawa ko na. Teka? Oo, tama! May ideya na ako. Tumayo ako sinundan siya. Lumagpas kami sa ilang book shelves at tila may hinahanap siya. Hindi niya ako napapansin dahil naroon ang mata niya sa mga libro. Nang panghuling shelves na ay saka ko siya kinorner. Malayo kami ng konti sa librarian. "A-anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong niya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso dahil halos magdikit na ang mukha namin. Ang mga kamay ko ay nakadapa sa dinding ng library habang nasa loob siya nito at nakadikit ang likuran niya sa semento. "F-free me or I'l shout!" Aniya. Bilib din ako sa lakas ng loob niya. "Sige nga, ipakita mo sa akin kung gaano ka kalakas? Palayain mo ang sarili mo ngayon." Sinubukan niyang umalpas pero bawat galaw niya ay sinasalubong ko ng mukha ko. Kaya kusa siyang bumabalik sa bitag ko. "Iyan lang ba ang kaya mo?" Natatawang tanong ko. "Ano ba kasing kailangan mo?!" Naiinis na tanong niya. "Anong kailangan ko? Huwag ka nang mag-maang-maangan, kulot. Alam mo kung anong kailangan ko!" Pagkasabi noon ay niyakap ko siya na ikinagulat niya. Napapikit ang putek. Isang kakaibang pakiramdam naman ang naramdaman ko ng magkiskis ang balat namin sa isa't isa. Bago pa man siya makagalaw ay nahablot ko na ang cellphone na nasa kamay niya. Kaagad akong pumunta sa gallery niya at pinagdedelete ang mga pictures ko roon. "Tapos!" Ibinalik ko sa kaniya ang cellphone niya ng walang pag-aalinlangan. Tagumpay ang plano ko. Nang tingan ko siya ay nakahawak siya sa kaniyang dibdib. Tila pinoprotektahan ang sarili niya sa maaari kong gawin. Pinitik ko siya sa noo para magising siya sa iniisip niya."Hoy!Huwag kang assuming dahil dehins kita type, kulot! Ngayon, wala ka ng bala na ibabato sa'kin kaya tigilan mo na si Mommy." Nakangising wika ko. Tumakbo siya palayo sa kaninang dinaanan ko ng hindi ko inaasahan. Imbes na malungkot ay nakangiti pa siya. Iba din! Mag-tatatlong metro ang pagitan naming dalawa. Iwinagayway niya ang cellphone niya sa ere. "At sa tingin mo ganoon lang 'yon Salcedo?" Binelatan niya ako. "Bleh. Kung sa tingin mo nadelete mo na ang pictures rito, okay lang! May copy naman ako eh! Hahaha." Tumawa siya na parang baliw. "Anong sinabi mo?! Bumalik ka rito, kulot!" Sigaw ko sa kaniya. "Pssh!" Sita ng librarian na narinig na ako. "Quiet!" Tinapunan niya ako ng nakakalokong ngiti. Biglang nagslow-mo ang lahat at tila lumiliwanag siya sa harapan ko. Kung parang lumabo yata ang mata ko dahil siya lang ang nakikita ko, lumakas naman ang pandinig ko dahil dinig ko ang malakas na t***k ng aking puso. Napailing ako sa biglaang naramdaman ko. Marahil sumusobra na ang galit ko sa kaniya. Tang*na mo, kulot! May kalalagyan ka talaga sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD