Chapter 3: Blackmail

2350 Words
CASSANDRA'S POV "Anak, naririto ka na pala." Kukunin ko na sana ang kamay niya para magmano pero pinigil niya ako. "Huwag na 'nak! Marumi ang kamay ni Tatay. Tignan mo o may mga uling pa. Kamusta ang school mo?" "Iyon okay naman po. Tulungan ko na po kayo." Pinilit kong kunin sa kaniya ang pamaypay para sa barbecue at nagsimulang paypayan ang mga nakasalang. "Wala ka bang assignments? Kaya ko na naman rito eh. Pumasok ka na sa bahay para makapagbihis ka." Utos niya sa akin. Naalala ko na hindi ako naka-uniporme. Baka malaman niya ang ginawa ko! Tiyak sesermunan niya ako. "S-sige po. Papasok na lang po ako." Paalam ko sa kaniya. Dali-dali kong ibinalik ang pamaypay sa kaniya. Pumasok akong kwarto at nagbihis. Napatitig ako ng mabuti sa salamin nang maisuot ko na ang puting t-shirt. Hindi ko alam kung anong sinuong ko pero wala na itong balikan. Sayang din ang kikitain ko. Pang tuition din 'yon at panggastos rito sa bahay. ---Flashback---- Gabi ko natanggap ang text ni Randy sa akin. Naghahanap raw ng tutor ang General Manager ng pinagtatrabahuhan ng Mommy niya. Medyo malaki raw ang sahod. Nasabi ko kasi sa kaniya ang problema ko kaya malamang ay gusto niya akong tulungan. Ibinigay niya ang address sa akin, pangalan at konting description ng pupuntahan ko. Kinaumagahan, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng isang sub-division. Malalaki ang mga bahay doon kaya paniguradong mayayaman ang may- ari. May mga konting malilit na bahay pero mga magaganda. Napatingin ako sa isinulat ko sa papel. "5th Block, White Gate. Ms. Blessie Salcedo." Nasa pangatlong bahay pa lang ako pero tanaw ko na ang white na gate. Ipinasok ko sa bulsa ang papel na 'yon. Bago pa man ako makapag-lakad muli ay bumagsak ako sa sementadong daan. "Aish!" Tumingin ako sa gawing itaas. Nakita ko ang isang lalaking may maroon bag. Nakatalikod ito at naglalakad. "Hoy! Bulag ka ba?!" Sigaw ko sa lalaking nang-tabig sa akin."Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo ha!" Tumigil siya at nilingon niya ako. Subalit, imbes na tulungan niya ako o magsorry man lang---ngumisi lang siya. Tinalikuran niya ako ulit na parang wala siyang nakitang tao. "Swerte mo ayokong masira ang araw ko ngayon!" Bulong ko. "Kung hindi nakatikim ka kaagad sa'kin!" Tumayo na lang ako at pinagpag ang konting dumi na nagmarka sa tuhod ng pantalon ko. Dumiretso na ako papuntang puting gate. Nagdoorbell ako at isang magandang babae ang lumabas. Mukhang kakatapos lang nito maligo dahil may tuwalya pa sa ulo. "S-sino po sila?" Tanong niya. "Ah---K-kayo po ba si Miss Blessie Salcedo? I'm here to apply as a tutor po. I heard po kasi naghahanap po kayo ng tutor?" Magalang na sagot ko. Binuksan niya ang gate at pinapasok muna ako sa kanilang sala. "P-pasensiya ka na, hija ha. Nagmamadali rin kasi ako. Papasok din ako ng opisina." Wika niya habang ikinakabit ang maliit na hikaw sa kaniyang tenga. "May dala ka bang resume?" "Ah--eh kailangan pa po ba ang resume? Hindi po kasi ako nasabihan." Napangiwi ako. Tensyunado ako habang kaharap siya pero habang kinakausap niya ako pakiramdam ko ay okay lang magkamali. She genuinely smiled at me. Napakabait naman ng babaing 'to! If this is my mom I will be really grateful. Unang kita ko pa lang sa kaniya magaan na agad ang loob ko. If only my mom is alive. "Well, if you are going to apply for work you are going to pass your resume. However, if this is your first time---I'll give you consideration. Is this by chance your first time applying for work?" Tumango ako. "Since, you have no resume to present. Just tell me your hobbies and your favorite motto." Seryoso ba siya? Ito lang ang gusto niyang malaman? Napaupo ako ng maayos sa malambot nilang maroon sofa. I cleared my throat. "Ah---M-my favorite hobby is reading book while drinking coffee. For me, book and coffee matches well. As for my favorite motto, it is better to try and failed, than not to try at all. Considering that I am born with no silver spoon in mouth po, my father always taught me that trying is better than letting the chances and opportunities slipped away. Though trying is a guarantee and non-guarantee to success---I believe that it is better failing while doing your best than failing because of doing nothing." Mukhang napahanga ko naman siya sa sagot ko. "Well, what more can I say? I'm impressed! However, since I am running out of time. Can you go back this afternoon? Mga 5pm para ma-meet mo na rin iyong anak ko." "A-are you saying that I-I'm hired po?" "Actually, you are the only one who applied pa lang naman. But, I can see in you some good potentials as a tutor. So, mamaya magdala ka na ng resume. Okay?" "'O-opo." "And one more thing. I am hiring only college student. Anong year mo na ba ngayon?" Napalunok ako. I am not yet a college student. Ibig sabihin nito wala rin pala. Hindi pasok ang qualification ko. Unless---- "Th-third year c-college po." Sagot ko. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na nagsisinungaling. Siguro dahil ito sa pagiging desperada ko magkaroon ng pera. "Good! Then, I'll see you mamaya Miss?" Pineke ko na ang status ko sa pag-aaral. Baka mabuking niya ako kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo kong pangalan. Naglakbay ang mata ko sa buong bahay nila. Naghahagilap ng magandang pangalan. Nakita ko ang silver na "Merry Christmas" sa may hagdan ng bahay nila papuntang second floor. "M-Marry---S-Sandoval po." Sagot ko. Napakapit ako sa gilid ng pantalon ko. What am I doing? Tahi-tahing pagsisinungaling para lang sa pera? Kaso pursigido na talaga ako. I wanted this part time job! "Okay Marry. Meet me later." Kahit hindi pa sigurado ay naglulundag ang puso ko sa tuwa. Atleast I got a chance! Nakakalungkot nga lang dahil kailangan ko pang magsiningaling. Paglabas ko ng gate nila ay isang mahabang paghinga ang ginawa ko. If I manage to get this part time job, makakapag-ipon na talaga ako for my tuition sa college. Matutulungan ko na rin si Tatay sa mga gastusin niya sa bahay. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Isang magandang balita para simulan ang aking magandang umaga. Dumiretso na ako ng school. Nang nasa gate na ako ay kaagad akong sinita ng guard dahil hindi raw ako naka-uniporme. Ayaw niya talaga akong papasukin kahit sinabi ko na sa kaniya na nasa bag lang ang uniporme ko. Hindi naman pwedeng hindi ako pumasok dahil first day ko ito. Isa akong transferee dahil inilipat ako ni Tatay. Sabi niya mas mabuti raw dito sa public keysa sa dating private school ko kasi matututo raw ako ng socialization. Alam ko naman na wala na siyang pera kaya niya ako inilipat at iyon talaga ang totoong dahilan. Ayaw niya lang sabihin sa akin. Alam ko rin na napapagod na rin siya dahil minsan nadadatnan ko siyang dinadamdam ang likod at kamay niya. Hindi na ako nagpumilit dumaan sa harap. Naglibot ako at nakahanap ng lagusan sa likod ng school. Mababa lang ang pader roon. Naka-jeans naman ako kaya inakyat ko na lang. Pagbagsak ko sa damuhan ay kaagad akong tumayo. Malawak ang parteng likod ng school namin. Doon nakatambak ang ibang computers na sira na at ibang gamit sa lab. Maayos naman ang pagkakatambak nila kaya hindi naman ito delikado. I am on my way to comfort room para magpalit sana ng makarinig ako ng ingay. I dock and investigate. Boses ng mga lalaki. Lumapit pa ako para marinig sila. Are they bullying someone? I got my phone and took a snap of what they are into. "Sh*t! May lalaking nakatihaya sa damuhan. But, the photo is blurry." I took more photos at nagtago muna. Pinili kong umalis muna silang lahat bago ako dumiretso ng C.R. Whatever their business is not my business. Kaso may nasaktan na eh! Pagkatapos kong magbihis ay minabuti kong tingan ulit ang mga pictures na nakuha ko kung saan klarong-klaro ang mukha ng mga lalaking 'yon. Napamura na lang ako nang mamukhaan ko ang isa sa kanila. "This guy? Kahit sa school hayop talaga ang ugali niya eh! I should tell the guidance office about him." Ngunit, bago pa man ako makapuntang Guidance Office ay naisip ko ang klase ko. "Sh*t! Malelate na ako" Isinantabi ko muna ang lahat at pumasok. Just as I expected, pinagalitan ako dahil sa late na ako. Kapag minamalas ka nga naman! Classsmate ko rin ang lalaking 'yon! Brian Salcedo ang pangalan niya. Ito ring si ma'am parang ewan. Sa lahat ng pwedeng makatabi kay Salcedo pa! Ang ganda na ng panimula ng umaga ko eh! Sumablay pa! Wala naman sanang nangyari buong araw. Maliban sa talak siya ng talak sa gilid ko. Nakakainis! Ang papansin sobra! Nang uwian na sinubukan kong kausapin si Randy para sabay sana kami kaso hindi ko siya naabutan. Nauna na siguro siyang lumabas. Ako tuloy ang nahuli. Akala ko tapos na ang pagtitiis ko sa Salcedo na 'yon. Hindi pa pala! Binitbit niya ako palabas gamit ang bag ko. Then, he pinned me to the wall. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa sobrang lapit niya sa mukha ko. Ang dami niya namang satsat! Kesyo ang swerte ko dahil pinapansin niya ako. Hays! Katamad makinig! Nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bag ko---marahil siguro ay naiinis na rin siya sa akin. Hindi na ako nakatiis. I reached for his hand and I manage to move myself malayo ng konti sa pader at pinatambling siya. Hindi niya siguro inaasahan ang nangyari kaya natulala siya. Nasulyapan ko naman ang suot niyang wristwatch. Twenty minutes na lang bago mag 5pm. Mabilis kong hinablot ang bag ko na hawak niya pa rin at naglakad palabas. Kailangan ko munang dumaan sa computer shop para sa resume. Mabuti na lang madali ring natapos ang lahat. Gamit ang pangalang Marry Sandoval ay inilagay ko sa folder ang resume at dinala ito kay Miss Blessie. "Alright, so far. Okay naman ang lahat. I can see here that you are good in communucation." Aniya habang naroon ang mga mata sa resume sa loob ng folder. "What amazed me is that you learned self-defense? Tama ba? Para saan 'to? Would you mind me asking? A-are you a violent person?" Kaagad kong itinanggi ang iniisip niya. "Ah--eh hindi po 'yon sa ganoon ma'am." "Call me, Tita Blessie." "H-ho?" Kinabahan ako. How can I deceived such kind person? "I am hiring you if you honestly answer that question." Honestly? Para akong nakokonsensiya sa pinagagagawa ko. She wanted me to be honest gayong peke ang mga nakasulat sa resume ko maliban sa pag-aaral ko ng taekwondo. "T-tita kasi---" "C'mon don't be nervous. Ganiyan din ako noon sa first interview ko. Chill out! Isipin mo na lang na magkaibigan lang tayo at may kailangan kang sabihin sa akin." Hindi ako nakasagot agad. Kitang-kita ko naman ang suporta at understanding sa mukha niya. "W-well I learned self-defense po hindi dahil isa po akong bayolenteng tao. Sabi kasi ng Tatay ko hindi po kami palaging magkasama kaya hindi niya ako mapoprotektahan araw-araw. So, he enrolled me to Taekwondo class po, Tita. Ang tatay ko rin po ang may turo na hindi naman po masama ang paglaban minsan hanggang nasa tama po. Learning self-defense gives me power po to protect myself from those who wanted to harm me. Defending oneself po isn't consider as being violent." "I see. Ang swerte mo naman sa Tatay mo or shall I say mas maswerte siya dahil napalaki ka niya ng maayos." "S-salamat po." Totoo naman na ang swerte ko kay Tatay dahil ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para sa akin. Ako naman sana ang magtatanong sa kaniya ng makaramdam ako ng pagsakit ng pantog. Naiihi na pala ako. Nagpaalam muna ako kung pwedeng makigamit ng banyo. Itinuro naman niya ako sa isang kwarto naroon sa baba. Kwarto yata ng lalaki ang napasukan ko dahil ang design ng kwarto at kulay ay pang-lalaki. Didiretso na ako ng banyo nang makita ko ang isang framed photo. Akala ko namamalikmata lang ako kaya kinusot ko ang mga mata ko. No way! The guy in photo? What the hell! Mabilis lang akong umihi. Lumabas na ako pagkatapos. "Tita, ano nga ulit ang pangalan ng anak ni---" Hindi na ako nakapagpatuloy dahil nasulayapan ko agad si siya na kakarating lang. May band aid ang bibig nito. Bumilis ang t***k ng puso sa kaba. Tagis bagang na tumitig siya sa akin. He wanted me to explain everything. Hindi ako makapagsalita lalo at binanggit ni Tita ang pangalang Marry Sandoval. Sarkastiko siyang ngumiti. Alam niya na peke ang lahat. Bigla akong natakot sa magiging reaksiyon ni Tita Blessie kapag nalaman niya ang totoo. So, I acted like I didn't know him. Nagpakilala ako bilang Marry Sandoval. Noong una ay ayaw niya tanggapin ang kamay ko but, with Tita's help nakipagkamay siya sa akin. I asked for his time alone para sana makiusap sa kaniya dahil kailangan ko talaga ng pagkakaitaan. Mabuti na lang at pumayag si Tita. Lumabas muna siya at kami ang naiwan. Binantaan niya ako na sasabihin niya ang totoo. Nanghinayang ako dahil malaki ang chance na makukuha ko talaga ang trabahong 'to. Sisirain pa nitong si Brian. Then, something came up on my mind. Mabilis kong dinukot sa aking bulsa ang cellphone at ipinakita ang litratong kuha ko kanina. Halos magbanggaan na ang kilay niya ng makita niya ang mga ito. Nagdabog siya papasok sa kwarto kung saan ako galing. Pagbalik ni Tita Blessie ay sinabi ko sa kaniya na okay na ang lahat sa'min ni Brian---kahit ang totoo ay hindi naman! Pinaupo niya ako ulit sa sofa at doon pinag-usapan namin na weekends lang ako sa kanila pero isang buong araw. Hindi naman ito problema para sa akin. Magdadahilan na lang ako kay Tatay. ---End of Flashback---- "Sana lang talaga makisama ng Brian na 'yon! Bakit kasi sa rami ng pwede kong turuan ang bully na 'yon pa? Subukan niya lang talaga akong inisin, makakatikim siya sa akin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD