Chapter 2: First Fight

1232 Words
Maghapon kung kinulit si kulot alyas Cassandra Soledo. Kahit hindi niya ako kinausap alam kong kinikilig siya tuwing pinapansin ko. Ayaw lang ipahalata. Nang uwian na ay nagmadali ako palabas ng classroom kasama sina Sky at Moon. Hinintay ko si kulot na lumabas ng pinto. Sakto nang makita ko siya ay binitbit ko siya gamit ang bag niya at idinikit sa dingding ng classroom. "Ano ba!" Sigaw niya sa akin. "Hoy! Bakit hindi mo 'ko pinapansin kanina ha?! Kung tutuusin ang swerte mo nga eh! Kinakausap ka ng katulad ko!" Nagsalubong ang mga kilay niya at hinawakan ang kamay ko na nakakapit sa bag niya. "Katulad mo? Bakit ano ka ba?!" A-ano daw ako? Napapikit ako sa tanong niya. Gustong pumutok ng ugat ko sa sintido. Hindi niya ako kilala? Sabagay ano ba ang alam ng isang transferee? "Ako? Ako lang naman ang sisira ng konfidentiality mo!" "Bro, confidence 'yon!" Pagtatama ni Moon. Gaya ng nakasanayan, nakatunganga lang silang dalawa. "Ah basta! Iyon na 'yon! Kaya ikaw kulot kung sa tingin mo ikaw ang siga rito? Nagkakamali ka! Narito pa ako, si Brian Salcedo!" Ngumisi siya sa akin. Mukhang hindi talaga siya nasisindak. "Iyon lang ba ang gusto mong sabihin?" "A-anong---?" "Tapos ka na? Bitawan mo na ako! Baka kasi maubos ang pasensya ko at mabali ko pa leeg mo!" "Aba at---" Napahigpit ang kapit ko sa bag niya. Ang angas talaga ng babaing ito! Wow! Lagot ka sa'kin ngayon! Isa lang naman ang paraan para malaman kung talagang matapang siya. Hahalikan ko na sana siya nang maramdaman ko na lang na tila tumambling ako at bumagsak sa sahig. Nakakapit pa rin ang kamay ko sa bag niya pero hindi na niya ito suot. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko namalayan kung paanong nakahiga na ako sa sahig. Bigla kong naramdaman ang sakit sa balakang ko. "Ah! Putek!" sigaw ko sa kaniya. "Hindi ba sabi ko sa'yo huwag mo akong iistorbohin? Pwes! Ayaw mo makinig---nasaktan ka tuloy! Sa susunod hindi lang 'yan ang mangyayari sa'yo, Brian Salcedo!" Hinablot niya ang bag sa kamay ko at naglakad sa hallway na parang walang nangyari. Ako naman naiwang nakatihaya sa sahig. "Naisahan niya ako ah! Porke marunong ka ng self-defense ay tingin mo makakaya mo na ako kulot? Iyon ang akala mo! May araw ka rin sa akin!" Bulong ko sa aking sarili. "Bro, okay ka lang?" Nagmamadaling itinayo ako ng kaibigan ko. "Ang bilis ng lahat e. Hindi ka na tuloy namin natulungan." Pinagpag nila ang dumi sa uniporme ko. "Hayaan niyo na! Maaaring naisahan niya ako ngayon. Titiyakin ko na hindi na ito mangyayari ulit!" I smiled---evily. Dahil sa ginawa niya ay nakaramdam ako ng kakaibang excitement. Eksayted na akong sirain ang buhay niya! Napalinga ako sa magkabilaang daan. Mabuti na lang talaga walang tao. Napahiya ako kapag nagkataon. "Tara na! Baka magalit pa si Mama kapag nahuli ako ng uwi." Aya ko sa kanilang dalawa. Paglabas namin ng gate ay namataan ko si Randy. "Singkit!" Sigaw ko sa kaniya. Mukhang natakot naman agad siya kaya dali-dali siyang naglakad palayo. Bago dumiretso ng bahay ay dumaan muna ako sa sari-sari store malapit sa amin. Bumili akong band-aid para sa sa napunit kong bibig. "Oh! Anong nangyari sa'yo?" Kaagad na tanong ni Mama. Nasa sala siya nanunuod ng tv. Nagtaka naman ako ng masulyapan ko ang dalawang baso ng juice sa mesa. Mayroon ding folder sa gilid nito. "May bisita ka?" Tanong ko. Tumayo siya. "Sagutin mo muna ang tanong ko!" "Ah--eh masyado kasing napasarap ang kwentuhan namin nila Sky at Moon hindi ko nakita ang poste kaya nabangga ako." Pagsisinungaling ko. "Sigurado ka? Kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka at nakipag-away ka na naman, Brian. Humanda ka talaga sa'kin! Iuuwi kita sa probinsya ng Lola mo!" Banta niya. Ayoko sa probinsya ng Lola Mely ko. Oo mabait siya! Kaso ang problema roon walang tubig, kailangan ko pang maglakad papunta sa maliit na balon para magka-tubig kami. Walang kuryente, gaas lang ang gamit nila para magkailaw. Higit sa lahat walang signal. Ang tahimik! Sa madaling salita kinakain ako ng boring kapag naroon ako. Mababaliw ako sa lugar nila. Ayoko na bumalik don'! Kaya kahit anong mangyari po-protektahan ko ang rekord ko rito sa bahay. "Tita! Ano nga ulit pangalan ng anak ni---" Namilog ang mata ko sa babaing lumabas ng kwarto ko. Semi-formal na ang damit niya--jeans na faded at blouse na maroon. "Tamang-tama! Hindi na ako mahihirapang ipakilala siya sa'yo. Ito nga pala ang anak kong si Brian." Itinulak ako ni Mama palapit sa kaniya. "Anak, siya si Miss Marry. Siya ang magiging tutor mo sa English." "T-tutor?" Ulit ko. Ngumiti siya sa akin. "Hi! Nice meeting you, Brian. I am Marry S-Sandoval." Napatingin ako sa inilahad niyang palad. "Wow! Miss Marry?!" Bulong ko. "Brian, nakikipag-kamay siya sa'yo. Huwag kang bastos!" Utos ni Mama. Napilitan akong tanggapin ang kamay niya. "Anong klasing palabas ba 'to kulot?" Mahinang tanong ko sa kaniya. "Sabi ko na eh! Kinikilig ka talaga sa akin kaya pati bahay ko pinuntahan mo! Aminin mo na kasi." Imbes na sagutin ako. "Ah---Tita pwede ho bang makausap ang anak niyo na kami lang? Bilang magiging tutor niya kailangan ko pa kasi siyang i-assess bago kami magsimula." Assess? Sinong niloloko mo? "Oo naman! May pupuntahan rin naman ako sa labas. Kaya pwede muna kayong mag-usap." Mabait namang tugon ni Mama. Hinayupak! Ngayon lang siya naging anghel. Kinuha ni Mama ang wallet niya at iniwan kami. Ang kaninang maamong mukha ni Cassandra ay napalitan ng seryoso. "Ano? Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ang lahat Miss Marry? O hindi kaya Cassandra Soledo?" Diniin ko ang pagkabanggit sa pangalan niya. "Ano ka ba sa dalawa iskamer ka ba o istalker?" "Excuse me? Hindi ako scammer, mas lalong hindi ako stalker." Tanggi niya. Sa mga ganitong sitwasyon dapat ay nagluluhod na dapat siya sa takot kasi alam ko ang totoo. Pero kampante pa siya tignan. "Talaga lang? Kung di ka scammer bakit peke ang pangalang sinabi mo kay Mama? Alam mo ba na ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga sinungaling?" "Alam ko! Kaya nga makikiusap sana ako sa'yo eh. Kailangan ko talaga ng pera. Nag-iipon kasi ako!" Paliwanag niya. "Kung maaari huwag mo munang sabihin sa kaniya." "At sa tingin mo gagawin ko 'yon? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin kanina?!" "Wala akong ginawang masama. Pinrotektahan ko lang ang sarili ko mula sa'yo." "Oh edi 'wag! Sasabihin ko sa kaniya ang totoo!" "Ah ganon?! Hindi lang naman ikaw ang may alas e. Ako rin!" "Anong ibig mong sabihin? Anong alas? Hindi ako naglalaro ng Tong its, kulot. Mabuti pa umuwi ka na." Kaagad kong hinawakan ang siko niya. Ngunit, bago ko pa man siya nakaladkad sa labas ay may pinakita siya sa akin. Napalunok ako. "Ano? Sasabihin mo ang totoo at ipapakita ko 'to sa Mama mo? o mananahimik ka na lang?" Napatingin ako ng masama sa kaniya. Litrato ko iyon habang binubugbog si singkit. "Talagang nag-abala ka pa para diyan ha? Pinlano mo ang lahat ng 'to no?!" "Sabihin na nating--- it's a lucky coincidence." Nakangiting sagot niya. "Koinsidens mo mukha mo!" Nagdabog ako papasok ng kwarto ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang talaga ako naiisahan at ang babaing 'yon pa! Paano niya naman nakuha ang mga litratong 'yon? Sinusundan niya ba ako? Nakakapag-hinala talaga ang mga kilos niya. Makakahanap din ako ng paraan para makaganti sa'yo kulot! Maghintay ka lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD