Chapter 6: Heroine

1426 Words
CASSANDRA'S POV Mabilis kong tinungo ang palabas ng library. Manghihiram sana ako ng libro na rereviewhan ko para sa tutor pero hindi na natuloy dahil sa asungot na 'yon. Akala ko nga ano na ang gagawin niya sa akin. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga litratong dinelete niya. Wala naman talaga akong back-up copy. Sadyang hindi lang nadedelete agad 'yon dahil maghihintay pa ng 30 days bago mawawala. Nirestore ko ang mga ito. Tumingin ako sa library. Babalik na lang ako bukas para sa libro. Hays! "Where is Mr. Brian Salcedo?" Usisa ni ma'am Hope Dela Cruz. She is kind of short, wearing brownish curly hair which ends up above his shoulder. Currently, she is checking our attendance. I silently gazed at Brian's blank chair. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil magkakaroon ako ng peace of mind gayong wala siya o makokonsensiya ako dahil baka kaya hindi siya pumasok dahil iniisip niya ang pangba-blackmail ko? Siguro magiging masaya na lang ako kasi walang bubuyog na maingay sa tabi ko. "Moon and Sky? Alam niyo ba kung saan si Mr. Salcedo ngayon?" Napatingala ang kambal sa kaniya. "We don't know ma'am." Sabat ng kinikilala naming si Sky. "Nauna kasi siya sa amin pabalik rito. Akala nga namin narito na siya since ang paalam niya kanina ay dito siya maghihintay." He politely answered. Tss. He is friends with that bully kaya malamang hindi iyan ang totoong ugali niya. "Ma'am bakit hindi si Cassandra ang tanungin niyo? Tutal sila naman ang magkatabi." Sabat ng kaklase namin. "Oo nga ma'am. Since crush niya si Brian malamang lagi silang nag-uusap." Sulsol naman ng isa pa. Napalunok ako. Anong laging nag-uusap? Kung laging nag-aaway acceptable pa! Our teacher closes her blue notebook which is specifically for our attendance at tumayo sa center ng classroom. "That's enough! Sky--- tell your friend to bring his valid reason tommorow. Alright?" Sky nodded. Bakit nga ba hindi pumasok ang lalaking 'yon? Baka nagpaplano na 'yon para patalsikin ako bilang tutor. Hindi ako dapat kabahan dahil nasa akin pa rin ang mga litrato. Umayos na lang ako ng upo at nakinig na lang kay ma'am. "Cass, sabay na tayong umuwi?" Si Randy. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil tapos na ang klase namin sa hapon. Hindi pumasok si Brian ng buong hapon kaya malaya ako. "Oo nga pala, anong sabi sa'yo ng Mama ni Brian talaga bang tanggap ka na?" Natigil ako sa paglagay ng libro sa bag ko. "Oo, ang sabi niya every weekends daw ako sa kanila. Whole day. Maigi nga 'yon eh siguro kino-consider niya rin ang pag-aaral ko. Alam mo ba ang gaan ng pakiramdam ko sa Mama niya. Mabait. Iyong anak lang ang hindi. Bakit kasi hindi 'yon minana ng anak niya no?" "Baka sa Tatay niya nagmana?" Biro ni Randy. Ipinasok ko na ang libro sa bag ko at tumayo. "Siguro nga!" Sang-ayon ko. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng room. "Speaking of Tatay, wala akong nakitang ni isang picture ng father niya." "Really? Baka wala na 'yon at ayaw nilang maalala ang sakit ng pagkawala niya kaya hindi na sila naglagay ng litrato?" "But, it's just weird you know. Kami nga kahit wala na ang Mama ko may litrato pa rin ako. Hindi ko nga lang dinidisplay kasi nag-iisa lang 'yon eh." We never had a picture together---I mean with Tatay. Kami lang ni Mama ang mayroon. Pero kahit ganoon, okay lang sa akin. Hangga't may pinanghahawakan akong alaala kasama si Mama, masaya na ako. Close pa rin naman kami ni Tatay. "Speaking of father, alam na ba ng Tatay mo ang tungkol sa part time job mo? Hindi ba ayaw na ayaw ka niyang magtrabaho? Baka isumbong mo 'ko sa kaniya? I mean I helped you but, I guess you need to have his permission first?" I ringed my right arm to his neck. "Huwag mo nang isipin 'yon, Rands. Basta huwag mo lang sasabihin sa kaniya ang tungkol dito. Ako na ang bahalang dumiskarte sa kaniya. Okay?" Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya. Pagdating sa kalsada kung saan nagtitinda si Tatay ay kaagad akong yumakap sa kaniya. "Oh, anak! Ang baho ni Tatay eh!" Hindi ako ako kumalas sa pagkakayap bagkus ay hinigpitan ko pa ito. "Hayaan niyo na ako, 'Tay." "Hmm. Teka." Inilayo niya ako sa kaniya. Hawak niya ang magkabilang-balikat ko. "Ano bang ginawa mo ngayon bata ka? Hindi ba naggaganiyan ka lang naman sa akin kapag may ginawa kang kasalanan?" "Hala! Tatay naman! Bawal na po ba kayong yakapin ngayon?" "Eh saka na anak. Kapag hindi na amoy usok ang tatay. Sige na! Pumasok ka na sa bahay." Natiyempuhan niya naman si Randy kaya sa kaniya na naman bumaling si Tatay. "T-teka bakit kasama mo na naman si Labo na 'yan ha?" "Tay, si Randy po 'yan. Bestfriend ko. Hindi na po kayo nasanay sa kaniya eh lagi ko po siyang kasama." Giit ko sa kaniya. "Hoy! Lalaki, hindi ba sinabi ko na sa'yo dati pa na huwag ka nang lumapit dito sa anak ko. Alam mo bang hindi ko pa siya pinaliligawan?" "Tatay naman eh!" Awat ko sa kaniya. Halata sa mukha ni Randy ang hiya. "Nakakahiya kay Randy eh. Sinamahan lang naman ako ng tao. Sige na Rands umuwi ka na kasi papasok na rin ako." I pushed him away baka kasi ano pang sabihin ni Tatay sa kaniya. Nang malayo na siya ay kinausap ko si Tatay. "Tay, ano 'yon? Pinahihiya niyo naman ako sa kaibigan ko eh." Nakapameywang na reklamo ko sa kaniya. "Kaibigan lang ba? Eh ang lagkit ng titig sa'yo eh! Lalaki ako Cassandra, alam ko na agad pag may ibig sabihin ang titig ng lalaking sa'yo kahit bestfriend mo pa 'yan. Isa pa, wala akong tiwala sa Randy na 'yan." Napakamot ako ng ulo. "Ha? Saan galing 'yan 'Tay? Eh matagal ko ng kaibigan si Randy eh wala namang nangyayari sa akin." "Ah basta! Payong tatay ito ha. Huwag ka nang sasama sa lalaking 'yon. Naiintindihan mo ba ako?" "Eh 'tay naman! Siya na nga lang nag-iisang kaibigan ko eh." "Nag-iisang kaibigan?" Ulit niya sa sinabi ko. "Bakit wala ka pa bang kaibigan sa bagong school mo? Hindi ka ba inaalalayan ni Hope doon?" "Ahem. Narinig ko yata ang pangalan ko." Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. It's ma'am Hope De la Cruz. Ibang-iba ang mukha niya sa pambahay niyang suot na shorts at sando na plain beige. "Hi, Brix." Nakangiting bati niya sa Tatay ko. Nagsimula na naman siyang magpapansin. Hindi siya kinibo ni Tatay at nagpatuloy ito sa pagpapaypay sa barbecue. "Pabili nga akong hotdog, Brix. Iyong malaki." Kagat-labing wika niya. "Ma'am! Ahem. Ma'am, pinapaalala ko lang po sa inyo na teacher po kayo ha. Teacher!" Segway ko. Lumalandi si Ma'am kapag nasa labas ng school eh! "Ay, oo ng pala!" Turan niya na parang bumalik sa katinuan. "Ito kasing tatay mo hindi ako pinapansin. Paano kayo makakabenta niyan? Ang sungit niya sa kostumer!" Nagsimula na siyang pumili ng bibilhin niya at naroon na ang maga mata niya sa mga transparent containers. "Bumebenta naman kasi kami kahit hindi ka bumili." Prangkang sagot ni Tatay. Parang mas maarte pa itong si Tatay keysa sa akin. Umaktong nalungkot si Ma'am habang hawak na ang napiling bibilhin. Dalawang hotdog iyon at limang adidas. "Ikaw talaga, Brix. Kahit kailan talaga ang suplado mo." Iniabot na niya ito kay Tatay. "Sige na, anak. Magbihis ka na at gawin ang mga assignments mo. Ako na ang bahala rito kay gasul ay este kay Hope." Napatawa ako sa sinabi ni Tatay. "Ma'am ha I'm eyeing you!" Itinuro ko ang mga mata ko papunta sa kaniya. "Remember, you are a teacher!" Lumapit ako kay Tatay at bumulong, "Huwag po kayong padadala sa mga sasabihin niyan "Tay." "Alam ko na 'yan, anak. Sige na! Kaya na ito ni Tatay." Bulong niya pabalik. Sumang-ayon ako at dumiretsong bahay. Bago pa man ako makapasok ay naatanggap ako ng mensahe galing kay Randy. "Hey, I forgot to say thank you for what you did earlier in school. For saving me from, Brian. Thank you! Can I call you my hero now?" A smile occured on my lips after reading his message. "Heroine kasi 'yon, Rands!" I replied back. "Okay lang 'yon! Mabuti nga at napigilan ko ang loko-lokong 'yon! Kung hindi baka na-bully ka rin niya! Ang sama-sama kasi talaga ng ugali! Basta next time sabihin mo sa'kin kapag pinagbuhatan ka niya ng kamay ulit. Okay?" "Okay! Heroine!" Sagot niya. I tilt my head while simply smiling. Heroine? Me? Nah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD