RANDY'S POV
My room is dark and filled with silence. I turned the lights off para makatipid ng kuryente. Screen lang ng cellphone ko ang nagsisilbing liwanag. Doon ako nakatingin habang nakahiga. Nakangiti. Watching Cassandra in our photo when we are still innocent of the big world. Her big smile makes my heart beat like it never did before.
"This woman!" I whispered. "She's the one that I hope to share my future with. Sana ganoon din siya!"
My heart feels like floating in the air of happiness while thinking how she took care of me and how she protects me. Kahit alam ko na dapat ako ang gumagawa ng mga iyon. She's cool and pretty! Kaya malaki ang paghanga ko sa kaniya. My thoughts are interrupted when---
"Randy!" I heard mom screams. "Randy, ano ba!"
I gradually got up my bed and instantly turn on the lights. Lumabas ako ng kwarto.
"Bakit ba ang tagal mo?!" Tanong niya nang makita ako. "Ipagkuha mo nga ako ng malamig na tubig. Sumasakit ang ulo ko eh."
She is drunk, again. I can tell from the way she stand. Para nang babagsak ang isang balikat niya at hindi na siya makatayo ng maayos. Her eyes are almost close. Inalalayan ko siya paputang upuan ng sala namin hanggang sa maging komportable na siya rito. I take off her heels at tumayo.
Gabi-gabi na lang siyang ganito.
"Oh! Ano pang tinutunganga mo riyan? Water! Bilis!" Pasigaw na utos niya.
Her loud voice is enough to drive me to kitchen. Pumunta akong ref na walang ibang laman kung hindi ay tubig at itlog. Isinalin ko ito sa baso at mabilis na ibinigay sa kaniya. She gulped it as if she's in a hurry. Tapos ibinagsak niya ang baso sa mesa. Mabuti na lang at gawa sa kahoy ang mesa namin.
Gaya ng karaniwang nangyayari ay tahimik lang akong nakatayo habang pinagmamasdan siya.
"Bakit narito ka pa?" Napukaw ang isip ko sa tanong niya. "Hindi ko ba sinabi sa'yo na umalis ka na?"
I didn't respond. Ayokong magkamali ng sagot sa kaniya. I turned my back and take a step back to my room. But, I stop as she speak.
"Ayan! Ganiyan nga! Just how I expected you to do. Siguro noong past life ang sama-sama kong tao ano?"
Her drama begins.
"Kung tutuusin, I never deserve to have a child like you! I never deserve to have a man like your father! I deserve to have a---a happy family. You! You are not my child! Kasi hindi ko alam kung saan ka nagmana. Kung bakit ka ganiyan. You have no emotion. W-wait, I knew it! Doon ka nagmana sa tatay mong walang ibang ginawa kung hindi ay mangbabae. F*ck him and his affairs! Mga walang silbi! Mga walang pakiramdam!"
I remain stiff while my fist are clenched. Titiisin ko ang mga masasakit na salita na sasabihin niya. I don't want to answer her. From that, I mean I don't want to hurt her by any means. Alam kong marami siyang pinagdadaanan at dumagdag pa si Papa. Kaya pipilitin ko na intindihin siya. I thought I successfully endured everything until a grain of tear suddenly rolled in my right eye. Kaagad ko itong pinahid ng maramdaman ko ang paglakbay nito sa aking pisngi. I am still standing there listening to her when someone entered the door. Maliit lang ang bahay namin. May dalawang kwarto. Ang sala ay malapit sa dining at maliit na space lang ang pagitan ng dining sa kitchen.
"Speaks of the devil. Narito na pala ang magaling mong ama!" Turan niya.
"Ano na namang inaarte mo riyan Rachel? Lasing ka na naman!" Sigaw ni Papa.
"Inaarte? You are always playing innocent, Drey! Dahil ba sa anak mo? Alam mo ang puno't dulo ng ito, Dreyson! You and your f*cking woman! Hanggang kailan ka ba titigil ha?! Kapag nagkasakit ka na?! Ikinahihiya kita!"
"Putang*na mo! Tumigil ka na! Kaya ako humahanap ng iba dahil sa bungangera ka! Umayos ka nga!"
"At ako pa ang dapat umayos?! It should be you dahil marumi kang tao! Sino na naman ang babae mo ngayon ha? Sino?!"
"Shut up! Kung wala ka rin namang sasabihing maganda, it's better that you keep your mouth shut! Tingnan mo nga ang sarili mo! You are not the Rachel I married!"
"Walang hiya ka! This is all because of you! It's your fault!"
"Tumigil ka na sabi! I am tired for this drama!"
"Drama? Talagang tingin mo drama lang lahat ng 'to? F*ck you! When are you going to be in your senses?! Ha?!"
"P*ta naman! Umuwi nga ako para makapag-pahinga but, here you are putak ng putak! Makaalis na nga!"
"You are not leaving, Dreyson! Come back here!"
A loud bang of the dooor makes my chest tighten like I'm about to burst out. My body feels heavy and my breathing began to be rapid. Mabilis akong bumalik ng kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan at tinakpan ang ulo ko ng unan. Sumasakit ang dibdib ko pero wala akong magawa kung hindi yakapin ang sarili ko.
Sana hindi totoo ang lahat ng 'to. Sana panaginip lang! Deep inside me,alam ko na ito 'yong totoo. My life is terrible. My parents don't care about me. I am all alone.
When I wake up, wala ng tao. My mom works in a company kaya malamang umalis na siya. Si Papa naman hindi ko alam kung saan siya ngayon. He never tells us where he is going everyday. Ang alam ko lang wala pa siyang trabaho ngayon. Kahit maliit ang bahay namin pakiramdam ko sobrang laki nito dahil hindi ako kayang punan. Wala akong maramdaman na existence ng mga kasama ko sa bahay. Pumunta akong ref at kinapa ang itaas nito. My mom is not cooking for me in morning, instead she just left money para sa pagkain ko the whole day.
Just as I expected there's a plain white envelope at may laman itong pera. I take it all at nagsimulang maghanda para sa pagpasok sa school.
While drying my face with a towel, nasulyapan ko ang gray spot sa ilalim ng mata ko. Wala akong salamin kaya halatang-halata ito. I was on the comfort room that time ng mabangga ko si Brian ng malakas. I never said sorry dahil problemado ako sa parents ko. We knew each other for long time and I know he has huge reason to be angry. Shane! She is the girl in our freshmen year.
I put some ointment in it. The color somehow lighten. Cassandra didn't know that I am bullied by Brian. At ako ang nasa picture na nakuhanan niya. Ayoko ring malaman niya kasi nahihiya ako. Baka isipin niya na hindi ako tunay na lalaki. If only I could take revenge to that assh*le. Someday! Yeah, probably if I got opportunity. Kapag hindi na nakabuntot sa kaniya ang dalawang 'yon.
For now, all I want to take priority is Cassandra. Thinking about her name feels like I am being tickled. Naalala ko pa ang pagpunas niya sa salamin ko. She's so caring. Ano pa ba ang adjective na para sa kaniya? She's almost perfect for me.
"Anong iniisip mo?"
Napalingon ako sa kaniya. We are on the hallway. Nagkasabay kami sa gate kaya kami magkasama ngayon. "Ah w-wala." I have a lot to say pero kapag kaharap ko siya nahihirapan ako. Kinakabahan ako na hindi maintindihan. "M-may gagawin ka ba sa Saturday? May bagong release kasi ang Morvel na movie. Gusto ko sanang panuorin kasama ka."
Saglit siyang nag-isip. "Eh gusto ko sana kaso sa Saturday na magsisimula ang tutorial ko kasama si Brian eh. Oo nga pala, pwede ba kitang gawing alibi para sa tatay ko? Alam mo naman hindi ba na ayaw niya akong magtrabaho eh wala akong ibang maisip na rason eh."
"H-ha? B-bakit--"
"Please." I wanted to refuse. Mas maigi na nga sigurong hindi siya payagan dahil kung alam ko lang na si Brian ang anak ni Miss Blessie na 'yon. Hindi rin ako papayag. But, her eyes are taking me somewhere, where I couldn't say No.
"S-sige." Tipid na sagot ko.
Naglulundag siya sa tuwa ag napayakap sa akin. Once again, my heart beat fast. Hindi ko siya niyakap pabalik dahil nahihiya na naman ako. "Thank you talaga, Rands. Mabuti na lang talaga na-mention mo ang tungkol sa Saturday. Paano ka nga pala?"
"I guess, I'll watch it myself." Nanghihinayang na sagot ko.
"Gusto mo hanapan kita ng kasama?" Tukso niya sa akin.
"Huwag!"Kaagad na pigil ko sa kaniya.
Mukhang nagulat naman siya sa inakto ko. "O-okay. Akala ko ba gusto mo ng may kasama?"
"I-i'm sorry. N-nagbago kasi agad ang isip ko. I wanted to be alone na lang para mas ma-enjoy ko ang movie."
She bought my alibi. Mabuti na lang!
Ikaw lang naman anggusto kong makasama, Cass. No one else!
"Ah Rands, about nga pala sa sinabi ng Tatay ko sa'yo kahapon. Don't mind him. Okay? Over-protective lang 'yon sa akin kaya kung anu-anong sinasabi. I hope you understands him."
I smiled at her. "Sure. Naiintindihan ko naman siya. If I am your father and I have a beautiful daughter like you, talagang magiging over-protective ako."
"Sira! Ang aga ng pambobola mo ah!"Natatawang pinalo niya ako sa balikat.
If only I could tell her that I am not joking. If only I could tell her my real feelings. Hanggang doon lang naman kasi ako eh---sa if only.