Night out

1523 Words
“Darating ba talaga siya?” Gustong – gusto ko ng batukan ‘tong si Janine. Pang – sampung beses na yata niya akong tinanong kung darating si Mon ngayong gabi. Sa sobrang excitement kasi nitong Janine na ito, nauna na kaming pumunta dito sa Boiler Room. Bar ito na lagi naming pinupuntahan na magkakaibigan. “Alam mo naman head over heels ‘yang si Janine kay papa Mon. Kumbaga, first love never dies,” at natawa pa si Milette ng sabihin iyon. “Alam ‘nyo naman mga girls kung gaano ko talaga ka – type ‘yang si papa Mon. Ini – stalk ko nga ang sss at i********: niya pero mukhang walang social life. Hindi active sa social media,” sagot ni Janine at uminom sa hawak na cocktail drink. “Hindi talaga mahilig iyon sa ganoon. Suplado nga,” sagot ko. Kinuha ko ang telepono ko at idinayal ang number ni Mark. Bakit ba wala pa siya? Sabi niya papunta na siya? “Wala pa si Mark?” tanong ni Milette. Umiling ako at huminga ng malalim. As always, late na naman siya. “Anong sabi ng kuya mo about him?” “Alam mo naman si kuya maka – kontra lang. Alam ko naman magugustuhan din niya si Mark,” sagot ko. “Naaamoy lang siguro ng kuya mo na likas na babaero ang boyfriend mo,” sabat ni Janine habang nagre – retouch na naman ng foundation. Sasagot na lang ako ng makita kong papasok sa loob ng bar si Mon kasama si kuya. Agad ko silang kinawayan. “Oh my god! Ang guwapo talaga niya! Love na love ko na siya ngayon!” mahinang tili ni Janine. Napangiti din ako at tiningnan ko nga ang tinitilian ni Janine. Totoo naman ang sinasabi niya. Guwapong – guwapo nga si Mon kahit simpleng maong at t-shirt lang suot nito. Talagang nangingibabaw siya sa mga taong nandito sa bar. “Sorry we’re late. Medyo traffic kasi papunta dito,” narinig kong hingi ng paumanhin ni Mon sa amin. “Sabihin mo, ayaw mo lang talagang umalis. Pinilit ko lang iyan. Tinatamad daw siya at masama ang pakiramdam niya,” sabad ni kuya at kumaway sa isang waiter na dumaan. Nakita kong umiling lang si Mon at muling tumingin sa akin. Narinig kong napa – ehem si Janine at ngumiti ng bahagya sa akin sabay nguso kay Mon. “Mon, I want you to meet Janine,” pakilala ko sa dalawa. Naglahad naman ng kamay si Mon kahit alam kong wala naman talaga siyang gusto kay Janine. Gentleman always. Alam kong hindi niya type ang friend ko. Ano nga kaya ang lalaking ito? Hindi nga kaya bakla siya? Wala pa talaga kasi akong nakikitang babaeng sineryoso niya. “And I am Milette,” sabad naman ng isang kaibigan ko at nakipag – kamay din kay Mon. “Bruha ka, kinalimutan mo ko. Talaga nga palang nakakasabog ng ovaries ang kaguwapuhan ni papa Mon,” mahinang sabi niya sa akin. “So? Order na tayo? Gutom na ako,” narinig kong sabi ni kuya at binuklat ang menu. Umirap lang ako sa kanya. Nakita kong nakaupo na si Janine katabi ni Mon and she is really trying to start a conversation with him. Nakikita kong pangiti – ngiti lang si Mon. Hindi ba talaga niya type si Janine? Maganda ang kaibigan ko. Sexy pa. Alam kong maraming nagkakandarapang lalaki sa dito pero talagang si Mon ang type nito, eh. Wala namang pakielam si kuya Dave sa amin. Nag – order lang ito ng nag – order ng pagkain at beers. Sumasabat ito sa pinag – uusapan naming magkakaibigan. Si Mon ay tumatango – tango lang at tumatawa ng konti sa mga jokes ni Janine. Gusto ko ng pagalitan ang kaibigan ko. She is really trying too hard para mapansin lang ni Mon. “Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo. Hindi ka na tinatawagan ng syota mo ‘no?” narinig kong sabi ni kuya. Sinimangutan ko siya. “Late lang si Mark. Darating siya. Na – traffic lang daw. Masyado ka talagang judgemental,” sagot ko sa kanya. Nginisian lang ako ni kuya Dave at alam kong nambubuwisit lang siya. Pero nag – uumpisa na rin akong mainis. Kaninang – kanina pa ako naghihintay kay Mark pero bakit nga wala pa siya? Sabi niya sa akin kanina pa siya umalis. “Nasaan naman nga kaya ang boyfriend mo? Naku, mukhang bad shot na siya sa kuya mo,” sabi ni Milette sa akin. Hindi na ako kumibo dahil nagpapatong – patong na ang inis ko. -------------------------------------------//// Maraming ikinukuwento si Janine sa akin pero hindi ko naman iniintindi. Panay lang ang tango at ngiti ko sa mga sinasabi niya pero wala naman akong maintindihan dahil puro tungkol sa modelling career niya at mga fashion gimmicks ang kinukuwento niya sa akin. My attention is with Darcy. She is already upset dahil wala pa ang boyfriend niya. Sa mga naririnig kong kuwentuhan nila ng kaibigan niya, parang madalas itong gawin ni Mark sa kanya. “And you know, I have a modelling gig this coming Friday in Solaire. I hope you can come,” narinig kong sabi ni Janine. Noon lang ako napatingin sa kanya. Tama naman ang sinasabi ni Darcy. This woman is really pretty. She is just wearing a tube top and fitted jeans. Sexy with big boobs, nice butt. Pretty face. Pero hindi ko maintindihan bakit wala akong atraksiyon sa kanya, eh. Janine smiled widely at me when she saw that I was looking at her. “I really hope that you are not busy this Friday. I really, really want you to come,” nakatitig na sabi niya sa akin. She is not afraid to show me that she really wants me. Ngumiti ako ng pilit. “I’ll try Janine but I will not promise. Medyo marami pa rin kasi talaga akong inaasikaso,” sagot ko na lang sa kanya. Napahinga ako ng malalim ng maramdaman kong nag – landing ang kamay niya sa hita ko at bahagya pang humimas doon. Patay – malisya akong tumayo at nagpaalam saglit sa kanya. “I’ll just go to the restroom,” paalam ko at umalis doon. Naiiling na natatawa pa ako ng makapasok sa restroom. Iniisip ko pa rin si Darcy kasi nag – aalala siya na wala pa ang boyfriend. Kung ako ang boyfriend niya, hinding – hindi ko iyon gagawin. Siya ang una lagi sa lahat. Hinding – hindi ko siya paghihintayin. Parang ako pa ang nahiya ng may maabutan akong couple na naghahalikan doon. “Ooopps. Sorry,” tanging sabi ko at akmang lalabas na lang ulit pero napahinto ako ng makilala ko ang lalaking napalingon sa akin tapos ay alanganing ngumiti sa akin. “Mark?” Nandito lang siya? “Nice meeting you. Text na lang tayo,” narinig kong sabi niya sa babaeng kahalikan lang niya kanina at pinalabas na ito. Nakita kong tinapik pa niya sa puwet ang babae at kumindat dito. Tumawa naman ng malandi ang babae habang nakangiting tumingin din sa akin tapos ay tuloy – tuloy na umalis. Gusto kong suntukin si Mark. Gusto ko siyang bugbugin dahil sa panggagago niya kay Darcy. “Kanina ka pa hinihintay ni Darcy,” seryoso kong sabi sa kanya. Ngumisi lang ito at naghilamos sa sink. “Ang kulit nga, eh. Kanina pa tawag ng tawag. Nakakaistorbo,” narinig kong sagot niya. ‘Tang ina. Ang gago nito. Niloloko lang niya si Darcy? “She is so worried na baka kung ano na ang nangyari sa iyo. Tapos nandito ka lang pala at may kalaro kang ibang babae,” ipinakita ko talaga na naiinis ako sa ginawa niya. Umiling lang si Mark at umakbay sa akin. “Masyado kasing pakipot ang babaeng iyon. ‘Tang ina, lalaki ako. I have needs. Hindi naman niya kayang ibigay kaya hahanapin ko iyon sa iba,” sagot niya sa akin. Pinigil ko ang sarili na masapak ang lalaking ito. “Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba na kayang ibigay ang pangangailangan mo? Iwanan mo si Darcy kung hindi ka satisfied sa kanya. Madali ka namang makakuha ng babae. Hanggang dito nga sa c.r. may nakuha ka, eh.” Buwisit na sagot ko. “Pinsan,” sabi niya at tinapik – tapik ang balikat ko. “Sayang naman si Darcy. Kahit maarte iyon, alam kong virgin pa siya. Siyempre mas gusto ko na ako ang maka – deflower sa kanya. Alam ko naman na bibigay din siya sa akin,” sabi pa niya. Umakyat yata ang dugo sa ulo ko sa narinig ko at wala sa loob na naitulak ko siya. “Asshole. She is my bestfriend’s sister. If you intend na lokohin lang si Darcy, I will not think twice to rip your head off kahit pinsan pa kita. I will let this pass, Mark. But I will not be considerate next time,” tanging nasabi ko at lumabas na ako doon. Hindi ko na alam ang magagawa ko sa kanya kapag natagal pa ako doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD