Sick Joke

1236 Words
Hindi ako lumilingon kahit pa panay ang tawag sa akin ni Mark. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso ng maabutan niya ako. I want to punch this guy in the face. “Damn, man! It was a f*****g joke. Masyado mo namang siniseryoso ang sinabi ko,” natatawa pang sabi ni Mark. “It was f*****g sick! It was not a good joke. Saka joke ba ‘yung makipaghalikan ka sa iba?” I think there is no point of reasoning with this guy. Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Mark. “That was just an accident. The girl was a flirt. Pumasok siya sa men’s room tapos bigla na lang niya akong hinalikan. Come on, man. Parang hindi ka naman ganoon. Let this one pass. I love Darcy. Kung nagkakamali man ako, alam ko naman sa sarili ko na siya lang ang mahal ko,” sagot niya sa akin. “Whatever,” sabi ko at tumalikod na sa kanya pero pinigilan niya ako uli. “I hope this is just between us. You don’t want to hurt Darcy, right? She is like a sister to you and I am your cousin. Blood is thicker than water,” sabi pa niya. Napailing ako. “Dave is more family than you,” iyon lang at iniwan ko na siya. Kung ano – ano ng pumapasok sa ulo ko habang pabalik ako sa lugar nila Darcy. Sirang – sira ang mood ko at gusto ko talagang magwala. “Uy, bakit parang mainit na ang ulo mo?” nakangiting bati sa akin ni Darcy ng makabalik ako sa lugar nila. Pinilit kong ngumiti. “May couple na nagme – make out sa men’s room. ‘Di ako nakagamit ng c.r.,” iyon lang ang sinabi ko. Nakita kong nanlaki ang mata nila Darcy at nagtinginan ng mga kaibigan tapos ay nagtawanan. “Sana binigyan mo ng discount card ng motel,” natatawang sabi ni Dave. Umiling lang ako. I am not in the mood for any jokes. Talagang mainit ang ulo ko dahil kay Mark. I love Darcy at hindi ko matanggap na niloloko lang siya ng lalaking mahal niya. If only I can make her see how much I love her. Hinding – hindi ko siya lolokohin. Nakita kong nag – iba ang reaksiyon ng mukha ni Darcy. Sumaya iyon. Lalong kumulo ang dugo dahil alam kong dumating na si Mark. He is all smiles at humalik pa sa pisngi ni Darcy na para bang wala siyang ginagawang kalokohan. “Sorry, honey. Terible ang traffic sa Edsa. I missed you,” sabi pa nito. Putang ina. Putang ina! Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Kung puwede ko lang siyang murahin ng harapan at suntukin ginawa ko na. “Do you want to get out of here?” hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko na nasabi ko kay Janine. Huli na para mabawi ko iyon dahil nakita kong nagliwanag ang mukha niya. Saka kahit sino siguro ang kasama ko ay bibitbitin ko makaalis lang ako dito at makaiwas kay Mark. Baka kung ano na talaga ang magawa ko. “Sure. Where do you want to go?” nakangiting tanong ni Janine at isinukbit agad nito ang shoulder bag. “Anywhere. Tara,” sabi ko at nauna ng tumayo tapos ay bumaling ako kay Dave. “See you at home. I just need to get out of this place,” sabi ko kay Dave. Kumaway lang siya sa akin. “Enjoy. Don’t forget your rubber,” sabi niya at natawa. Hindi na ako lumingon kahit alam kong nakatingin sa akin si Darcy at nagtataka kung bakit bigla na lang akong nagwalk – out. I can’t stay here. Talagang pinapatay ako ng selos at baka hindi ko mapigil ang sarili ko. -------------------------------------------//// Bakit biglang nagbago ang mood ni Mon? Bigla na lang siyang sumeryoso at hindi na nagsalita. “I think Janine is going to get laid tonight. Matutupad na rin ang matagal na niyang pangarap,” narinig kong sabi ni Mark. “You think so? Hindi naman siguro magti – take advantage si Mon,” sabi ko. Naramdaman kong umakbay sa akin si Mark at napatingin ako kay kuya. Nakita kong sumimangot ang mukha niya kaya patay – malisya ko iyong tinanggal. “’Yaan na natin sila. Malalaki na sila. Saka talaga namang gustong – gusto ni Janine si Mon. Bagay naman silang dalawa,” sabi ko na lang. “Naku Darcy, for sure hindi papayag si Janine na hindi matikman si Mon ngayon. Alam mo naman ang babaeng iyon. Isang dekada na niyang pinapantasya si Mon at ngayon na ang pagkakataon niya,” natawa pa si Milette. Dapat masaya ako para kay Janine. Pero bakit ganoon? Bakit para akong nalulungkot? Parang kakaiba kasi si Mon. I have known him my life to be a jolly person. Pero kanina, ng bumalik siya, he is a different person. He didn’t smile, he was so serious na parang lahat aawayin niya. Ano kayang nangyari? -------------------------------------------//// “Where do you want to go?” narinig kong tanong ni Janine. Tinapunan ko lang siya ng tingin tapos ay itinutok ko muli ang tingin ko sa kalsada at nagpatuloy sa pagmamaneho. “I don’t know. Ikaw?” walang ganang sagot ko. “Gusto mo ihatid na kita?” Janine smiled naughtily. “You can bring me home. May gusto ko iyon. You can also stay,” sabi niya. Napahinga lang ako ng malalim. I am not in the mood to get laid tonight. Sa dami ng babaeng dumaan sa akin, lahat ng magpakita ng motibo ay hindi ko tinatanggihan noong nasa Amerika ako. I lived wildly and carefree. Nagbabakasakali kasi ako noon na lilipas din ang nararamdaman ko kay Darcy. Pero lalo lang akong nababaliw sa kanya. Sa tuwing may makakasiping akong babae, si Darcy lang ang nakikita ko. f**k! Mababaliw na ako! Ngumiti ako ng mapakla. “Just tell me where you live,” tanging nasabi ko. “Sure,” at medyo lumapit pa sa akin si Janine. “Do you know Mark too well?” I can’t stop myself from asking that. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang estado ni Mark at ni Darcy. “Mark? Boyfriend ni Darcy?” paniniguro niya. Alanganin akong tumango. “Well, ewan ko nga kung bakit pinatulan ni Darcy ‘yun. We told her that Mark is a womanizer. Alam naman ng lahat iyon. Hindi namin mapigil, eh. Mahal daw niya,” sagot niya akin. Tumango – tango lang ako. “You think he is loyal to your friend?” Nakita kong tumingin sa akin si Janine. “’Yung totoo? I know na hindi. But, in fairness to Mark, I know mahal niya si Darcy. He respects her. Kuwento nga sa amin ni Darcy pinipilit daw siyang mag – s*x sila pero ayaw niya. Dalagang Pilipina ang peg niya. Kasal daw muna bago s*x,” at natawa pa si Janine. “But I know, bibigay din ‘yang si Darcy kay Mark. Hindi titigil ‘yun hangga’t hindi nakukuha ang gusto niya and siguro after mangyari iyon, hindi naman papayag si Darcy na hindi sila makasal,” dugtong pa nito. Hindi na ako kumibo. I need to do something as soon as possible. Darcy is mine. Only mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD