bc

To be with you

book_age0+
1.2K
FOLLOW
8.0K
READ
love after marriage
forced
second chance
drama
like
intro-logo
Blurb

Santong paspasan.

Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lahat makuha lang niya ang pagmamahal nito.

Ngunit nakuha man niya si Darcy, ramdam naman niyang walang pagmamahal itong ibibigay sa kanya. Alam niyang nasusuklam din ito sa kanya. Naikasal nga silang dalawa, pero mas dobleng sakit ang nararamdaman niya dahil alam niyang iba ang minamahal nito.

Hanggang kailan niya kayang maghintay?

PS. This story is written in Filipino

chap-preview
Free preview
Welcome Home
Mon's POV Tahimik kong minasdan ang mga kapwa ko pasahero na nasa loob ng eroplanong sinasakyan ko. Karamihan sa mga ito ay mga tulog, ang iba naman ay nanonood ng pelikula sa monitor na nasa harapan nila. ‘Yung iba ay nakapikit at nakikinig sa earphone na nakasaksak sa ipod at mayroong ibang nagbabasa. Huminga ako ng malalim at tinapunan ko ng tingin ang kaibigan kong si Dave at napangiti ako kasi hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kami sa himpapawid na bumibiyahe. Ang alam ko lang sandali na lang at lalapag na kami sa NAIA. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong pasado alas – diyes na ng gabi. Itinama ko na ang oras nito sa oras dito sa Pilipinas bago pa man kami umalis sa apartment naming sa California. It’s been ten years since me and my bestfriend Dave worked as a nurse in America. After we graduated and passed the Nursing Licensure exams in the Philippines, nagpasa na agad kami ng mga documents na kailangan para makapasok kami sa ospital na pinapasukan ng kapatid kong doctor sa Cali. We took the local examinations, NCLEX and everything, and good thing we passed. My parents wanted me to stay since all of my family are living abroad. Ako na lang mag – isa dito sa Pilipinas kung uuwi ako. But I can’t stay there. Pinagbigyan ko lang ang gusto nilang makasama ako but this time, it’s about time I think about myself and my future. And my future is here in the Philippines with her. I needed to go back here. I needed to see her face. I think this is the perfect time to tell her how I really feel about her. My feelings that I wasn’t able to tell her ten years ago, ngayon ko na iyon ipagtatapat sa kanya. I took out my wallet from my back pocket and took out a picture of a girl. Matagal ko ng itinago iyon doon. Nakaipit sa mga lumang credit cards para hindi malukot. Napapangiti at marahan ko pang hinaplos ang picture. Araw – araw hindi ako nagsasawang tingnan ang napakagandang mukhang iyon. Saglit kong tiningnan ang kaibigan ko upang masiguro kong natutulog pa siya. Mahirap ng makita ni Dave ang hawak kong litrato. Wala kasi siyang kaalaam – alam na ang talagang babaeng gusto ko ay ang nag – iisa niyang kapatid na si Darcy. I met Dave when I was in second year college and when I met his sister, she really shook my life in an instant. She changed my world. Darcy was only sixteen and fourth year high school pero talagang kapag nakita siya, hindi siya iisipin na high school lang. Her body features are matured among her peers. She was tall and she already has curvy body. Dalagang – dalaga na tingnan. Alam kong marami na siyang manliligaw noon dahil naikukuwento sa akin ni Dave pero mas madalas, marami ang nagugulat na sixteen lang ito. Akala nga ng ibang tao ay girlfriend ito ni Dave o minsan ay napagkakamalang girlfriend ko. Kung puwede ko lang gawin iyon. Doon na ako tumira sa bahay nila Dave buong fourth year college namin. Si Dave na mismo ang nag – offer na doon na ako tumuloy dahil malayo ang bahay ko sa Makati kung sa Sta. Mesa kami pumapasok. Mas gusto ko naman iyon. Mas napapalapit kasi ako kay Darcy. Mas matanda ako ng limang taon sa kanya. If I’ll count it, she is already twenty – six dahil kaka – thirty one ko lang last month. I know she already has her own business. Retail shop of RTW clothes na malapit sa bahay nila. Kampante pa rin naman ako na maipagtatapat ko na ngayon ang talagang nararamdaman ko kay Darcy. Waiting for ten years is already too much. I tried to suprresed my feelings for her. Ang dami kong naging babae sa Amerika. Iba – ibang lahi. Pinoy at foreigner. Pero still, si Darcy pa rin ang hinahanap ko. Napatawa ako at napailing ng muling mapatingin kay Dave. Bahagya pa itong nakanganga sa pagkakatulog nito. Sigurado akong magugulat siya kapag nalaman niya ang gagawin. Wala siyang kahina – hinala na si Darcy ang babaeng lagi kong ikinukuwento sa kanya noon pa. Mabilis kong isinilid sa wallet ang hawak kong litrato ng maramdaman kong gumalaw si Dave. Tuluyan na itong nagising kaya patay – malisya kong ibinalik sa pantalon ko ang wallet tapos ay nag – inat ako kunwari. “Putaragis, Mon. Ilang beses na akong natulog at nagising nandito pa rin tayo. Inip na inip na ako,” sabi ni Dave sa akin. “Matagal pa ba tayo? Namamanhid na ang puwet ko dito, eh.” “Malapit na. Masyado kang mainipin,” natatawang sagot ko at kumaway sa dumaan na flight attendant. Huminga ako ng isang miniature bottle ng Jack Daniels. Kinakabahan kasi ako na hindi ko maintindihan. “Pangatlo mo na ‘yan, ah. Baka naman pagbaba natin ng eroplano hindi ka na makalakad,” puna ni Dave sa akin. Ngumiti lang ako tapos ay iniabot ko ang ibinigay ng flight attendant. Dire – diretso ko iyong ininom “Hindi naman, bro. Pampawala lang ng kaba. Na – e – excite kasi ako. After ten years makikita ko na ulit ang Manila. Saka nandito na tayo ulit kasama ang mga pamilya natin,” sagot ko sa kanya. Nakita kong napatawa si Dave sa narinig na sagot ko. “Technically, you don’t have a family here besides me and Darcy,” sabi niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya kasi totoo naman iyon. Dahil lahat ng pamilya ko ay nag – migrate na sa Amerika simula ng mag – aral ako sa college. “Where do you want to stay? Don’t tell me doon mo planong tumuloy sa bahay mo sa Makati? Kakalog – kalog ka dun,” sabi pa ni Dave. “For the meantime siguro Dave habang naghahanap ako ng mapapasukan dito,” sagot ko. “Crap,” napapailing na sambit nito. “Stay in our house. Alam na ni Darcy na doon ka titira sa bahay. Ipinalinis na nga niya ang kuwarto mo,” at muling pumikit si Dave. Hindi ko maintindihan ang kaba sa dibdib ko gayung pangalan pa lang ni Darcy ang narinig ko. At isipin ko pang doon ako pinapatuloy ni Dave sa bahay nila at muli kong makakasama si Darcy, talagang parang lumulutang ako sa langit sa tuwa. “How’s Darcy?” tanong ko. “She’s okay. Her business is doing fine and booming according to her. She sounded happy the last time I talked to her. I think naka – move na sa break up nila ng ex – boyfriend niya,” sagot niya sa akin. “Ex – boyfriend na agad? Sino ba ‘yan? ‘Yan ba yung gitarista sa banda?” paniniguro ko. I know maraming nanliligaw at nagiging boyfriend si Darcy at inaalam ko lahat kung sino – sino ang mga iyon. Ito nga ang huling kuwento sa akin ni Dave. Isang gitarista daw sa banda ang boyfriend ni Darcy. Tumango lang si Dave kahit nakapikit. “Buti naman ‘yun. Wala akong tiwala sa gago na ‘yun, eh. Mukhang durugista ang itsura,” sagot niya. “So wala na siyang boyfriend ngayon?” paniniguro ko. “Oo. Siguro. I don’t know with her. I trust her that she won’t break my rules. Malaki ang tiwala ko sa kanya na pangangalagaan niya ang sarili niya kahit pa nga marami ang mga lalaking umaaligid sa kanya,” patuloy pa ni Dave tapos ay tumingin sa akin. “What?” napalunok ako. Medyo kinakabahan ako dahil baka nahahalata na ni Dave na may gusto ako sa kapatid niya. “You have a cousin named Mark Meneses right?” paniniguro niya sa akin. “Oo. Si Mark. ‘Yung school mate natin nung college. Anak siya ni Tita Laura na pinsan ni mommy,” sagot ko. Nakita kong napailing si Dave tapos ay napahinga ng malalim. “He is the lucky bastard that is dating my sister now,” dama niya ang disgusto sa pagkakasabi na iyon ni Dave. “I trust my sister but I don’t trust that guy,” sabi niya sa akin. Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko dahil sa nalaman ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Dave sa akin. Kilalang – kilala ko si Mark. Second cousin ko siya. Anak siya ni Tita Laura na pinsang – buo ni mommy at kasama ni mommy sa States. Saka, schoolmates kami noong college. Nursing nga ang course namin ni Dave at Engineering naman si Mark. Pero mas nauna kaming naka – graduate. Dahil ang limang taong course nito sa Civil Engineering ay tinapos nito ng walong taon. Kilalang – kilala din si Mark sa pagiging babaero. Hindi ko na maintindihan pa ang mga himutok ni Dave sa akin. Ang utak ko ay lumilipad dahil sa nalaman ko. Parang naninikip ang dibdib ko sa sama ng loob. Hindi ko akalain ng pagkatapos ng ilang taong paghihintay ko, mauuwi din pala sa wala ang pag – ibig ko para kay Darcy. She is the love of my life. Nahihiya lang talaga ako kay Dave na magsabi ng gusto kong ligawan ang kapatid niya. Sa umpisa pa lang kasi ay sinabihan na niya akong hindi katalo ang kapatid niya. Sinubukan ko iyong daanin sa biro pero nagalit lang siya sa akin. Huwag ko daw ibilang si Darcy sa mga babaeng pinaasa at pinaiyak ko. Hindi ko lang masabi sa kanya na kaya wala ako tumatagal na relasyon ay dahil si Darcy lang ang nag – iisang gusto ko. Napahinga ako ng malalim ng marinig ko ang boses ng piloto at nag – announce na mag – ready na kami. Malapit na daw kaming mag – land. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Nawala ang excitement kong nadarama kanina pa dahil sa nalaman ko. Parang gusto kong umiyak. Pakiramdam ko kasi ay talunan pa rin ako. I almost have everything at wala na akong mahihiling pa sa buhay ko. Pero may kulang. Kailangan ko si Darcy sa buhay ko para makumpleto na lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Married to the Billionaire

read
586.6K
bc

Alpha's Secretive Young Mate

read
902.3K
bc

New Father (18+)

read
2.3M
bc

Resisting My Billionaire Husband

read
9.0M
bc

The Bad Boy's Redemption

read
142.1K
bc

Theo

read
147.2K
bc

The Deceit

read
65.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook