Plans

1615 Words
Pabagsak akong naupo sa sofa sa sala at tumabi kay Mark. Maaga niya akong pinuntahan dito sa bahay kasi wala naman akong planong umalis. Mas gusto kong maglagi na lang dito sa bahay at sulitin na kasama si kuya Dave. Ang tagal – tagal kaya naming hindi nagkita. “You’re necklace looks good on you. Binili mo?” narinig kong puna ni Mark. Napansin pala niya ang suot kong kuwintas na may malaking pearl pendant na napapalibutan ng mga maliliit na diamonds. Kasama ito sa set ng alahas na ibinigay ni Mon sa akin kagabi. “Bigay ni Mon. Pasalubong daw niya. I know this is expensive but, you know him. He doesn’t take no for an answer kaya tinanggap ko na din. Maganda naman ‘di ba?” sagot ko at wala sa loob na sinalat ko pa iyon. Nakita kong tumango – tango lang si Mark at ngumiti sa akin. “Siguro mas maganda kung ‘yan lang ang suot mo ‘no?” sabi niya sa akin at hinipo niya ang kuwintas na suot ko. Naramdaman kong bahagya niyang ibinaba ang hawak sa kuwintas at nahawakan niya ang boobs ko. Alam ko ang ibig sabihin ni Mark sa sinabi niya at hindi ko iyon nagustuhan. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla akong nandiri sa paraan ng pagdampi ng kamay niya sa balat ko. “Cut it Mark. It’s not funny,” seryosong sabi ko at umiwas sa kanya. Nakita kong sumama ang mukha ni Mark at padabog na bahagyang lumayo sa akin. “What’s wrong with that? Dalaga ka at binata ako and we are in a relationship. Everyone is doing that so bakit tayo hindi puwede? And besides, we are both grown ups so you should drop the conservative act,” dama ko ang inis sa salita niya. “I am not engaging in premarital s*x, Mark. You know how sacred it is for me. From the start this is our agreement. Ayokong ma – disappoint sa akin si kuya. And if you really love me you are willing to wait until we get married,” sagot ko sa kanya. Mark just shook her head na para bang hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi ko. Halatang hindi niya gusto ang naririnig niya. “Anak ng tinapay naman, Darcy. Almost six months na tayong mag – on. Hindi na uso ang dalagang Pilipina ngayon. When we kiss hindi kita pwedeng i-french kiss. Laging smack at halik sa pisngi lang. Daig ka pa ng mga high school girls sa mga eskuwelahan. Baka kapag sumama ka sa mga iyon mapagkamalan kang mother superior nila,” damang – dama ko ang frustration sa boses niya. “Pagbigyan mo na ako. Sige na. Papanagutan naman kita, eh.” Sabi pa niya sa akin at akma akong hahalikan sa leeg pero mabilis akong umiwas. “Mark, ano ba?!” inis na tutol ko. “s**t! Ang arte mo naman!” biglang sabi ni Mark at tuluyan ng lumayo sa akin. Hindi na ako nagsalita at sinimangutan ko na lang siya. Naiinis na ako. These past few days kasi ay walang tigil nag kaka – ungot si Mark na gawin namin ang bagay na iyon. Alam kong makabago na ang panahon ngayon ang everyone is doing premarital s*x but that is sacred for me. Bata pa lang ako ay ipinangako ko na sa sarili ko na sa isang lalaki ko lang ibibigay ang sarili ko at iyon ang mapapangasawa ko. That’s the only valuable thing that I can give to my future husband. Pero parang sa nakikita ko ngayon, hindi yata si Mark ang taong iyon. Nakita kong umayos ng upo si Mark. Naramdaman niya siguro na may taong pababa sa hagdan mula sa taas. Nakita kong si Mon iyon. Mukhang nakapahinga na siya dahil fresh na ang itsura niya. Hindi katulad kahapon na halatang pagod na pagod mula sa mahabang biyahe. Ngayon ko na lang siya ulit napagmasdan. Para siyang tore na lumalakad dahil sa height niyang 6’2. Parang lumapad din ang katawan niya na parang alaga sa gym at exercise. He looked relaxed sa suot na maong and white t-shirt na binagayan ng itim na espadrilles. Alam kong papasa siya para sa isang modelo dahil sa mga katangian niyta. Bumagay pa sa kanya ang morenong kulay at guwapong mukha na alam kong kinakikiligan ng mga classmates ko noon sa high school. Hindi ko tuloy masisi si Janine kung bakita patay na patay dito. Papalapit na siya sa amin kaya umaalingasaw na ang panlalakeng pabango niya at mabango iyon. Amoy fresh na bagong paligo. “Mukhang may lakad si lover boy,” narinig kong sabi ni Mark ng mapadaan sa harap namin si Mon. Tumingin lang siya sa gawi namin tapos ay tipid na ngumiti. Dire – diretso na ito sa kusina. “He looks weird. Hindi ko nakilalang tahimik ‘yang si Mon,” puna ni Mark ng makalayo sa amin si Mon. Naipagpasalamat kong naiba na ang topic naming dalawa. “Baka nga talagang malungkot siya na umuwi dito dahil sa girlfriend niya,” sagot ko na lang. Umiling – iling lang siya sa akin. “No. It’s not Mon. Hindi ‘yan malulungkot dahil nawalan ng babae. He can easily find a replacement. Saka puwedeng hindi na siya umuwi dito dahil lahat ng pamilya niya ay nasa US na,” sabi pa niya. Sabagay, totoo naman ang sinasabi ni Mark. Kahit noon na dito nakatira si Mon sa amin ay napakaraming tumatawag dito. ‘Yung iba nga inaaway pa ako dahil akala nila ay girlfriend ako ni Mon. Si Janine nga ay kulang na lang magpakamatay para mapansin ni Mon pero sa malas, may ibang babaeng gusto yata ang lalaking iyon kaya kahit anong gawin ni Janine ay hindi nito pinapansin. -----------------------------------------///// “Aga ng bisita ng utol mo, ah.” Sabi ko agad na maaabutan ko sa kusina si Dave na nagka – kape. “Ewan ko diyan. Ang agang mambuwisit, eh.” Asar na sagot ni Dave. Hindi ako kumibo. Oo. Nakakaasar nga. Ang aga – aga nakabakod na agad kay Darcy. Parang gusto ko ngang suntukin si Mark kanina ng marinig ko ang pinag – uusapan nila. He was asking Darcy to have s*x with him! ‘Tang ina! Baka mapatay ko siya kapag ginawa niya iyon! “May lakad ba tayo?” iniba ko na lang ang pinag – uusapan namin at baka hindi ko mapigil ang sarili ako balikan ko sa salas si Mark. “Wala naman. Pinagising lang kita para makapag – breakfast ka. Bakit? May gusto ka bang puntahan?” balik tanong niya sa akin. Umiling ako. “Wala naman. Gusto ko na muna magpahinga dito,” sagot ko. At makasama si Darcy. Gusto kong idugtong iyon. “Darcy invited her friends. Nagyayaya lumabas para makasama daw tayo. Pagbigyan mo na at talagang imina – match ka sa kaibigan niya,” natatawang sabi ni Dave. Mahina akong napamura. “Alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganyan. I’d rather stay here,” sabi ko. Natatawang tumingin sa akin si Dave. “Ano bang plano mo ngayon, Mon? I meant, wala ka namang babalikan pa dito. Lahat ng pamilya mo ay nasa US kaya hindi mo na kailangan na bumalik dito,” seryoso na ngayon ang kaibigan ko. Napahinga ako ng malalim. Kung sabihin ko kaya ang totoo? Ako na rin ang pumigil sa sarili ko. Baka karnehin ako nitong si Dave. “I want to settle down here,” sagot ko na lang. Napahalakhak si Dave. “Settle down? Ulol. Paano ka mag – settle down kung girlfriend nga wala ka.” Natatawang sabi nito. “Darating tayo diyan. I know one day, I’ll marry her,” nakangiting sagot ko at ang nasa isip ko ay si Darcy. “So, may special girl nga? ‘Tang ina ka. Sino ‘yan? Hindi mo man lang ipinapakilala sa akin. I am you bestfriend,” himig kunwari ay nagtatampo ito. “Gago wala,” natatawang sabi ko. Napahinto kami sa pag – uusap ni Dave ng makita kong dumadating si Darcy ay naupo sa harap namin. “Umalis na ba ang bisita mo? Aga – aga dumalaw, eh. May lahing intsik ba ‘yang si Mark?” si Dave iyon. “Hayaan mo na kuya. Ikaw naman. Buti nga pinupuntahan pa ako. Oo. Umalis na. May lakad pa daw,” sabi niya at kinuha ang kape ko. “Painom ha?” sabi niya sa akin at dire – diretsong ininom iyon. “You really like that guy, Darcy? Anong nagustuhan mo ‘dun? Itsura pa lang mukhang babaero na,” sabi pa ni Dave. “Kuya naman, eh. Mabait kaya si Mark,” sabi niya at tumingin sa akin. “’Di ba Mon mabait naman ang pinsan mo?” Ngumiti lang ako ng mapakla. “I don’t know. Hindi naman kasi kami close,” tanging sagot ko. “See? Maghanap ka na lang ng iba. Dapat ‘yung siguradong papasa sa akin,” sabi ni Dave. Umirap lang si Darcy at tumingin sa akin tapos ay ngumiti. “So, mamaya na ‘yung date ‘nyo ni Janine, ha? Group date naman iyon kasi nandoon kami ni Mark. Be nice to her, okay?” sabi niya tapos ay bumaling kay Dave. “Kung gusto mo sumama, huwag kang kontrabida, ha?” sabi pa nito tapos ay iniwan na kami. “Such a pain in the ass,” naiiling at natatawang sabi ni Dave. Hindi rin mawala ang ngiti ko sa labi habang minamasdan palayo si Darcy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD