These Dreams

1184 Words
Pasado alas dos na ng umaga kami nakauwi sa bahay nila Dave sa Mandaluyong. Naipagpasalamat kong hindi na nagtagal pa doon si Mark. Pakiramdam ko kasi ay talagang kumukulo ang dugo ko sa tuwing tatabi siya kay Darcy. Gusto ko na nga siyang suntuking ng mag – goodbye kiss siya kay Darcy at halikan ito sa pisngi. Dumiretso na rin si Dave sa sariling kuwarto nito at iniwan na kami sa sala. Mayroon din naman kasi akong sariling silid sa bahay na ito kaya hindi na ako asiwa na magkikilos dito. Nakita kong nagla – lock ng mga pinto si Darcy at tumingin sa akin. Siguro ay nagtataka kung bakit nakatayo lang ako doon. “Bakit ‘di ka pa magpahinga? Natutulog na si kuya. Siguradong pagod kayo sa biyahe,” sabi niya sa akin. Umiling lang ako. “Naninibago pa ako. I can’t sleep kahit pagod na ako,” tanging nasabi ko. Ngumiti siya sa akin tapos ay lumapit. Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko ng biglang yumakap si Darcy sa akin mula sa likuran tapos ay inamoy ang kili – kili ko. napakagat – labi na lang ako sa ginawa niya. Kahit kasi nagdalaga na ito, nanatili pa rin itong isip bata. “Ang asim mo na. Maligo ka na,” natatawang sabi niya sa akin at lumayo. “Sixteen hours kaming nasa eroplano. And I know I need to take a bath. I’ll do that later. Sigurado kasing mahihirapan akong gumawa ng tulog,” natatawang sagot ko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito. “You want coffee?” tanong ni Darcy sa akin habang papunta ito sa kusina. “Black. No sugar. I’ll be there in a minute,” sabi ko at tinungo ang maleta ko. Kinuha ko ang pasalubong ko sa kanya. Naabutan ko siya na papatapos na ang pagtitimpla ng kape. Naupo siya sa harap ng mesa at inilapit sa harap ko ang kapeng ginawa niya para sa akin. “Pasalubong ko sa iyo,” sabi ko at iniabot sa kanya ang isang katamtamang laki na box. “Wow. May pasalubong pa ako. Sana cash na lang,” natatawang sabi niya. “You want cash?” kung seryoso si Darcy na gusto nito ng pera ay ibibigay ko ang gusto niya. “Sira! Masyado ka namang seryoso,” at napahalakhak pa siya. “Akin na nga ‘yan. Baka magbago pa ang isip mo at bawiin mo ang pasalubong ko,” sabi pa niya sa akin sabay kuha ng kahon. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa nakitang laman ng kahon. Nawala ang ngiti sa labi at napatingin sa akin. “Mon, this is too much! Hindi ko ito matatanggap,” narinig kong sabi niya at ibinabalik ang kahon sa akin. “That’s yours. I – I don’t have any family here besides you and Dave kaya tanggapin mo iyan. Kulang pa ‘yan sa pag – asikaso mo sa akin kapag nandito ako,” sagot ko sa kanya. Nakita kong napalunok siya at muling binuksan ang hawak na kahon. Isang set ng South Sea Pearls na hikaw, singsing at kuwintas ang laman ng kahon. Ang mga perlas ay napapalibutan ng maliliit na nagkikislapan na mga diyamante. Hindi biro ang halaga ng mga iyon pero para kay Darcy ang mga ito kaya walang halaga ang pera para sumaya lang ang pinakamamahal kong babae. “S – sigurado ka ba? Ang mahal – mahal nito sigurado ako. Sure ka na ibibigay mo lang ito sa akin?” hindi pa rin siya makapaniwala. Natawa ako at napakamot ng ulo. “Oo nga. Bakit? May iba ka bang gusto? Ayaw mo niyan?” Napailing lang si Darcy at marahang hinaplos ang mga alahas tapos ay tumingin sa akin. “Thank you Mon!” biglang sabi niya at mabilis na humalik sa pisngi ko bago patakbong umakyat sa hagdan at nagkulong sa kuwarto niya. Wala sa loob na sinalat ko ang pisnging hinalikan ni Darcy. Sinunod ko ang sinabi niya na maligo. Baka sakaling makatulong iyon para makatulog ako. Kanina pa ako dito sa kama ko pero hindi ako dalawin ng antok. Naninibago yata ako. Pero hindi. Hindi ako makatulog dahil mukha lang ni Darcy ang nakikita ko kapag ipinipikit ko ang mata ako. Napatingin ako sa pinto dahil nakita kong bumukas iyon. Napakunot ang noo ko ng makita kong nakatayo doon si Darcy at nakatingin sa akin. Bumangon ako kasi parang may mali sa suot niya. Naka – boyleg panties lang siya at naka sandong manipis. “Darcy? W – what are you doing here?” takang tanong ko. Dire – diretso na kas siyang pumasok sa loob ng kuwarto ko. She stood at the foot of my bed and she is just staring at me. I can smell her sweet scent. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko ng lalo kong maaninag ang katawan niya dahil sa suot niyang damit. “Darcy, what are you doing here? Do you need something?” tanong ko ulit. But she didn’t answer me. Instead, she went on the bed and positioned herself on top of me. Without any word, she kissed me passionately. I know this is wrong pero parang wala yata akong lakas na pigilan ang ginagawa niya. O dahil ayokong itigil ito? napakatagal na panahon kong inasam na matikman ang labi niya. I kissed her back and I can taste her soft lips. I can feel her warm body touching mine and I embraced her tight. A soft moan escaped from my mouth when I felt one of her hand is probing around my stomach. She slid her hand inside my boxers and gently caressed my now hard bulge between my thighs. I opened my eyes when I heard a loud knock that made me awake from a very beautiful dream. I looked around and I am all alone by myself. No Darcy beside me. I saw my hand inside my boxers and touching my now erect manhood. Fuck. Ganito na naman? Damn it! s**t! I am going to lose my mind. Para akong sira – ulong nakikipag – usap sa sarili ko. Ilang taon na ba akong nananaginip ng ganito? Napalunok ako at marahan kong sinalat ang labi ko. ‘Tang ina. Mababaliw na yata ako sa sobrang pagmamahal ko kay Darcy. Inayos ko na muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto. Nakita kong nakatayo doon si Darcy. Naka shorts lang siyang pambahay at t-shirt. Parang nahihiya pa ngang tumingin sa akin. Siguro dahil tanging boxer shorts lang ang suot ko at kitang – kita na naka – flag ceremony ang nagtatago doon. “Bakit?” tanong ko. I pretended that I am annoyed dahil naistorbo ang tulog ko. “Pinapagising ka kasi ni kuya Dave. Past ten na. May lakad yata kayo,” sagot niya sa akin at ibinaling sa ibang lugar ang tingin. “Sige. Thanks. Magbihis lang ako,” sabi ko sa kanya. Mabilis na umalis doon si Darcy. Alam kong kahit na palagay siya sa akin, alam kong naasiwa pa rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD